Mugto ang mga mata ko ng magising ako pero pilit ko pa ring inayos ang sarili ko. Ayaw ko maging usap usapan mamaya kaya nag hilamos ako at sinadya ko talagang mag pa late para hintayin maging magaan at maayos na ulit ang mga mata ko.
Nasa ilang palapag pa lamang ako ng hagdan ay naririnig ko na ng nakakabinging sigaw ni lola. Alam ko na sesermonan niya nanaman ako. Bata palang ay strekto na si lola saming lahat pati sa mga pinsan ko mas lang sa akin kasi ako ang lagi nilang kasama.
"Barbara! Bakit ngayon ka lang anong oras na? At may gana ka pa talagang pumasok ng ganitong oras ano ang madadatnan mo doon? Siya mamayang hapon kana pumasok." Lantaya sa akin ni lola ng tuluyan na akong makababa tahimik lang ako dahil alam kung kasalanan ko naman.
"Tandaan mo! Na kailangan mo mag aral ng mabuti para sa sarili mo. Magiging isang magaling na guro ka katulad ko. Ikaw ang aahon sa pamilya niyo." Alam ko ang ibig niyang sabihin. Oo mayaman ang lola at lolo ko meron silang negosyo pero hindi pwede na umasa na lang kami sa yaman nila. Yung mga magulang ko minsan lang din magpadala dahil sakto lang ang kinikita nila.
Tahimik lang akong nakinig sa sermon ni lola hanggan sa niyaya niya na akong umalis para pumunta sa bayan mag cocommute lang kami dahil kaninang umaga pa umalis si lolo dahil siya ang magbubukas ng koprahan. Tanghali na at doon kami sabay sabay na nag tanghalian bago ako pumasok sa school.
Alauna ang first subject ko sa hapon. 12:30 palang ay nasa school na ako at kahit bago ay may nakilala na rin akong mga kaibigan pero hindi ko din maiwasan na may isang pansin kung ayaw sa presensya ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ako ay nag rorolyo ang mga mata nito.
Naging ilag ako sa kanya, sa tuwing nag mamataray siya sa harap ko bumabalik sa akin yung takot na baka maulit na naman yung naranasan ko sa dati kung school. Masasabi ko na unti unti na akong nakakaadjust sa bago kung environment pero tulad nong mga unang araw tahimik pa rin ako at pili lang ang kinakausap. Dumating na rin si ma'am kaya nagsipasokan na ang iba ko pang mga kaklase. Umayos na rin ako ng upo alam ko na mahihirapan nanaman ako ituon ang atensyon ko sa klase dahil nasa healing process pa rin ako, hindi ko pa fully tanggap ang mga nangyari. Hanggang sa second subject nakatulala lang ako buti at hindi pa ako masyado kilala ng mga teachers or baka aware lang rin sila sa nangyari sakin kaya hinahayaan lang nila na ganito ako.
Vacant namin ngayon last subject kaya nasa labas yung iba kung kaklase. Habang ako nasa isang sulok lang ako nakaupo at nag aantay ng oras. Grabe pa rin ang epekto ng nangyari sakin, hindi ako makapag focus sa klase ko minsan nakakatulog pa ako or minsan tulala lang. Honestly ayaw ko pa talaga sana pumasok gusto ko muna magpahinga kasi natritrigger pa rin yung truma. Nahihiya rin ako sa mga teachers and classmates ko, siguro kaya may mga kaklase akong umiiwas sakin kasi natatakot na sila sa mga kilos ko. May mga times kasi na kapag na tritriger yung trauma ko sumisigaw nalang ako bigla or nahihimatay bigla.
Nakatanaw lang ako sa bintana ng classroom at nakikita ko na ang ibang estudyante from other grade level na naglalakad palabas. Finally ibig sabihin uwian na. Inayos ko na yung mga gamit ko para pag dating ng tito ko uuwi na kami. Yes, same school kami ng tito ko the other reason why my grandparents chose this school for me.
"Eze, andito na tito mo" napalingon ako sa tumawag sakin, si Aya pala one of my classmates na macoconsider ko as my friend na rin.
"Thank you, Aya. Una na ako ingat kayo" ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik sabay tango. Naglakad na ako palabas ng room at niyaya ang tito ko na umuwi na dahil ramdam ko na ang pagod.
Ilang araw na rin ang nakalipas mag mula ng tumawag si mama kay lola. Pag uwi ko galing sa school ay tinawag agad ako ni lola.
"La ano tawag niyo po ako" magalang na tanong ko sa matanda.
"Uuwi na raw ang mama at papa mo dito. Nag resign na ang mama mo para magkasama sama na kayo mag kapamilya" nakangiti ito habang pinapaabot sakin ang balita at halata ang saya dahil mabubuo na ulit kami.
Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman. Kung magiging masaya ba ako dahil uuwi na sila at magkakasama-sama na ulit kami o lungkot kasi nag resign si mama sa trabaho at panigurado na may mabigat na rason ito.
"Talaga po? Kailan daw po sila uuwi?" Pinilit ko maging tunog masaya ang boses ko kahit na hindi ko talaga alam kung ano dapat ang maging emosyon ko.
"Sa makalawa na ang luwas nila pinalinis ko na rin ang kwarto ng papa mo para doon sila tumuloy" tumango tango nalang ako at nag paalam na kay lola na aakyat na dahil may tatapusin pa akong assignment.
Until now I don't know what I exactly feel. Pero hindi ko din naman maitago ang saya na finally makakasama na ulit namin sila.
Day have past and finally ngayon na darating sila mama at papa. Excited ako umuwi kasi after how many years finally I'll be home with my parents. Ngiti ngiti ako habang nasa likod ng kotse pauwi sa bahay.
Hindi naman kalayuan ang bayan sa baryo namin at mabilis naman ang kotse ni lolo kaya mabilis din kaming nakarating sa bahay. Dali dali akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko sila mama na nag aayos ng gamit nila. I ran to them and hugged them. I miss them so much. Niyakap din agad nila ako kaya hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ko.
"Mama, papa akyat lang po ako mag papalit lang po ako" nakangiti kong paalam sa kanila
"Sige anak, bilisan mo at may mga pasalubong kami sa inyo" ngumiti muna ako kay nanay at madaling umakyat sa taas para mag palit ng damit.
Habang pikit ang mga mata at naka ngiting bumubulong sa kawalan...
"I wish this will be a new good start para ayusin yung pamilya namin. I pray for this and I hope this is my answered prayer"
BINABASA MO ANG
I'M STUCK
Short StoryI know where I want to go in life, But I don't know how to get there. I know what I need to cure my loneliness, But I don't know how to get it. I know want I want, But I'm stuck and I don't know how to get myself out.