Chapter 7

5.1K 77 15
                                    

Paulo's POV

Pagkatapos kong mai-lock ang tindahan ay agad na akong naglakad papuntang sakayan ng traysikel. Didiretso na ako papunta sa bahay nina Lui para doon magdinner. Nagluto ito dahil bumisita ang kanyang tito at ipapakilala niya daw ako.

Mag aalas 7 pa lang pero kakaunti na lang ang mga nakikita kong naglalakad. Wala din akong makitang bituin, uulan pa yata. Wala ding traysikel dito sa paradahan.

Dinukot ko ang tumutunog na cp ko sa bulsa ko. Tumatawag si Lui.

"Hello, babe! Nasaan ka na?" ani Lui pagkasagot ko ng tawag nito.

"Papunta na ako, babe. Nag-aabang na ko traysikel dito."

"Sana makasakay ka agad. May bagyo pa lang papasok ngayong gabi, babe. Baka abutan ka ng ulan."

"Sige, babe. Maglalakad lakad ako para makakita ng masasakyan."

"Ok, babe. Nakahanda na ang lahat. Ikaw na lang inaantay namin. Excited ka na mameet ni Tito. Ingat. Bye!"

"Love you too, babe."

Naglalakad na ko papuntang karsada para makasakay nang biglang bumuhos ang ulan.

Shit!

Sumilong muna ako sa harap ng saradong tindahan. Talagang magtataxi na lang ako kahit mahal pa pamasahe. Nakakahiya sa Tito ni Lui. Baka ano isipin sakin dahil pinaghihintay ko sila.

"Pogi?"

Nilingon ko ang boses na narinig ko.
Nakapayong ito. Malawak ang ngiti nito habang naglalakad palapit sakin.

Ito yung baklang nagbabantay sa bakery na nakatikim din sakin.

Nginitian ko din ito.

"Ikaw nga. Anong ginagawa mo dito? "
Tanong nito.

"Naglalakad ako papuntang sakayan kaso naabutan ako ng ulan. Sumilong muna ako dito."

"Basa ka na, oh. Silong ka sakin. Doon tayo sa waiting shed."

Dahil medyo basa na din talaga ako ay sumukob na din ako sa payong nito. Nag-uusap kami habang naglalakad papuntang waiting shed.

"Kapag kasi may bagyo wala talaga masyado masakyan dito sa palengke. Maaga gumagarahe mga traysikel." anito habang naglalakad kami.

"Ganun ba. Kaya pala wala akong masakyan sa paradahan."

"Bonny nga pala. Ikaw pogi, anong name mo? Hindi ko man lang natanungan pangalan mo nung last time. Nagmamadali ka kasing umalis pagkatapos natin."

Natawa ako. Oo nga pala. Pagkatapos ko kasing labasan nagmadali na akong umalis para bumalik sa tindahan. Inutusan lang kasi ako nun ni Tita bumili ng meryenda namin.

'Paulo nga pala."

"Pati pangalan mo pang pogi. Haha! Saan ka ba umuuwi, Paulo?"

"May pupuntahan ako sa Brgy. Kimbo."
Sagot ko pero hindi ko sinabi na taga doon talaga ako.

"Talaga? Kakalipat ko lang din dun. Dun ako nagboboard. Sabay na tayo. Marunong ka ba magmotor?"

"Ah, oo. Bakit?"

"May motor ako. Iniwan ko nga lang dun sa bakery. Natatakot kasi akong magdrive pag ganitong malakas ang ulan. Ikaw kaya mo ba? Ikaw magdrive. Ako na magpapayong satin habang nakaangkas."

Pumayag na ako. Kesa matagalan pa ako magbantay ng masasakyan dito. Binalikan namin ang motor nito sa bakery.

"Dahan dahan lang, ha. Madulas ang karsada." Bulong nito sa tenga ko. pagkasakay nito sa likuran ko.

CAN'T SAY NOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon