-- CHAPTER 32 --

60 4 0
                                    

                   ~~ SELOS SI BABE ~~

Third Person's P.O.V .

Maagang nagising si Dwayne. Napabangon sya ng makitang wala na ang babaeng katabi nya.
Agad syang naligo at nag soot ng jeans and T-shirt.Pumunta sya sa room ng kaibigan nya.

"Justine!!" Sigaw nya habang kumakatok.

Bumukas ang pintuan at dirediretso lang syang pumasok.

"Have you seen Zyn?Do you where  she is?Ask Ashley kung nasaan sya.Hurry!!"

"Grabi kay aga-aga Zyn na yang nasa bunganga mo."

"Ano ba!!Pwede ba wag kayong maingay!! Disturbo kayo eh!!"

Napatingin sila sa direksyon ng nagsalita.
Lumapit si Dwayne may kama at marahas na hinila ang kumot sa kama.

Nagulat sya sa bumungad sa kanya.

Sina Zyn and Ashley magkayakap habang magkatabing natutulog.
Kinuyom nya ang kanyang kamay dahil sa galit at selos.
Mahimbing pa rin natutulog si Zyn habang yakap yakap ng best friend nito.
Masama syang tumingin sa kaibigan.

Nagkibit balikat lang ito.

"Nagising na lang akong nasa lapag samantalang silang dalawa nandyan sa kama nagyayakapan at naglalandian. Ang sakit nga ng katawan ko parang kinarate ako ng dalawang 'to."

Napatingin silang dalawa sa dalaga ng gumalaw ang mga ito.

"Babe.." Tawag ni Zyn

"Hmm..."

"What time is it?"

"I don't know.Ang sakit ng ulo ko eh."

"Do you think hinahanap na ako ni Clyde?"

Napakunot noo si Dwayne dahil sa sinabi ng dalaga.

"Clyde?" Ulit nya.

"I think oo.Hinahanap ka na ng baby mo.Uwi ka na baka magtampo pa yun. Mahirap na baka di ka marunong sumuyo."

"Sabay ka na sakin babe."

Naalimpungatan sila ng makitang nakatingin sa kanila ang dalawang binata.

"Sinong Clyde?" Cold na tanong ni Dwayne.

"Ahh may sinabi ba syang Clyde?" Palusot ni Ashley

"Alis na kami." Paalam ni Zyn tyaka tumayo

"And thank you Justine for helping babe na maidala ako dito ." nahihiyang sabi ni Ashley na kinatawa naman ni Justine

"It's okay.It's only 6:10 am so dito na lang muna kayo.."

"No need we must go home now.Let's go babe.."

Paalis na sana si Zyn pero hinawakan sya ni Dwayne sa braso kaya walang emosyon nya itong tiningnan.

"Ihahatid na kita."

"No need.Goodbye Mr.Jackson."

Umalis na ang dalaga hila hila ang best friend nya.

Diretso agad sila sa parking lot.Doon nadatnan nila si Leo na naghihintay sa kanina.

Sumakay na sila sa passenger seat.

"How's my son?"

"He's okay Miss Z.Tulog pa rin sya ng umalis ako."

"Good."

After 40 minutes nakarating na sila sa mansion.Naunang bumaba si Leo at pinagbuksan ng pintuan ang mga dalaga.

------------------------------------------------------

"Ano ba Dwayne! Nagmumukhang tanga tayo eh.Bakit kasi di mo sya tinanong kanina kung saan sya nakatira." Inis na saad ni Justine.

"Do you really think sasabihin nya sakin kung saan sya nakarita huh?"

Tinigil nila ang sinasakyan nila nang makitang pumasok sa isang private property ang sinasakyan ng dalaga.

Napalilibutan ng mataas na pader ang buong lugar kaya di makita ang nasa likod nito.Iisa rin ang daan papasok doon.

"Dyan sya nakatira?"

"I don't know. Bakit bantay sarado ang lugar na ito?" Takang tanong ni Dwayne.

Kanina pa sya nagtataka sa tinatahak na daan ng sinasakyan ng dalaga.Lalo syang nagulat ng pumasok sila sa kagubatan.

Di nya inaasahang isang mataas na pader ang bubungad sa kanila

'Sino ka ba talaga Zyn?'Tanong nya sa kanyang isipan.

Nagpunta si Zyn sa kwarto ng anak nya.Tulog pa rin ito.

Napangiti sya dahil humihilik pa ito.
Nagpunta sya ng kusina para magluto ng almusal.

"Sarap naman babe." Puri ni Ashley

"Tsk this is not for you.It's for my son."

"Grabi ka naman.Nagkaanak ka lang di mo na ako lab.Ang shekit huh."

"Tsk drama mo.Umupo ka na nga."

Nakasimangot na umupo si Ashley. Napatingin sya sa batang umupo kaharap nya.

Inirapan nya lang ito.

Nagseselos sya sa bata.Mula kasi ng dumating ito sa buhay ng kaibigan nya palaging wala ng time sa kanya ang friend nya.Nagseselos sya.Di sya sanay na may kahati sa atensyon ng taong mahal nya.

"What?!" Taas kilay nyang tanong nang mapansing nasa kanya ang tingin ng mag ina.

Nagtinginan ang mag ina sabay tawa. Lalo tuloy syang nagselos.

"Ano ba!!" Inis nyang sigaw.

"Are you okay babe?You look stress."

"Oo nga po tita Ash.Di ka po ba isinayaw ng boyfriend mo?"

"Baby wala yang boyfriend."

"Isa pa talaga babe!!"

"So ibig sabihin may pag-asa pa po ako sayo?"

Imbis na mainis si Ashley napatawa na lang sya sa sinabi nito.Mini version nga talaga ito ng best friend nya. Alam na alam kung paano sya pangingitiin.

"Naku naman baby. Ikaw talaga."

"Bakit po tita Ash?"

"Kumain na nga kayong dalawa puro kayo daldal eh."

"Miss Z."

Napatingin sila sa nagsalita."Oh bakit Leo?"

"Miss Z we have problem."

"Kumain na lang kayo dito. Kakausapin ko lang sya."

"Okay babe/okay po mommy." Sabay na sabi ng dalawa.

Nagpunta sila sa monitoring room. Doon nakita ng dalaga mula sa CCTV footage ang itim na sasakyan na nasa labas ng pader.Nakago ito.

"I didn't notice that we been followed by a black car. I'm sorry Miss Z. What do you want me to do with them?"

"Kill them." Cold na sabi ng dalaga sabay alis

---------------------------------------------------

Nang makita ni Dwayne na maraming armadong lalaki ang lumabas sa gate ay pinaharurot nya na ang sinasakyan nila palayo doon.

He's a professional driver so it's easy for him to get away.

"That was close!!" Takot na sabi ni Justine

Nagpunta sila sa bar na palagi nilang pinupuntahan.

"So you mean they let Zyn na makapasok sa loob?" Takang tanong ni Ethan

"Yes maybe they kidnapped Zyn and Ashley." Ani ni Justine sabay takip sa bibig nya.

That Dangerous Woman Is The Bodyguard Of A WomanizerWhere stories live. Discover now