Quinn's POV
I'm quinn drea ford 16 years old. 2 years na ako brokenhearted 2 years na rin akong nanrereject ng mga manliligaw ko kasi 2 years na akong nag aantay sa first ex boyfriend ko. Hanggang ngayon kase di pa ako nakakamove on hinihintay ko yung pag babalik nya kahit alam kong impossibleng bumalik pa sya.
Hay buhay nga naman..
"Hoy! mukha kang tanga nakatulala jan." pabida talaga tong kuya ko kahit kailan eh. pabigla bigla na lang pasok sa kwarto ko eh
"Anong pake mo! Lumabas ka na nga!" lagi naman kameng ganto eh parang aso't pusa dalawang taon lang naman kase agwat namin.
"Kotongan kita sa lungs jan eh" ng akma nya akong kotongan sa ulo bigla akong sumigaw
"MOOOOOOOM! SI KUYA OH! MANGONGOTONG NANAMAN" baka magawa nya. hahaha takot nya na lang kay mommy
sabay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si mommy "Hoy! kayong dalawa ang aga aga nag aaway kayo. ikaw jake antanda mo na di ka marunong rumispeto sa babae at sa kapatid mo pa!" ayan pinagalitan tuloy sya ni mommy hahaha panigurado mag wawalkout nanaman to gawaen nya yun eh.
"ako nanaman" rinig kong pag kakabulong nya
at ayun na nga nag walk out sya at bago bumaba inismiran ako.
"Bumaba ka na don at mag breakfast na. aga aga inii-stress nyo ko masisira ang beauty ko" tsh kapal ng mukha neto ni mommy minsan eh ansarap jombagin
---
"Kuya paabot nga nyang hotcake" pag utos ko sa kanya kasi malayo sakin yun at kinuha din naman nya yun
"Ay mom. asan pala si dad? bat di sya sumabay saten mag breakfast?" tanong ni kuya habang akmang kakainin ang hotdog
"Nasa office na nya. maagang umalis at may tatapusin daw sya ngayon" may company kase kame at panglima sya sa pinakamalaking company sa pilipinas ang ford company
"Ah okay sige ma alis na ako maaga pa pasok ko." kinuha nya ang gamit nya sa may couch "Kuya sabay na ako sayo. hatid mo ko"
"Okay" tss tipid nya. ayokong mag drive tinatamad ako kaya sasabay ako sakanya
"Ingat ah" Sabi ni mommy at kiniss na namen sya
umupo na ako sa shotgun seat ng car ni kuya at hinatid nya na ako sa school hindi kame mag kaparehas ng school kasi high school ako at college sya. Malamang! -_-
--
"Baba na. andito na""Dimo ba ako ihahatid sa loob?"
"Hindi na may pasok pa ako" at binuksan nya ang pinto at umikot at pinag buksan ako gentleman to minsan pag may sapak eh.
"Ingatan mo sarili mo" duh! malaki na ako
"Okay."
--
@Monte frost high
dito na ako nag aral since 1st year onti lang friends ko dito , pero maraming nakakakilala saken dahil sa company namen halos mayayaman din ang tao dito yung iba may kaya 150,000 kase ang tuition dito sabi nila ang may ari daw ng MFH ay nasa california pero wala akong pake dun basta nag aaral ako ng mabuti hahaha pumasok na ako sa room ko at umupo at dumating na rin ang teacher namen psh wala namang bago boring. -_-
*Riiiiiiingggggggg*
"Hay salamat at recess na" kalbaryo dun sa upuan ko anlayo kasi nila janella eh psh nag bago ng sitting arrangement policy yun ng advsr. namen ewan ko ba sakanya.
at agad ko namang nilapitan sila janella , sophia & sophie na nag aayos ng gamit nila "Tara na girls, nagugutom na ako" pag mamaktol ko "Balita ko ngayon daw dadating yung anak ng may ari ng school na to ah" pag dating sa mga gantong chismis talaga nangunguna si janella
"Gwapo ba daw?" pag chorus ni sophie at sophia pag kambal ba talaga parehas ng iniisip? "Mga hayok sa gwapo" pag bulong ko
"HOY BABAITA NAG TATANONG LANG KAME!" "palibhasa kase inaantay mo pa ex bf mo eh palitan mo na kasi yun di na yun babalik" bwinibwisit ako ng kambal pakealam ko ba eh mahal ko pa talaga sya eh nag walkout na ako bibwisitin lang ako ng kambal gaya ng lagi nilang ginagawa saken
*Nag lalakad papuntang canteen*
"OY QUINN DIKA MABIRO!" Pasigaw na sabi ni sophie at nag lakad lang ako habang naririnig ko silang tumatakbo.
hinawakan nila ang kamay ko sabay "Woo" "hooh" "HAH" "Papatayin mo yata kame eh"
"Duh! sino ba kasing may sabi sainyo na tumakbo kayo" at inirapan ko sila
"kasi eh walk out ka nanaman akala mo ganda mo eh" sasapakin ko to si janella kung di ko lang to bestfriend.
"Ganda ko kaya" wala ng kumontra dahil maganda naman talaga ako
Palihim akong tumawa
"Hindi ka na ulit galit?" pagkasabi ni sophie nun tumingin ako sakanila at inirapan sila
"In your face hmp"
nag bulungan sina sophie at sophia "50/50" anung pinag sasasabi ng dalawa? -_- bahala sila galit parin ako sakanila ang babaw ko nga magalit eh buti natitiis nila ako
--
Bukas na ulit ako mag uupdate ^_~