Naligo muna ako sa room na tinutuluyan ko bago ako humiga sa malambot na kama. Inaya nila akong kumain ng dinner, pero sabi ko ay busog pa ako. Tsaka lahat sila roon may partners, nakakahiya naman..
After some scrolling sa social media ay natulog na rin ako.
I woke up early the next morning. I wore my sweater at pumunta sa dalampasigan. Papasikat palang ang araw at wala pang masiyadong tao sa paligid.
Umupo ako sa buhangin at pinanood ang papataas na araw. Kinuhanan ko ito ng litrato at inilagay sa Instagram story ko.
Nanatili pa 'ko roon ng halos isang oras hanggang sa maisipan ko nang maglakad pabalik sa loob.
Pagkarating ko sa loob ay nakita kong abala na ang lahat para sa kasalan.
May nag-aayos ng decorations at may nagluluto na rin para sa reception. Binati nila ako at ngumiti naman ako sa kanila.I saw my friends inside the room kung saan inaayusan si Gabbie.
"Nadj! Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nanggaling?" bungad ni Kaye.
"Ah, lumabas lang. Nanood ng sunrise." I answered, chuckling. They just laughed at me.
Tumingin ako kay Gabbie at napansin ang abot-mata niyang ngiti habang nakatingin sa akin. I smiled back and walked towards her. I held her hand.
"I am so happy for you, Gabbie. Hindi na tayo madalas nag-uusap pero kahit ganu'n, you still invited me on your wedding,"
"Siyempre naman. You are one of the reasons kung bakit kami naging mas malapit ni Anthony noong college," Tukoy niya sa mapapangasawa niya. Parehas kasi kaming Business Administration ni Anthony.
We did a group hug after the little conversations.
Hours passed. Natapos na ang lahat ng mga kailangang ayusin at nagsimula na ang seremonya.
Tumugtog ang kantang 'Can't Help Falling In Love' habang naglalakad si Gabbie patungo sa kaniyang minamahal. She was the happiest woman on her day.
I also asked myself. When will I get to feel and experience that?
Well, in the past, maybe? But that was not the right time for it.
"You may now kiss the bride."
Ibinaba na ni Anthony ang veil ni Gabbie at hinalikan ito sa kaniyang labi.
We stood and clapped for the newly married couple as my happy tears were also trickling down.
After the ceremony, nagtungo na kami sa reception. Pagkapasok sa loob ay marami nang bisita. Talagang maraming pumunta rito sa Palawan masaksihan lamang ang kasal.
"Liz, magre-retouch lang ako." sabi ko at pumunta na kaagad ng powder room.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang babae. Nakatayo ito sa sulok at mukhang may kausap sa phone. Tanging likod niya lang ang nakikita ko kaya hindi ko makita ang mukha niya.
I think she was trying to held her sobs? Or maybe it was just me who thinks that.
Lalapitan ko sana ito ngunit may kumausap sa akin.
"Hi! May I take a picture with you po, miss?" saad ng isang batang lalaki na kita ang dimples sa magkabilang pisngi. He is 13-15 years old, I think.
"I'm sorry, Miss Nadya. He really has a crush on you kaya gusto niyang magpa-picture. Favorite niya pa nga 'yung TV commercial mo, e," saad ng mom niya habang natatawa. I chuckled and held his hair.
Hindi ko na naisip kung ano bang itsura ng mukha ko kaya um-oo kaagad ako.
"Sure. Come here."
Ibinigay niya ang hawak niyang phone sa akin. "1... 2... 3... smile!"
I hugged him after our picture-taking and asked his name.
"Paul po,"
I suddenly remember something.. or someone, pero ipinagsawalang-bahala ko nalang din.
"Thank you po, Miss Nadia!"
"Thank you, too... Paul! It was nice meeting you!"
He smiled at me. I waved my hand as I watched them walking away.
Bakit ba hanggang dito maaalala ko siya!? I mean, his name...?
Lumingon muli ako sa sulok kung nasaan ang babae kanina ngunit wala na siya roon. Tumitingin-tingin pa ako sa paligid pero hindi ko na siya nakita.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa powder room. I retouched my make-up dahil nga lumuha ako kanina.
I was about to leave the room pero nakarinig ako ng nagsasalita mula sa labas. I am really not a 'chismosa', but this one really caught my attention. Humihikbi ang babae.
"No, mom. I won't tell him. He will leave me. At isa 'yun sa mga magiging dahilan para maghanap siya ng iba."
Saglit na katahimikan ang namayani at nagsalita muli siya.
"I love him... more than myself. I will do anything just so he won't leave me."
"I should end this call now, he's coming over here. Bye,"
Rinig ko ang takong niya kaya alam kong umalis na siya.
YOU ARE READING
State Of The Present
RomanceA wounded heart can be said to have healed, but over the long time, someone's heart was returning to the past, hoping to bring back yesterday's memoirs.