𝟏𝟔

581 10 0
                                    

Irish's Pov

Habang nag sco scroll ako sa fb may nag pop up sa messenger ko kaya napangisi ako alam ko na kaagad na si Sebastian ito.

....

Sebastian's Pov

Break time namin kaya kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan kung anong balita kay Irish.

May bago itong post at may lalaking nakaakbay dito aba't hindi pwede yun kaya yata ako nito iniiwasan dahil may bago na siya.

To:Irish mukhang lupa

Sino yung nakaakbay sayo!?tanong ko dito.

From:Irish the pinakamaganda sa balat ng lupa

Secret saka bakit gusto mo malaman?.

sagot nito saka pinalitan ba naman ang nickname niya

From:Irish maganda

Oh wait don't tell me nag seselos ka? text ni Irish

Assuming naman pala ito pero something in me feeling it. Binaba ko na ang cellphone ko at bumalik sa trabaho.

Tinuturuan namin ang mga baguhan kung pano makipag laban gamit ang baril saka armas dahil may mangyayaring barilan sa parteng Maguindanao.

....

Irish's Pov

Aba't hindi na ako nireplayan ah ang sama talaga nito pero baka totoo ngang nag seselos ito. Napangiti ako ng wala sa oras.

Tapos na kaming mag break kaya ilang minuto lang  sinimulan na ang photoshoot namin ilalagay daw kasi iyon sa front ng magazine and Matthew and i were both happy to know about it.

Madali lang din natapos ang photoshoot namin kaya nagpalit na ako ng damit at lumabas na. Habang hinahanap ko ang sasakyan ko sa parking lot nang mahanap kona nagtaka ako na may nakita akong lalaking nakasandal sa sasakyan ko.

Paglingon nito huli na para tumakbo si papi Sebastian pala shettt! Palapit na ako ng sasakyan ng magsalita ito.

"give me your key" saad niya na kinakunot ng noo ko.

"at bakit hindi porket gwapo ka ibibigay ko na" pinang tarayan ko ito ng kilay ko masakit nga lang sa kilay pero tiis ganda.

Tiningnan lang ako nito ng nakakatakot kaya wala akong nagawa kundi ibigay sakaniya ang susi ng sasakyan ko.

"your car is like a toy damn!" saad niya sadyang matangkad lang siya.

"matangkad ka lang" saad ko saka tinuon ang atensyon sa labas.naalala ko nga pala hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"saan nga pala tayo pupunta?"tanong ko dito habang busy ito sa pagmamaneho.

"sino yung umakbay sayo sa post mo kanina!?"tanong niya na parang wala lang sakaniya yung tinanong ko.

" secret saka bakit mo ba gusto malaman hindi ko naman din tinanong kung sino yung inakbayan mo sa post mo! "saad ko kalma self.
....
IKSW 🫶🏻

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟏 : What Is It MASTER? (On Going) Where stories live. Discover now