××××Luke's POV××××
"Luke! Luke! May nambabastos kay Alexxa puntahan mo na baka kung ano pang mangyari!" sabi sakin ni Kath ( best friend ko sya ang weird nga eh d ko akalaing magkaka-best friend ako na babae.)
Pagkasabi sakin ni Kath lumabas ako ng classroom namin at nakita ko sila agad. Malapit lang naman kasi ang classroom namin sa may gate.
Nakita kong hawak ni Andrei yung bewang nya habang yung isang kamay nya ay nakakapit sa balikat nito.
Agad ko silang tinakbuhan at sinuntok si Andrei. Umalis agad siya dahil alam niyang masama akong magalit.
Tumingin agad ako kay Alexxa at tinanong kung nasaktan ba sya sabi nya ok lang daw sya.
"May tanong ako" sabi nya sakin at naramdaman kong biglang nag-init buong katawan ko dahil kinakabahan ako sa magiging tanong nya.
"Ano yun?" sabi ko.
"Bat parang bigla kang bumait sakin?" tanong nya sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ah. Eh" yan lang ang mga salitang nasabi ko dahil biglang nag ring ang school bell namin. Naramdaman ko bigla na nag-init yung pisngi ko ibig sabihin nito namumula ako.
"Ah mamaya ko nalang sasabihin sayo Alexxa" sabi ko habang naglalakad palayo sa kanya.
"Sige sabay na tayo mag-lunch libre kita" pahabol nyang sabi sakin.
First subject ko pa lang kaya d ko pa sya seatmate. Katabi ko si Kath ngayon.
"Kath anong gagawin ko sasabihin ko na ba kay Alexxa na gusto ko sya? Inakit nya kasi ako na mag-lunch daw kami mamaya" nag-aalala kong tanong kay Kath.
"Luke sabihin mo na ano ba naman mawawala sayo pag-sinabi mo at tsaka chance mo na yun push mo na" payo nya sakin.
"Hindi ko pa kaya ang alam kasi nya bad boy pa ko katulad nung dati" kwento ko sa kanya
"Ganito nalang since seatmate mo sya sa isa sa mga subjects mo kilalanin mo muna sya at pag kaya mo na at tsaka mo sabihin para mapakita mo na nag bago ka na at hindi ka mayabang/ feeler/ bad boy katulad nung dati" sabi nya sakin.
"Ang sakit naman nung mayabang/ feeler/ bad boy pero sige susubukan ko" sagot ko sa kanya.
At bigla kaming nakita nung prof namin. Umiwas nalang kami ng tingin sa kanya para d na kami pagalitan.
~Sorry guys for the short update don't worry mas hahabaan ko na sa next chapter~
BINABASA MO ANG
Naniniwala ka ba sa "Forever"?
RomanceNaniniwala ba kayo sa salitang "FOREVER"? Ako kasi oo. Ang salitang "FOREVER" ay isa sa mga salitang napaka-sarap pakinggan pero isa rin to sa mga salitang napakahirap paniwalaan