To Love You More

18 2 1
                                    

Habang naglalakad ako sa may pasilyo, halos di ko maihakbang ang mga paa ko. Parang may bigat sa mga paa ko at di ko ito mabuhat. Kinakabahan ako na may konting excitement, natatakot pero may kilig. Mixed emotions kumbaga. Sa pelikula ko lang kasi ito nakikita. Di ko lubos maisip na andito na ako kung saan nangyayari ang lahat.

Pagbukas ng pintuan ng dalawang gwardiya. Bumungad sa akin isang napakalaking piging. Nakakapanghalina ang amoy ng buong paligid, hindi katulad sa paligid ng bahay namin na paglabas mo pa lang eh amoy usok at imburnal. Napakaganda ng musika na tinutugtog ng isang orchestra. Di pamilyar sa akin ang kanta pero tunog sosyal. Bakit kaya nakatingin sila sa akin? Para bang nahihiwagaan sila o kaya naman namamangha. Napabuntong hininga na lang ako sabay sabing "Kaya mo to Monique".

Napakapinong kumilos ng mga babae at napaka-elegante. Ang mga lalaki naman ay panay nakapostura at napaka-kisig tignan sa kanilang mga kasuotan. Wala akong kilala ni isa man lang sila. Tapos panay pa nakatakip ang mukha. Literal na out of place talaga ako. Malulula ka din sa mga ihinandang pagkain. Kahit saang sulok may nag-ooffer ng mamahaling inumin o kaya naman mumunting appetizer. Nakarami na yata ako ng kuha sa sobrang kaba.

Asan na ba si Kenjie? Antagal naman niyang magpakita? Gusto ko na tuloy umalis ng mga oras na iyon

At nagsimula na ang programa. Magaling ang emcee sa pananalita niya na parang sanay na sanay na siya sa kaniyang ginagawa. May pagkalamya ng lang siyang kumilos pero magaling. Pinapa-relax niya lahat ng mga tao doon sa mga hirit niyang nakakatawa. Hanggag sa ipakilala na niya ang may-ari ng bahay.

Si Mr. Arturo Mendez Delgado. Malulula ka din sa dami ng achievements niya bago ibinigay sa kaniya ang mikropono. May kamukha siya pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita sa dami ng mga taong nakakahalubilo ko sa araw-araw. Pati apelyido niya pamilyar din.

Tumahimik lahat ng nandoon. Pati ako eh napatigil sa pagkain. Ganun ba kahalaga ang taong to at lahat ng tao ay kaya niyang patahimikn sa isang kumpas lang. Para siyang nakakatakot at di ko man lang masipat na ngumiti man lang. Gwapo pa naman kahit na medyo di na bata. Tantiya ko ay nasa singkwenta na ito o mas bata pa. May konting puting buhok na din sa may gilid pero bumagay ito sa kaniyang personalidad. Mahahalata mo sa kilos niya at pananalita na isa siyang importanteng tao. Ganito pala sa isang handaan na ganito. Nakakapanliit ng sobra.

At ipinakilala na niya si Kenjie bilang isa sa mga anak niya na siyang may birthday ng araw na iyon. Pati na ang kaniyang Mama. Napakaganda ni Tita Sylvia ngayon. Halos di ko na siya makilala. Suot niya ang isang pulang gown na napapalibutan ng mga diyamante. Parang ayaw niyang matalbugan siya ng gabing iyon. Ang baba niya ay laging nakataas na parang poroud na proud siya sa kung anuman ang katayuan niya ngayon.

Si Kenjie naman ay buong ngiting binati ang lahat para mag-enjoy sa kaniyang kaarawan. Napakisig niya sa suot niyang damit. Lalo pa siyang gumawpo sa paningin ko. Isa siyang prinsipe na pinapangarap ng lahat. May narinig pa nga ako sa bandang gilid na handa niyang ibigay pati na pagkababae niya mapasakaniya lang si Kenjie. Masyadong desperada. Yung isa naman nagsabing may girlfriend na daw ito at lagi silang nakikitang nag-didate. Hindi kaya ito yung babaeng kasama niya sa condo na halos wala ng saplot sa katawan?

Ng matapos ng magsalita si Kenjie ay simulan na ng sayawan. Halos lahat ng mga nandoon ay may kapareha. Merong lumalapit sa akin pero tinattanggihan ko, si Kenjie lang naman ang ipinunta ko doon. Baka ano pa ang sabihin niya kapag may nakita ako na ibang kasayaw. Kaya sinimulan ko na ang Oplan Hanap Kenjie. Hinanap ko siya sa buong paligid.

Hanggang sa may nabangga akong isang babae. Sa boses pa lang niya na sobrang arte eh di ako pwedeng magkamali kung sino yun.

"Watch where you're going" sabi ng kasama niyang maarte din na medyo may kaliitan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect ImperfectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon