~~ HOW TO BE A GOOD MOTHER ~~
Kyzyn's P.O.V.
Nagluto ako ng pagkain para kay Clyde. Nagluto ako ng adobong manok .
Its my favorite.
Palagi akong pinagluluto ni lolo ng adobo nong nabubuhay pa sya kaya sure akong magugustuhan ito ng anak ko.
Nang mahanda ko na ang lahat pinuntahan ko na sya sa kwarto.Nakaupo na sya sa kama at pinagmamasdan ang paligid.
"Gising ka na pala."
Napatingin sya sakin."Asan po ako?"parang nahihiya nyang tanong kaya napatawa ako.
"Nasa mansion ko.From now on you'll live here."
"Iuwi nyo na lang po ako.Baka pagalitan na naman po ako ni Mr. Lucas."
"Pinapagalitan ka ni Mr.Lucas?"
"Opo.He always hurt me." Umiiyak nyang sabi.
"That old man.Tsk.Don't worry i won't let him hurt you again."
'Humanda ka sakin matandang Lucas.'Dagdag ko saking isipan.
Napatawa ako ng mahina dahil tumunog ang tiyan ni Clyde. Well kahit ako gutom na rin.Nahihiya syang ngumiti sakin.
"Let's eat na."
Lumapit ako sa kanya at kinarga sya.
Napatingin ako sa pisngi nya.Namumula kasi ito.Nahihiya siguro sya saakin.
Kinarga ko sya hanggang sa makarating kami sa dining area. Pinaupo ko sya malapit sakin.
Pinagsandok ko sya ng pagkain."Say ahh.." Ani ko habang nakatapat sa bibig nya ang kutsarang may laman na pagkain.
Napangiti ako ng ngumanga sya at kinain ang pagkain.
"Masarap ba?" Kinakabahang tanong ko.
Nawala ang kaba ko ng ngumiti sya saakin at nag thumbs up pa.
"Ang sarap po.Ito na po ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko."
"Bakit di ka ba nila pinagluluto ng masarap?"
Bigla na lang lumungkot ang mukha nya.
"Bakit anak?"
"Dahil po sa palaging wala si Daddy sa bahay si Mr.Lucas po ang nag-aalaga saakin.Di ko po alam kung pag-aalaga ba talaga ang ginagawa nya kasi palagi nya akong sinasaktan at pinapagalitan.Kung minsan po di nya po ako pinapakain tapos ako na lang po ang nagluluto para sa sarili ko." Malungkot nyang kwento.
Napakuyom na lang ako.
Sumusobra ka na Lucas Suarez.Pati anak ko pinahihirapan mo.
"Kaya ito po ang pinakamasarap na natikman kong pagkain." Nakangiti nyang sabi kaya nginitian ko rin sya.
"Kain ka na lang anak.From now on babawi si mommy okay?Sorry kung napabayaan kita.Promised di na tayo maghihiwalay."
"It's okay mommy.What important is that you're finally here.Thank you mommy for letting me experience how to be love."
"No baby.I should be the one to be thankful because I have a son like you.Thanks nak."
Pagkatapos naming kumain sya na ang nagpresentang maghuhugas ng mga kinainan.Yun daw kasi ang gawain nya after kumain.Or should I say yun ang utos ni Mr.Lucas. Hay*p talagang matandang yun.This time tutuluyan ko na talaga sya.Anak ko talaga ang naisipan nyang apihin.
Nakahiga ako sa kama habang iniisip kung babalik pa ba ako kay señiorito now that I have a son na dapat bantayan.
Gusto kong bumalik pero paano nnaman si Clyde? Buong buhay nya mag isa sya kaya dapat di ko na sya iwan.Ano ba talaga ang dapat kong gawin??
YOU ARE READING
That Dangerous Woman Is The Bodyguard Of A Womanizer
RomansaA woman who's seeking justice for her and for her grandfather who died in a accident. What will happen if she becomes a bodyguard of the grandchild of the person who planned to kill her grandfather. Kapag ang isang tao di makatingin sayo ng deritso...