Chapter 1

363 12 5
                                    

"Excuse me. May nakaupo ba rito? Pwedeng makishare?" Sabi ng isang babaeng kanina ko pa nakikitang naghahanap ng vacant seat.

"May kasama ako, e." Sabi ko kahit ang totoo ay mag-isa lang ako.

"Ah, ganun ba? Sige." Aniya saka ako ngumiti ng peke.

Mayamaya ay narinig kong tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ito nang makita kong ang bestfriend ko ang tumatawag.

"Haazeeel! Nasa'n ka? Pupuntahan kita. Wala kasi akong makausap. Bored na bored na ako dito sa bahay." Sabi niya na halata ngang bored base sa boses niya.

"Hazel! Nasa'an ka? Umalis ka daw sabi ng yaya niyo. Mag-isa ka lang ba?"

Hindi ko siya sinasagot at patuloy lang akong kumakain.

"Hazel, nand'yan ka pa ba? Hello."

"Ssh! Kumakain ako. Sige. Bye."

"Per--" I ended the call right away at saka ko ito pinatay para hindi na niya ako maistorbo.

Feel na feel ko lang ang pagkain kahit mag-isa lang ako nang may biglang mag-salitang lalaki sa harap ko.

"Excuse me miss. May nakaupo ba rito?" Tinanong na naman ako ng ganyan for the nth time.

"May kasama ako. D'yan siya nakaupo." Gusto ko lang kasing solohin 'tong table. Ewan ko. Feel ko lang talaga.

"Ah, ganun ba?" Sabi niya saka umupo sa upuang nasa harap ko.

Teka, bingi siguro siya. I said may nakaupo na do'n.

"Excuse me. May nakaupo nga d'yan sabi ko, 'di ba?"

Hindi siya sumagot at nagsimula na siyang kumain. Bingi nga siguro.

"Hoy! That seat is occupied. Umalis ka na nga d'yan!"

Pero nakakainis talaga kasi mabuti pa 'yong hangin nararamdaman niya. Samantalang ako, ni hindi niya marinig!

"Uh, bingi ka po ba? Are you deaf? Kas--"

"I'm not deaf. You're just not worth of my attention."

Napataas agad ang kilay ko. Napakataas to the point na naabot na nito ang thermosphere.

Napakasama naman nito. Fine. Masama rin ako because ayaw kong magshare ng seat pero mas masama pa rin siya, 'no.

Gusto ko siyang sabunutan o kaya suntukin at kalbuhin pero sayang ang mukha. Ang gwapo kasi niya.

OMG! Did I just say na gwapo siya? Oo. Malamang. Sige. Aaminin ko na nga lang baka magkasala pa ako 'pag hindi ko inamin. Dishonesty 'yon.

Anyway, 'yun nga naglakad na ako palabas pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong naturn on ang maldita mode ko kaya bumalik ako.

"Sige! SOLOHIN MO NA 'YAN! MAGPAKABUSOG KA! KAIN LANG NANG KAIN, OKAY? ISAMA MO NA RIN PATI ITONG TABLE AT CHAIRS! HA?!"

Hay naku! Ito na naman ako. Inatake na naman ako ng sakit ko. Anong sakit ko? Well, nadedelay lang naman magturn on ang maldita mode ko kaya it turns out na late reaction ako 'lagi sa mga situation na ganito. Hayaan niyo. Next time, 'pag nakaamoy ako ng war, I will prepare my maldita mode agad para hindi na siya madelay.

Anyway, after my line, I saw him smirk. Bakit siya nag smirk?

"You're still the same Hazel I met." Sabi niya saka pinagpatuloy ang paglamon.

Lumabas na lang ako kasi bigla akong tinamad magsalita. Hay naku. Sometimes, I really find my self so wierd.

Pagdating ko sa sasakyan ko, saka lang naprocess 'yong sinabi niya kanina. Bigla itong nagplay sa utak ko.

"You're still the same Hazel I met."

"You're still the same Hazel I met."

"You're still the same Hazel I met."

Tumakbo ako pabalik para tanungin siya pero hindi ko siya inabutan. Wala na siya do'n.

Nakakainis naman! Umiwan pa siya ng palaisipan sa utak ko. Nakakainis!

Pero 'yong totoo! He met me before? Kilala niya ako? When? Where? How?

If he already met me, then who is he?

***

A/N: I had so many ideas para sa story na 'to kaya change ako nang change ng title, book cover pati ang content ng chapter one. Pero ngayon, sigurado na talaga ako. Ito na talaga 'to. Pero ichachange ko pa rin 'yung book cover at title. Once na changed na 'yun, final na talaga 'yun. Promise! :)

Anyway, thank you very much readers! Kung mayro'n man. Hahaha!

Vote and comment.

Princess Heartbreaker (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon