Chapter 5

6.9K 85 3
                                    

Lui's POV

Nagdidinner kami ngayon ni babe ko dito sa isang restaurant. Sini-celebrate namin ang aming 3rd monthsary.

Pinapikit niya ko saglit dahil may surpresa daw siya sakin.

"Wait lang, babe. 'Wag kang sumilip. Pikit lang muna." ani nito.

Naramdaman kong may nilagay siya sa mesa. Parang box ata.

"Open your eyes now, babe."

Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang isang paper bag.

"Open it, babe. Sana magustuhan mo."

Agad kong binuklat kung ano ang laman ng paper bag.

"Oh my gosh. My favorite. Thank you so much, babe!"

Isang set ng Sailor Moon dolls ang supresa niya sakin na sobrang ikinatuwa ko. Favorite ko ang Sailor Moon at nagcocollect ako ng kahit anong related dito.

"Maraming salamat talaga, babe. Though hindi mo naman kailangan gawin 'to dahil ikaw pa lang is a big blessing na for me, ginawa mo pa din. You make me so happy." ang maluha-luha kong pasasalamat sa kanya.

Natouch ako dahil natandaan niya pala nang minsan na kuwento ko na favorite ko ang Sailor Moon.
The fact na tinandaan niya talaga and he made the effort to surprise me is sobrang nakakataba ng puso talaga.

"Masaya ako na nagustuhan mo ang munting surpresa ko sa'yo, babe." masuyong wika ni Paulo sabay hawak ng palad ko.

"I love you, babe." malambing na bigkas ni Paulo habang matiim na nakatitig sa 'king mga mata.

"I love you too. You make me so happy, babe. I'm so grateful na ikaw ang naging boyfriend ko."

Pagkatapos namin kumain ay nagdesisyon na kaming umuwi. Halos apat na oras din kaming gumala sa mall.
Dumiretso kami sa bahay nila.

Naabutan namin na nanonood ng TV si Tita Josie.

"Magandang gabi, Tita!" sabay namin na bati ni babe.

"Andiyan na pala kayo.
Kumusta ang celebration ng lovers?" nakangiting tanong ni Tita Josie.

"Nagmall kami, Tita. Nood ng sine.
Laro sa arcade, gala at nagdinner na din." sagot ni Paulo.

"May dala pala kaming ulam para sa inyo, Tita." sabi ko sabay abot ng supot na may lamang ulam na tinake-out namin.

"Asus, salamat. Nag-abala pa kayo. Tapos na din akong kumain.
Ref ko na lang 'to at ulamin natin bukas."

Pagkaabot ni Tita ng ulam ay agad niyang nilagay ito sa ref.

"Pasok po muna kami sa kwarto, Tita." paalam ni Paulo.

"Sige magpahinga na kayo at alam kong pagod kayo." ani Tita Josie.

Pumasok na kami sa kwarto ni Paulo. Ako ay nahiga agad sa kama. Naghubad muna ito ng sapatos at damit bago tumabi sa akin.

"Hindi ka giniginaw, babe?" tanong ko dito ng tumabi ito sakin na tanging brief lang ang suot.

"Alam mo naman na tuwing kasama kita ay nag-iinit ako." nakangising sagot nito sabay kindat pa sakin.

"Sus, mga linyahan mo talaga, babe."

Umusog si Paulo at mas lalo pa niya idinikit ang katawan niya sakin. Pinaharap niya ang ulo ko sa kanya at agad na inangkin ang labi ko.
Naghalikan kami. Kinagat kagat ni Paulo ang aking mga labi sabay galugad ng dila niya sa loob ng bibig ko. Masarap. Habol hininga ako ng maghiwalay ang aming mga labi.

CAN'T SAY NOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon