Alas otso na ng gabi and I was about to sleep nang may marinig akong naggigitara sa labas. Sino kaya 'yon?
Dumungaw ako sa bintana and I saw three men with their guitars. Nakamask sila. 'Yong colored na mata lang ang natatakpan.
OMG! Hinaharana nila ako. When they saw me, they started singing.
"♪I love you. You love me. We're as happy as can be. With a great big hug and a kiss from me to you. Won't you say you love me too.♪"
Barney? Harana pa ba tawag d'yan? Pwede na siguro. Okay lang din naman iyong message ng song.
Nagpatuloy sila sa paggigitara at paulit-ulit din nilang kinakanta 'yong song ng Barney.
Pagkatapos nilang tumugtog, inalis nila 'yong masks nila. I stared at the person sa gitna. When I saw him, napataas ang kilay ko.
Ba't nandito siya? Ba't hinarana niya ako?
Tumakbo ako pababa para pilitin siyang sagutin ang mga tanong ko.
"NF? Sino ka ba?" I said.
Oo. Siya si NF.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" He asked. Ang lungkot ng mga mata niya nang itanong n'ya 'yon.
Nag-isip ako ng mga taong nameet ko sa buong buhay ko na kamukha n'ya. Ten seconds din 'yon. Pero wala talaga. Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya. Ni sa panaginip, hindi ko siya nakita.
"You don't know how painful it is."
May namuong luha sa mata niya. Hindi ito tumutulo marahil ay dahil pinipigilan niya. Halata 'yon because his jaw clenched.
Tinitigan ko ng matagal ang magaganda niyang mata. Hinihihintay kong tumulo ang luha rito. Gano'n ba siya kaaffected na hindi ko siya naaalala? Paano ko nga maaalala? Ngayon ko nga lang siya nameet. Never din naman akong nagkaamnesia.
I saw him staring sa lips ko. Will he kiss me? Ganun naman lagi sa mga napapanood at nababasa ko.
Palapit siya nang palapit sa mukha ko. OMG! Hahalikan nga niya ako.
Nakita ko from my peripheral vision na umalis na 'yong dalawang lalaking kasama niya.
Hindi ako makagalaw nang isang inch na lang ang distance ng mga labi namin. I can feel his warm breath. I can smell it at ang bango. Naghahalo na ang mabangong amoy ng pabango niya at ang mabangong amoy ng hininga niya.
Palapit na ng palapit ang mga labi namin kaya pumikit ako nang...
"Hhhhaaaaaazzzzeeeelll! Bumangon ka nnaaaaaa!"
Nagising ako dahil sa ingay ng bestfried kong si Jewel.
Wait, what? Panaginip lang 'yon? Panaginip lang talaga 'yon? Para talagang totoo.
Pero mabuti na lang at ginising ako ni Jewel. Muntik nang mananakaw ang first kiss ko. Kahit panaginip lang, counted pa rin 'yon. Ganun kaprecious ang first kiss ko, ano.
"Hazel, nanaginip ka ba? Ano? Prince charming mo?" Ani Jewel.
"Prince charming? Ba't parang alam mong lalaki?"
"Hahahahahahahahahahaha!"
"Why are you laughing?! Anong nakakatawa?" I said at halata ang inis sa boses ko.
I hate people who laugh at me. Kung hindi ko lang siya bestfriend, matagal ko na siyang nakalbo.
"Ano ba?! Stop laughing! You're making too much noise! Ano ba kasing tinatawa tawa mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/38471985-288-k381131.jpg)
BINABASA MO ANG
Princess Heartbreaker (On hold)
RomanceShiyenille Hazel Anderson entered a game she made with Nyke Fitzgerald. Akala nila, sila lang ang player. They never thought na pati si destiny ay kasali sa umpisa pa lang. Who will win the game? Ano ang consequences ng larong pinasok nila?