Ako nga pala si Justine Alexxa but you can call me Alexxa. 18. Mabait, matalino, mayaman, maganda kaso NBSB ako. Nag-aaral ako sa isang sikat na school dito sa Makati at ako ang tinuturing nila na "Campus Princess".
Syempre kung may campus princess meron ding campus prince.
Siya si Luke. Mabait (depende sa taong kasama nya), matalino, mayaman, kaso mayabang, feeler at bad boy. Siya yung tipo ng lalaki na HINDING HINDI ko magugustuhan.
Kaklase ko sya sa isa sa mga subjects namin. Actually seatmate ko sya. Pero as I said earlier bad boy sya kaya d ko sya masyadong kinakausap.
*tok tok tok*
"Wahhhhhh" sigaw ko sa sobrang gulat.
Bigla bigla naman pumasok yung P.A ko and yup may P.A ako.
"Ma'am anong nangyari may magnanakaw ba sa terrace, nakakita ka po ba ng multo? Ma'am anong nangyari?" nag-papanic nyang tanong habang papunta sa terrace para tingnan kung may tao ba dun.
"Hahahahaha" tumawa lang ako ng tumawa habang ang P.A ko ay nakatingin sakin na para bang nababaliw na ako. Sa wakas naka-recover na ko.
"P.A OA ka naman napasigaw ako dahil sa gulat ko sa pagkatok mo!" sagot ko at tumawa uli.
"Ah ganun ba ma'am. Sarehhhhh. Peace tayo" sabi nya.
"Bakit nga pala napunta ka dito?" tanong ko.
"Ah. Eh. Kasi ma'am pinapatulog na po kayo ni Madam Alexis gabi na daw po at may pasok pa kayo bukas." sabi nya.
"Ah ganun ba sige goodnight P.A" sagot ko sa kanya.
"Goodnight ma'am sweet dreams" sabi ni P.A.
..........
Kinabukasan...
"Ma'am gising na po 6:00 na po" sabi ni P.A.
"Aga pa 7:30 pasok ko!" papungay-pungay na sagot ko.
"Alam ko naman yun ma'am eh pero tingnan nyo po ha 6:00 tas 1 hour kayong mag-aayos 15 minutes para kumain eh d 6:15 na tas 10 minutes papunta sa school d 6:25 tas 5 minutes para makipag-chikahan sa mga bes mo dba ma'am kaya gumising na kayo!" paliwanag nya sakin.
"Oona oona dami pang sinabi eh!" sanay na kami ni P.A sa ganyang eksena tuwing umaga at iniwan ko sya na nakaupo sa couch habang tumakbo ako papuntang sa bathroom.
•••••Fast Forward•••••
Kakapasok ko pa lang sa gate ng school may tumawag sakin...
"Justine" teka kilala ko yang boses na yan ah boses yan ni Andrei (isa sya sa mga admirers ko) and I forgot to mention ayokong tinatawag na "Justine".
Dirediretso lang ako sa pag-lakad dahil inaasar nya ko sa pangalan ko bigla nyang hinablot yung braso ko.
"Hey princess ignoring me huh." sabi nya kahit kailan bastos talaga toh.
"Stop calling me princess and let go of me!" sigaw ko sa kanya.
Hinawakan nya yung bewang ko habang hawak nya yung isa ko braso para hindi ako mawala. Tapos biglang...
"Bitawan mo sya!" at biglang sinuntok ni Luke si Andrei.
At umalis si Andrei ng may dugo sa kanyang labi at sinabi nya "Hindi pa tayo tapos" at binigyan si Luke ng death glare.
"Ok ka lang ba nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Luke.
"Ok lang ako ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ah may nakakita kasi sa inyo tapos sinabi nya sakin kaya ayun" sagot nya.
"May tanong ako" sabi ko.
"Ano yun?" tanong nya
"Bat parang bigla kang bumait sakin?"
tanong ko"Ah. Eh." at umiwas sya ng tingin at napansin ko biglang namula yung mga pisngi nya. Nang biglang
*Kringgggg*
Ang nakakabinging tunog ng school bell.
"Ah mamaya ko nalang sayo sabihin Alexxa" sabi ni Luke sakin habang naglalakad palayo.
"Ah sige sabay na tayong mag-lunch libre kita" pahabol kong sabi.
•••••Sorry guys kung medyo bitin pero as soon as possible mag-a-update ako. Siguro bukas o kaya sa 05/02/2k15 basta kung kailan free ako. Happy reading guys :) Please vote or comment or you can follow my account @lunaaa14•••••
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa "Forever"?
RomanceNaniniwala ba kayo sa salitang "FOREVER"? Ako kasi oo. Ang salitang "FOREVER" ay isa sa mga salitang napaka-sarap pakinggan pero isa rin to sa mga salitang napakahirap paniwalaan