Luke's POV
| Time Check: 8:30 |
Kakatapos lang namin mag-hapunan. Medyo na-late nga eh ang haba kasi ng naging kwentuhan namin since my Dad just arrive from abroad and he has a lot of catching up to do kaya nag-decide kami na mag-kwentuhan muna kami.
After nun tumaas na agad ako para pumunta sa kwarto ko. I was surprised to see a lot of notifications from my twitter account. Pagkakita ko it was a tweet from Alexxa at sobra nila itong pinag-kakaguluhan:
@justinexalexxa: Hey @lukexangelo thank you for everything you made my day :) x
Nagulat ako. Binasa ko kaagad ang mga nag-comment dahil muntikan ng sumabog yung phone sa dami ng nagta-tag sakin sa mga comments nila.
Oh my g. Kuya @lukexangelo nag-message si Ate Alexxa. Aiyyeee!
Match made in Heaven @lukexangelo ❤ @justinexalexxa
My gahd. Bagay kayo @lukexangelo @justinexalexxa
Ang "Campus prince at princess" oh pumapag-ibig yeahhhh @lukexangelo @justinexalexxa
Oh My Gahd! LuExxa foreverrrr @lukexangelo @justinexalexxa.
Nagwawala na ang mga kaklase at fans namin sa twitter. Sobrang nagulat ako sa post nya. Hindi ko nga alam kung anong isasagot ko eh. Kaya ito nalang naisip ko:
@lukexangelo: Your welcome @justinexalexxa sa totoo lang mas napasaya mo nga ako eh. Good night :)
At dahil sa ginawa ko mas nagwala na ang mga fans namin halos mag trending na nga ata kami eh.
Biglang may pumasok sa kwarto ko. Pumasok yung kuya ko ng walang sabi-sabi d nga manlang kumatok eh. Siya si Albert Louis pero tawag min sa kanya Louis ayaw kasi nya ng Albert d daw bagay sa kanya.
"Hoy Luke bat parang ang saya saya mo ngayon?" tanong sakin ng kuya ko.
"Wala ah. Sinong may sabing masaya ako?" sagot ko sa kanya ng bigla nyang kuhain yung cellphone ko.
"Hoy akin na nga yan may cellphone ka naman ah Iphone 6 pa nga yung sayo tas kukunin mo yang sakin" sigaw ko sa kanya.
"Uy may pinopormahan na sya. Sino ba yan? Pwede ko ba syang makilala?" sunod sunod nyang pag tatanong sa akin.
"Siya si Justine Alexxa Perez" sabi ko sa kanya habang pinapakita ang mga pcture nito na nakapost sa Instagram.
"Teka kilala ko kapatid nya si Janina Angela Perez kaklase ko sya nililigawan ko nga eh" sabi nya sakin.
"Eh talaga kuya parang d mo nababanggit sakin yan. Tulungan mo naman ako dito oh" sabi ko sakanya.
"Sige ba ano bang gusto mong mangyari?" tanong nya sakin
"Gusto ko kasi sya kaya lang d ko masabi. Gusto ko yung parang unti-unting kong masasabi sa kanya yung nararamdaman ko ng hindi nya ako nakikilala" sabi ko kay kuya.
"Hirap naman nun teka lang mag-iisip ako" sagot nya
| Pagkalipas ng limang minuto |
"Ah alam ko na. Ganito gawin mo mag-research ka ng mga romantic poems online at isulat mo to sa papel tapos ilagay mo nalang yung gusto mong code name halimbawa: Mr. Pogi" payo nya sakin
"Pangit naman ng halimbawa mo kuya pero ok na sakin yung plano" sabi ko
"Sige sige bukas puntahan kita sa cafeteria. Pakilala mo sakin yang Justine Alexxa Perez na yan. Isasama ko rin si Janina. Sige na bukas nalang" sabi nya sakin.
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa "Forever"?
RomanceNaniniwala ba kayo sa salitang "FOREVER"? Ako kasi oo. Ang salitang "FOREVER" ay isa sa mga salitang napaka-sarap pakinggan pero isa rin to sa mga salitang napakahirap paniwalaan