Chapter 9

4.5K 73 7
                                    

( Ito yung mga nangyari nang dumating si Paulo kasabay si Manong )




PAULO'S POV








Dito din pala sa Barangay Kimbo ang boarding house ni Bonny. Pagkahatid ko sa kanya ay naglakad lakad lang ako ng kaunti papunta kina Lui dahil malapit naman.

Hindi ko na sinuot ang t-shirt at sando ko dahil basa na din naman ang mga ito kaya hubad baro akong naglalakad sa ulan papunta kina Lui.

"Hi, Kuya! Ang hot mo naman."

Sabi ng baklang nadaanan ko na nagpapasilong sa waiting shed. Nginitian ko lang ito at nilampasan.

"Kuya, saglit!"

Tumigil ako sa paghakbang at nilingon ang nagsalita.

Hinabol ako ng bakla sa waiting shed.
May inabot sakin itong parang maliit na   papel.

"Kung may time ka pwede mo 'kong tawagan at akong bahala sa buhok mo, Kuya." sabi ng bakla.

"Sige."

Inipit ko sa aking shorts ang bigay nitong papel saka nagpaalam dito.

Ilang minuto pang paglalakad ay narating ko na ang bahay nina Lui.

Nasa harap na ako ng gate ng may humintong motor sa likuran ko. Paglingon ko ay nagulat ako nang makita ang lalakeng kani-kanilang ay naging saksi sa kalibugan namin ng baklang si Bonny.

"Manong?!" Gulat kong tanong dito.

Sinundan ba ko nito?

"Pagkakataon nga naman. Dito ka pala nakatira, Pogi." Sagot ni Manong.

"Hindi. May pupuntahan lang ako dito." Kunot-noong sagot ko dito.

Napangisi si Manong.

"May pinuntahan din ako dito." Sagot nito na lalo kong ipinagtaka.

Sinong pinuntahan niya dito kina Lui?

Magkakakilala ba sila?

Anong gagawin niya dito?

Bigla akong kinabahan.

Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at parang may tinawagan ito.

"Oo, Pare. Dito na 'ko sa labas."
Yun lang ang sinabi niya sa kausap niya sa cellphone. Agad din nitong tinapos ang tawag.

Patay!

Hindi kaya........

Itong si Manong......

Ay Tito ni Lui?!

In-on ko ang cp ko at tinawagan din si Lui para sabihin na nandito na 'ko.

"Huwag kang mag-alala, Pogi. Wala akong  pagsasabihan sa kung sinuman diyan sa loob ng tungkol sa nakita ko kanina."

Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Manong sa tabi ko.

Medyo nabawasan naman ang kaba ko ng marinig ang sinabi nito.

"Pau!"

Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Lui na may dalang payong palapit sa gate. Sa likod nito ay kasunod ang isang  lalakeng medyo may kaedaran na at may hawak ring payong.

Ito siguro yung Tito ni Lui.

Shit!

Magkakilala yata itong si Manong at Tito ni Lui.

Pagkabukas ng gate ay magkasunod kaming pumasok ni Manong.

Sumilong ako sa payong ni Lui.

Si Manong ay kay Tito.

CAN'T SAY NOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon