Chapter 1

228 1 0
                                    

 Dedicated sa lahat ng mga taong nafefeel na unwanted sila.




"No,hindi!!!Hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking yan!!Hindi!!!" galit na sigaw ng babae sabay takbo nito ng mabilis.

***

It's been 7 years since nangyari ang mga iyon pero sariwang sariwa pa rin sa isipan ko. Sariwang sariwa pa rin sa akin kung gaano ako kinamumuhian ng babaeng mahal ko,kung paano ko siya ikinulong sa kasalang hindi niya gusto at kung gaano siya kadaterminado na gawin ang lahat huwag lamang maikasal sa akin kahit na ang ipalaglag ang anak naming handa siyang gawin.

"Hmmm"

Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng nakaraan ng biglang magising si Gavin.

"Baby bakit ka nagising ha?Did you have a nightmare?"Umiling iling naman ito. "Then why did you wake up,it's not yet morning."

"Eh ikaw po Daddy bakit gising ka pa,it's not yet morning?"nakapout niyang sagot sakin.Natawa naman ako sa sagot ng anak.Kaya mas napapout pa ito at kumunot ang noo.

"Daddy is watching his beautiful princess sleep."Nakangiti kong sagot sa kanya. "But Daddy even superhero's do sleep,so you should too so tomorrow you have energy."

Si Gavin Ira ay napakatalinong bata at her age aakalain mo matanda ang kausap mo. "Okay okay suko na si Daddy matutulog na po princess."Napangiti naman ng malaki si Gavin.

"Very good daddy,tulog na po tayo ha?Goodnight Daddy." Sabay halik sa noo ko.

"Goodnight din baby".Sabay halik sa ulo niya at ipinikit ko na rin ang mata ko.

 Nang masigurado kong mahimbing na ang tulog ni Gavin agad naman ako pumunta sa masters bedroom para magpalit ng damit pambahay nang biglang nakarinig ako ng pagtigil ng sasakyan agad naman ako napatingin sa relo ko.03:30 am.

Napapailing na lamang ako at binilisan ang pagbihis. Pagkabihis baba agad ako ng hagdan agad agad kong tinahak ang pintuan ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay biglang bumukas ang pintuan.

Iniluwa nito si Kadin Blithe Montenegro na aking asawa na akay akay ng isang lalaki na hindi ko kilala. Iba ibang lalaki ang kasama niyang umuuwi gabi gabi ay mali pala hinahatid siya sa bahay.Pagkatapos niya manganak kay Gavin Ira ito na ang ginagawa niya.Umuuwi ng madaling araw na lasing na lasing.

Oo kagagawan kong lahat ito.Kaya siya nagkakaganyan ay ng dahil sa akin.Lalapit na sana ako kaso naghehesitate akong lumapit.Hindi nila ako makikita sa kinatatayuan ko dahil nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay at tanging ilaw sa labas ng bahay ang nagsisilbing liwanag nila.

Tutal hindi naman nila ako Makita lalapit na ako.Nang hahakbang na ako ay parang naiwan sa ere ang paa ko. Kadin and the guy whom I don't know is now kissing torridly in front of me.

"Fuck".Nandilim na ang paningin hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinugod ko na ang lalaki.Agad ko silang pinaghiwalay ni Kadin. Tinulak ko siya. Nang bumagsak siya agad ko kinabahuyan at pinagsusuntok.

"Fuck you.!Damn do you know the girl you're kissing is my wife.That's my fucking wife!!!".usal ko habang pinagsusuntok ko ang tarantadong lalaking ito.Sumusuntok din siya pero hindi niya ako natatamaan dahil sa kalasingan niya.

"YAH!!GET OFF HIM!!".sigaw ni Kadin.

Bigla ako nakaramdam ng pagkahilo kaya bumagsak ako. Agad akong itinulak ng tarantadong lalaki para makatayo siya kaya nakita ko si Kadin na hawak hawak yung vase na mamahalin basag.Agad kong hinawakan ang ulo ko may dugo ibig sabihin.

"I didn't  know that she is married man.I didn't know, Kadin I'm sorry."saad nung tarantadong lalaki pagkatapos ay tumalikod at umalis na.

"Tss".Tinadyakan naman ako ni Kadin.Ang sakit nakasuot pa naman ito ng heels.  "Ikaw wag na wag kang mangengealam asawa lang kita.!Pakialamero!Pwe!"

Naramdaman ko naman na ang luha ko na umaagos.Kahit kunti hindi ko siya kinakitaan ng may pagmamahal sa akin o kay Gavin Ira. This is what I've done. I've made Kadin Blithe a total monster.

"You monster what you have done again to my daddy huh?!"sigaw ni Gavin na siyang ikinagulat ko.Kaya kahit medyo nahihilo ako sinusubukan kong tumayo.

"Tumabi ka dyan kung ayaw mong saktan kita!Magsama kayo ng walang kwenta mong ama!"sigaw ni Kadin kay Gavin.

Nakadapa ako kaya nakita ko na kung nasaan si Gavin,nasa hagdanan siya. Sasagot pa sana si Gavin sa Mommy niya kaso tinawag ko siya. "Gavin anak." Mas mabuti na iyon kaysa sa saktan siya ni Kadin.Oo makakayang saktan ni Kadin ang sarili niyang anak.

"Daddy!" Agad naman tumakbo si Gavin papapunta sa akin umiiyak. "Daddy ang dami pong dugo!"nag-aalang saad ni Gavin. "What to do?!"Natataranta na siya.

"Sshh baby wag ka matataranta.Tulungan mo muna si Daddy na makaupo doon sa sofa pagkatapos kuha ng tubig ilagay mo dun sa maliit na palanggana.kumuha ka ng yelo at yung box ng first aid kit dyan sa kusina okay?"mahinahon kong utos kay Gavin. Ganito siya kapag natataranta kahit alam niya ang gagawin ay nakakalimutan niya.

Tumango naman ito at tinulungan na akong makatayo at pinaupo sa sofa.Pag kaupo na pagkaupo ko agad naming tumakbo si Gavin. Inion muna niya muna ang mga ilaw kaya ipinikit ko naman ang mga mata ko.

Kanina nakita ko ang mga galit sa mata ng anak sa kanyang ina. Hindi dapat iyon mangyari,mommy niya pa rin iyon.Kailangan kong gumawa ng paraan.Kung kinakailangan kong kausapin si Kadin gagawin ko.

Maya maya naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. "Daddy" Si Gavin pala."Hmm".

"Gagamutin ko nap o ang sugat niyo ha?"

"Sige baby dahan dahan lang ha?"nakapikit pa rin ako. "Opo" Nagsimula ng linisan ni Gavin ang sugat. Alam niya kung paano magfirst aid dahil pinag-aralan niya ito simula ng nakikita niyang may mga pasa o sugat ako.

"Daddy,umalis na kaya tayo dito.Grabe na si Mommy eh."malungkot na saad ng anak ko. " Gavin, your mommy needs us okay?"

"Pero dad-"

"Hmp No hindi natin iiwan and mommy mo ditto lang tayo ipagpatuloy mo nay an pra makatulog na tayo.

Lumipas ang ilang minuto nakatulog ako kaya ginising ako ni Gavin. "Daddy,lalagyan ko na po ng bandage ang ulo niyo pwede po wag na kayo sumandal."Imbis na sumagot  sinunod ko na lamang ang anak ko.Medyo okay na pakiramdam ko nahihilo lang ng kunti pero kaya na.

Kaya pagkatapos ni Gavin agad ko siyang inutusan na umakyat na sa kwarto niya at matulog susunod na lamang ako pagakatapos ko iligpit ang mga gamit at yung nabasag na vase.

'Sige daddy una po ako ha?Sunod kayo agad." Tumakbo naman siya pataas.Hinawakan ko na ang maliit na palanggana na may lamang tubig at basahan at ang box ng first aid kit ibabalik ko sa kusina.

Nang maiblaik ko na agad ko naman kinuha ang walis tsaka daspan. Winalis ko yung nabasag na vase.Pagkalagay ko sa basurahan ay isinwitch off ko na ang mga ilaw at pumanhik na sa taas pero bago ako pumasok sa kwarto ni Gavin pumunta muna ako sa masters bedroom.

Hindi siya nagpalit ng damit basta na lang natulog. Agad akong lumapit sa kama. "Goodnight,Kadin Blithe. I love you." Sabay halik sa ulo niya pagkatapos nun ay agad naman akong tumayo at dahan dahan na lumabas.

Pumunta na ako sa kwarto ni Gavin,pagkabukas  ko ng pinto tulog na tulog na ang aking prinsesa kaya tumabi na ako rito. Agad naman akong niyakap ni Gavin. "Goodnight daddy."

"Goodnight too baby. I love you and your mommy."

Unwanted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon