Monique

18 2 1
                                    

I'm Monique Enriquez. Freshman. I'm a typical girl who gets what I want. I must say I'm living with a perfect life. I have perfect family, a perfect Dad who owns a big company in the city, a very supportive mother to her one and only daughter and that's me, a perfect house, a perfect car, a perfect lifestyle and a perfect boyfriend.

Siguro masasabi mong nasa akin na ang lahat. Nakaka-inggit di ba? I know right. Siguro sa past life ko pinahirapan ako ng husto kaya ngayon bumabawi ang langit sa akin. Sino ba naman ang di magkakagusto ng buhay na meron ako? Wala ka ng iisipin pa. Lahat ng bagay isusubo na lang sa yo. Wala ka nang ibang gagawin, sa isang kumpas lang ng kamay ko nakukuha ko na agad. I'm very very lucky. I can see that envious look in your face. Sorry ka pinagpala ako at ikaw hindi.

OMG. Bakit nga ba ako nag-aaksaya ng panahon sa yo. Kahit naman anong mangyari eh wala ding mababago. Ay siya nga pala, bibisitahin ko ang boyfriend ko ngayon. One year na kami. And he is from a wealthy family like me. His Dad is a politician from the North at kasundo ko din ang Mama niya. I must say kami na talaga ang itinadhana. We are perfect with each other.

Miss ko na nga siya kasi I just came from a vacation in Italy. Sayang nga hindi siya nakasama sa akin. It would be a perfect vacation na kasama ang pinakamamahal mo sa isang napaka-romatikong lugar. Don't worry, I still consider it a perfect vacation kasi I'm with my parents. They moved all their schedules just to have this vacation that I planned since I'm still seven. Inggit ka na naman. Sabagay di kita masisisi, libre namang mainggit. lol

Well, back to my boyfriend. Bakit di siya nakasama? Kasi alam mo na ang mga Varsity players, even summer breaks eh nagprapraktis para sa incoming games nila lalo na at kakapasok pa lang niya sa Varsity Team kung saan kami magkokolehiyo.

Oo naman. Mag-boboyfriend ba ako ng di gwapo? Siya ang pinaka-gwapo sa buong campus namin. Reigning MVP ng basketball team, lahat ng babae nagkakagusto sa kaniya, kahit mga beki halos magkandarapa kapag dumadaan siya. Sorry na lang sila at ako lang naman ang nag-iisang girlfriend ni Kenjie Hipolito. My one and only Kenjie.

Wait andito na ako sa condo niya. Ilang steps na lang makikita ko na din ang aking Prince Chraming. Na-miss ko na ang gwapo niyang mukha,. ang mapupula at malmbot niyang labi when he kiss me, ang mapupungay niyang mga mata kapag nakatitig siya sa akin, ang matikas niyang braso kapag niyayakap niya ako. Yayakapin ko talaga siya ng bongga at pupupugin ko siya ng aking matatamis na halik.

FYI. Di niya alam na pupunta ako dito sa condo niya. Kaya quiet ka lang diyan. This is a surprise of the century. At excited na ako. Okay heto na ako sa harapan ng pintuan ng unit niya. One, two, three knocks. Hmmm. Medyo matagal bumukas ang pinto. Pero I'm sure andito siya sabi ng guard sa ibaba. Okay it's worth the wait naman. Sigurado masosorpresa siya ng bonggang-bongga. Lalo na siguro kapag nakita niya ang dala kong Rolex watch na binili ko para sa kaniya. Sealed with my love and kisses.

Feeling ko andiyan na siya narinig ko na ang paggalaw ng door knob. Wait, buhok ko...check, make-up...check, damit ko...check. Perfect! This is a perfect surprise ever!!!

"Oh Hi. Ikaw ba yung maid na pinadala ng home service?" bungad sa akin ng nasa pinto.

WTF. Who is this girl? Who the hell is she?! Wait, is she naked wrapped with my boyfriend's bedsheet?

"SINO KA?!" agad kong tanong sa kaniya. Capital letters yan para intense. Wait I must do this with class and poise. Sayang ang perfect outfit ko. Pero init na init na talaga ako sa pagmumukha ng babaing to.

"At sino ka din? I don't know na ganyan na pala magbihis ang mga maid ngayon?" Wait did she just called me a maid? Kapal ng mukha. Sa ganda kong ito. Binili ko pa ang mga mamahaling damit ko sa Paris tapos tatawagin akong maid! At sino siya sa akala niya, Mukha naman siyang pipitsuging starlet na lumalabas sa mga bold movies ng Seiko films.

"Who's that babe? Is that the maid that I called from the housekeeping?" OMG. Pamilyar ang boses na yun sa akin. Lalaking-lalaki ang boses. Parang kinukuryente pa din ang katawan ko kapag naririnig ko ang boses niya. Alam ko kung sino yun. Si Kenjie yun di ako pwedeng magkamali. Pero wait, back to reality Monique. Tama ba ang nakikita ko? Is he cheating on me? My perfect boyfriend na sinabing mahal na mahal ako? Kung alam nyo lang kung paano niya sinabi sa akin yan, with background music pa. It was a perfect date ever!

Sumilip na ang lalaking nag-mamaya-ari ng boses na yun. NKKLK. He is a perfect definition of a perfect male specie. A perfect body physique, that perfect abs on his stomach, and he is perfect when he is wet. Parang gusto ko ng bumigay sa oras na yun.

"Oh Monique, ikaw pala. Asan si Manang Lety, ikaw ba ulit ang maglilinis ng unit ko?" casual tanong niya sa akin. OMG. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto kong maiyak sa oras ding yun. Ganito pala ang lumaklak ng realidad. Hayst.

Ako si Monique Enriquez. Freshman. Di ko nakukuha kahit ano man ang gustuhin ko. Kailangan ko pang pagtrbahuhan ang isang bagay para makuha yun. At masasabi kong hindi perpekto ang buhay ko. Hindi perpekto ang pamliya ko. Hiwalay ang parents ko at ang tatay ko may-ari ng isang kakarag-karag na jeep na pampasada. At yung Manang Lety na narinig nyo. Siya ang Nanay ko. Isang maid sa isang malaking condominium building. Hindi siya nakarating dahil may sakit siya ngayon. Biglang nahilo dahil sa altapresyon. Kaya heto ako ang proxy niya. Kung hindi matatanggal siuya sa trabaho at wala na siyang pantustos sa pag-aaral naming magkakapatid at pati na din sa pagkain naming araw-araw. Nakatira kami sa squatters area malapit lang dito sa condo nila Kenjie, nag-cocommute lang ako papuntang trabaho at pati na din sa school. Minsan naglalakad pa pag walang pamasahe. Lifestyle ko? Wala naman akong choice kasi kahit ano namang gawin ko di pa rin magbabago ang kapalaran ko. At boyfriend. Isa akong certified NBSB.

Oo na. Ang bitter ko. Sabihin mo ng lahat ng pangungutya sa akin. Tatanggapin ko. Masama bang magpaka-feeling sosyal kahit paminsan-minsan. Libre namang mangarap di ba? Napakaganda siguro ng buhay ko sa past life ko kaya ngayon pinapahirapan ako ng langit. Di mo papangaraping maging tulad ko. Ako ang gitna sa aming limang magkakapatid. Yung Kuya ko na si Macoy di nakapagtapos ng pag-aaral at tambay lang sa kanto. Si Ate Norie ko naman na pinagkagastusan ng Nanay ko para makapagtapos hayun nagpabuntis pero iniwan naman ng boyfriend. Yung dalawa ko pang kapatid isang lalaki na si Rico, First Year High school na puro paporma ang inaatupag imbes na pag-aaral. At ang bunso naman namin na babae eh mga 8 years old pa lang, si Angel at lumaking sakitin. Naghiwalay ang mga magulang ko nung baby pa lang si Angel. Kaya heto si Nanay sa umaga katulong pero sa gabi nag-hahanda ng ihaw-ihaw para ibenta ni Ate kinabukasan. Kaya hayun inatake ng hugh blood dahil sa pagod sa trabaho.

Ito ang buhay ko. Hindi perpekto. Kailanman di mo nanaiising nasa lugar mo ako. Siguro pinagtatawanan mo ako ngayon. Dahil sa mga ilusyon ko. Sige na pagtawanan mo na ako. Wag ka ng mahiya. Pero hindi ako titigil hanggat di ko natutupad ang mga pamgarap ko. Hindi habang-buhay ganito na lang ako. Pero PAANO?

Ako si Monique Enriquez at ito ang Imperpekto kong buhay.

Perfect ImperfectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon