One week later.
Nagising ako sa pagkakatulog dahil sa isang tawag. Tumatawag si Direk Chris, ang director ng movie namin.
"Hello Nadia!" masiglang aniya pagkasagot ko ng tawag.
"Hi direk, napatawag po kayo?"
"Naging successful ang movie ninyo... as always!" tumawa siya.
"We received a lot of good reviews and ratings, so we will have a small celebration tonight!" masayang sabi niya. Napangiti ako dahil sa in-anunsyo niya. Alam naman na iyon ng agency.
"Sure! Same bar direk?" Nangingiting tanong ko. Sa tuwing nagkakaroon kami ng celebration, iisang bar lang ang pinupuntahan namin.
"Of course! 8pm, See you later! Bye!" aniya. Nagpaalam na rin ako bago ibinaba ang tawag.
Saglit pa akong nahiga bago bumangon at naghilamos. Nadatnan kong nanonood ng korean drama si Yella sa sala.
"Ang aga naman niyan!" sigaw ko. Bigla siyang napa-upo mula sa pagkakahiga. She just gave me a piece sign at bumalik sa dating pwesto.
Pagkatapos kong maghilamos ay kumain na rin kami. Sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa celebration. "Prepare yourself tonight, we'll celebrate with Direk Chris and the other staffs and casts."
Tumingin siya sa akin habang nakangiti. Alam ko na ang ipinahihiwatig niya kaya napairap nalang ako.
"Sana may hottie," maharot na aniya.
Nanood lang kami ng movies maghapon. Mugto na nga ang mata ni Yella dahil sa mga tragic movies na pinili niya.
"Ang pangit mo na. Paano ka papansinin ng mga hottie mamaya?" biro ko.
Dumating ang 7pm kaya't gumayak na kami ni Yella. I just wore a fitted white long-sleeved top, black jeans and a dark red heels. I don't usually wear dresses. Nagdala rin ako ng bag para sa car-key at phone.
"Let's go!" masiglang sabi ni Yella.
Lumabas na kami sa condo building. Hindi ako iinom nang marami ngayon kaya I brought my car with me.
Pagkarating namin sa bar, agad naming pinuntahan sila Direk Chris sa VIP area. Kilala naman kami ng mga staffs ng bar kaya nakapasok kami agad. Tinawag ko siya at agad naman akong lumapit sa kanya para bumeso.
"Nadia!" masayang aniya. Bumati rin sa akin ang mga casts and staffs ng movie na naroroon. Naupo kami sa couch at umorder ng drinks.
Binati ni Miguel sila Direk pagkarating niya at umupo sa tabi ko. Tinukso kami ng mga tao roon, nangunguna si Yella.
Napailing nalang ako at uminom ng Margarita na nasa lamesa.
Nagkwentuhan lang ang lahat, tawanan lang ang namayani sa buong area. "Cheers!" Nag-toast kami nang sabay-sabay.
"Guys, I'll just go to the restroom." Paalam ko sa kanila, sumunod sa akin si Yella.
Pagkapasok namin sa restroom ay agad dumapo ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ng salamin.
She was putting a foundation on her pretty face. Her elegant black fitted dress suits her.
Lumingon ito sa amin at ngumiti. "Hi Miss Nadia!" bati niya.
Ngumiti lang din ako at tumango sa kanya saka dumiretso sa isang cubicle. Stella's here... and she knows me... pero bakit parang nagulat pa 'ko? Baka napapanood niya lang... but did she know that I am Ethan's ex-girlfriend!?
Hinanap pa ng mata ko si Stella pagkalabas ko sa cubicle ngunit hindi ko na siya nakita, nakalabas na siguro.
Lumabas na kami ni Yella sa restroom at babalik na sana sa VIP area ngunit natigil ako saglit nang makita kong naglalakad si Stella papunta sa isang grupo ng mga tao na nakaupo sa couch.
She sat down next to a guy who's sitting on the couch. It was Ethan.
Tumingin si Ethan sa kaniya, he smiled at her with his mouth slightly opened.
"You're so gorgeous," he mouthed.
Kinilig naman ang girlfriend niya sa pambobola nito. Ethan put his left hand on Stella's left shoulder and kiss her on the side of her lips.
Nagsigawan ang mga kasama nila. Inaasar ang dalawa. "Ang landi niyo!" Malakas na sigaw ng babaeng kasama nila. The two of them just laughed.
My heart ached. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at hihilahin na sana si Yella pabalik ngunit nakita ko siyang sumasayaw sa dancefloor habang may kausap na lalaki kaya hinayaan ko nalang at mabilis na naglakad pabalik sa VIP area.
Agad akong nagsalin ng alak pagkaupo ko sa couch at nilagok agad ito, hindi ko namalayang malakas pala ang tama ng alak na nakuha ko kaya napapikit nalang ako sa lasa. Paulit-ulit na sumagi sa isip ko ang nangyari.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko!? Ganito ba 'ko parusahan ng tadhana?
YOU ARE READING
State Of The Present
RomantizmA wounded heart can be said to have healed, but over the long time, someone's heart was returning to the past, hoping to bring back yesterday's memoirs.