Unexpected Invitation

10 2 2
                                    

Kakauwi ko pa lang. Di ko inexpect yun. Masaya palang kasama ang mokong. Aayaw-ayaw pa kunwari. Eh mas madami pa siyang nakain sa akin. Babago na lang ulit ako naka-experience ng ganun. Sana maulit. OMG may nag-text.

"Kumusta, nakauwi ka na ba?" text ni Travis. Himala may patext-text pa. Nakakaloka. Super concern naman nito sa akin. Weird lang. Dati kasi panay about sa work ang tinatanong niya. Kung papasok ba ako o about sa schedule ko.

Teka. Bakit ganito ang kabog ng dibdib ko. Wait. Ngiti ba tong nasa labi ko? OMG. Di ko naman siguro type si mokong. Mahirap na. Alam ko kaibigan lang turing niya sa akin na kaya siya ganun ka-sweet at matulungin. Ano ba tong pumapasok sa isip ko? Focus Monique. Focus!

Hindi makakatulong sa yo yan ngayon. Ang goal me is to make Kenjie fall in love with you. And besides he is the man of your dreams. At siya ang makakatulong sa yo para makaahon sa hirap.

Don't judge me. Matagal ko ng gusto si Kenjie. High School pa lang kami. Crush ko na siya dati pa. Di pa naman sila mayaman nun. Naswertehan lang ng Mama niya na nakapag-asawa ng mayaman kaya hayun biglang bongga silang dalawa. Nakatira sa isang mamahaling condo, nagdadrive ng magarang kotse, nakasuot ng mamahaling damit at nag-aaral sa isang tanyag na school. Okay kaya ko pinilit na mag-aral sa SJU para sundan siya and hopefully mapansin niya ako. Pati course ko pinalitan ko. From HRM to Business Management para same building lang kami.

Hindi naman siguro masamang mangarap. Bonus na lang siguro yung pagiging mayaman nila. Isang malaking bonus. Masisisi nyo ba ako to aim for a perfect life na matagal ko ng gustong makuha? Mali nga siguro ang paraan ko, pero nadadala lang ako ng pagkakataon.

Ay wait di pa pala ako naka-reply kay Travis. What? 10 messages na agad? Sobrang nag-alala yata ang Mokong. Dahil sa pag-eemote ko di ko man lang napansin. OMG. Eto na tumawag na.

"Hello? Travis, sorry ha. Di ko agad nakita ang text mo. Oo nakauwi na ako. Salamat sa paghahatid kanina." Paliwanag ko.

"Pinag-alala mo ako. Sabi ko kasi sa yo hayaan mo na akong ihatid kita" aba galit ba siya. Medyo ang sakit sa tenga nun ha.

"Opo nakauwi na nga ako oh. Andito na ako sa tapat ng bahay namin. Di ba sabi ko din sa yo na okay lang, kilala ko ang mga tao dito at tsaka dito ako lumaki. Walang gagalaw sa akin dito" Medyo nakukulitan na ako sa kaniya. Pero infairness masarapa din sa pakiramdam na may nag-aalala din sa akin. Hindi yung ako na lang ang nagbibigay.

"Ah ganun ba. Mabuti naman kung ganun. Akala ko kasi" di ko na narinig ang sumunod niyang sinabi biglang humina eh.

"Akala mo kasi ano? Naku tigilan mo nga ang kakapanood mo sa mga balita, nagiging praning ka na tuloy. Di pa ako mamamatay. Mahirap mamatay ang masamang damo." Sarkastiko kong tugon sa kaniya. Inaamin ko. Medyo rude talaga ako sa kaniya. Ayaw ko lang kasi yung parang umaasta na siyang bf ko eh hindi naman kami.


OMG. Yun ba ang tingin niya sa akin? Stop it. Maybe I'm getting the wrong signal.

"O sige na, safe na ako. Bye na. Sayang ang bayad sa load. Baka gamitin mo pa yan sa mas importanteng bagay." Toooot. Teka binabaan ba ako nun. Parang malungkot ang boses niya. Medyo harsh nga yata ako. Bahala na. Babawi na lang ako sa kaniya. Alam ko naman ang kiliti nun.

"Oh anak. Kanina ka pa ba. Kumain ka na ba?" salubong ng aking ina.

"Opo Nay, kumain na ako. Bakit gising pa kayo. Di ba sabi ko sa inyo magpahinga kayo ng mabuti ng di lumala yang altapresyon nyo?" alam ko mahina pa siya. Hindi pa siya ganun kasigla tulad ng dati. Grabe ang takot ko nung inatake siya at bigla na lang nahilo. Doon ko na-realize kung gaano ang pagod niya para maitaguyod kami. Pero matigas talaga ang ulo ng Nanay ko. Kanino pa ba ako nagmana? Di yan mapipirmi sa isang lugar. Dapat laging may ginagawa.

"Kakagising ko lang anak. Narinig ko kasi ang boses mo na may kausap sa telepono kaya ako nagising. Sino ba yun?"

"Ah wala yun Nay, kaibigan ko po yun nangngulit lang." paliwanag ko.

"Kaibigan ba o baka naman manliligaw"

"Hindi ah!" Napataas yata ang boses ko. Ganun ba ako ka-affected. Eto talagang Nanay ko kung ano ang pinagsasabi. Epekto yata ng pagkakaroon niya ng high blood. Hallucination ba tawag dun?

Ewan ko ba, gwapo naman si Travis pero iba pa din si Kenjie ko. Siya na talaga ang pinapangarap ko. Kung nauna lang siguro si Travis sa buhay ko, baka may chance. Lahat naman ng qualities ng isang guy nasa kaniya na. Di man siya mayaman pero sa ugali umaapaw naman sa pogi points. Nakakadiri naman ako. Pati kaibigan ko binibigyan ko ng malisya. Don't invite those thoughts in your head. Erase, erase, erase.

"Anak nandiyan nga pala sa mesa ang ilang bayarin sa bahay. Pasensiya na, nagamit pa yata pang-ospital ko sa ilang bayarin sa bahay." malunkot na sambit ng aking ina.

Di naman niya kasalanan. Kaya wala akong karapatang magreklamo. Siguro medyo mabigat lang kasi problema na naman to. Saan na naman ako kukuha ng pambabayad. Kaka-bale ko lang sa resto-bar tapos dami na din akong utang kay Travis, di ko na nga mabilang, di naman kasi ako sinisingil. Ang lagi lang niyang sabi, saka na kapag nakaluwag-luwag na daw ako. Eh kelan ba ako makakaluwag. Hindi ko alam kung tanga lang ba siya o sadyang mabait lang. Iniisip ko nga, ano ba ang nagawa ko sa kaniya para maging mabait siya sa akin ng ganun ka-bongga.

Paano? Ayaw ko namang abusuhin masyado ang baitan niya. Baka magsawa din yung tao. Ibenta ko na lang kaya ang katawan ko ng may instant pera na ako. Siyempre hindi ko naman gagawin. Ganito talaga kapag di mo na alam ang gagawin. Iisipin mo na ang lahat ng paraan para mabuhay. Hirap talagang maging mahirap.

Bayarin sa kuryente, bayarin sa tubig, utang sa Bombay, pambili ng uniform ni bunso, pambili ng gamot ni Nanay at ni Bunso, pati gatas at diaper ng anak ni Ate, may bonus pang pang-alak ng Kuya kong batugan.

Teka ano ito? Card. Invitation? Para saan? OMG! Ito na ba ang kasagutan sa lahat ng pinapangarap ko? Dininig na ba ng langit ang mga dalangin ko?

Perfect ImperfectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon