Chapter 2

215 6 3
                                    

"Hmmm". Agad ako napatingin sa relo pagkagising ko. Halos magdadalawang oras lang ang tulog ko. Bumangon na ako at pumanhik pababa,magluluto pa ako ng breakfast.

Pagkakuha ko ng mga ingredients na kakailanganin ko ay sunod ko naman na inihanda ay ang mga gamit pangluto. Breakfast for today pancakes,bacon,egg and hotdog.Magtotoast din pala ako ng bread.

Oo ako ang nagluluto,mapagahan man yan,lunch o dinner ako pa rin. Okay na siguro to pambawi man lang kay Kadin diba?

Lalabas muna ako ng bahay dahil kukunin ko ang delivery ng dyaryo tsaka gatas.Nang makalabas na ako ng bahay wala pa naman si Ynna. Oo yun yung nagdedeliver ng dyaryo tsaka gatas.Isa itong highschool student.Napakamasayahin nitong bata kaya aliw na aliw ako sa kanya.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng marinig ang ingay ng isang babae na papalapit sa bahay namin.

"Goodmorning,Goodmorning people of the world. News paper and Milk Delivery!—Ay!nagulat naman ako sainyo sir ang aga niyo po ah?Anyway ika nga po ni baby,Magandang buhay!"bati niya saakin na ubod ng saya. Napangiti na rin ako.

"Ikaw talagang bata ka,kung anu-ano nalalaman mo pati na yang si baby!Sino bay an si Baby boyfriend mo?"

"Ha!hindi ho sir ha!Wala pa ho akong boyfriend nuh,si baby po ay yung bata doon sa dreamdad yung palabas pos a Tv."

"Ah,bakit parang defensive ka."medyo napatigil naman siya.

"Hindi ho bagay sa akin ang magkaboyfriend,dahil siya lamang po ang magiging kawawa."ano ba ang ibig sabihin ng batang ito?

"Ha?bakit naman?"Umiling iling naman siya "Wala po yun sir,wag nyo po ako pansinin at nagdadrama lang ho ako."Bigla naman siya tumawa.

Kinuha niya naman ang dyaryo at gatas at binigay sa akin. "Ayan na po sir, ay bakit po kayo may benda sa ulo?"

"Ah eto ba naaksidente lang ako dyan sa tabi tabi."pagsisinungaling ko. "Ah sige po,sa susunod mag-ingat po kayo sir. Gwapo pa naman kayo."Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ay naku talagang bata ka,wag mo na akong binubola."Nagpout naman siya. "Sir super pogi talaga kayo malapit ko na nga po kayo maging crush eh na mauuwi na sa love."Sabay tawa ng malakas.

"Ay ewan ko sayong bata ka."Napatawa na rin ako sa kanya.Umangkas na siya sa bike na dala niya. "Sige sir una na po ako ha?Medyo marami rami din po kasi itong mga idedeliver ko at maya maya ay may pasok pa po ako sa school kaya una nap o ako ha?Ingat po kayo."sigaw niya habang papalayo sa akin.

"Ingat ka din." Kasabay ng pagkawala ng imahe niya sa paningin ko ay pumasok na rin ako para magluto.

***

"Daddy,goodmorning."Napatingin naman ako kung saan nanggagaling ang maliit na boses na iyon at nakita ko  si Gavin habang kinukusot kusot ang mata.Napangiti naman ako inaantaok pa ang baby ko. "Goodmorning din baby sige wash your face muna at magmumug ka rin okay.Aayusin lang ni Daddy ang table okay?Para makapagbreakfast na tayo." Tumango tango naman siya.

Saktong sakto pagkaayos ko ng table ay tapos na rin si Gavin .Ipull the chair at ayon umupo na siya. "Thank you daddy ang gentleman mo talaga,I want to marry a guy like you." Napatigil naman ang pwet ko sa ere sa sinabi ni Gavin.

"Baby,you're too young for that and even when you're old enough I will not let that happen."Napasimangot naman sa sinabi ko si Gavin. "Dad!"

Naupo naman na ako at kinuhaan ng pagkain ang anak ko. "That's final Gavin okay.Now,eat or else malelate tayo."Nagpout naman siya at nagsimula ng kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwanted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon