CHAPTER 9

1.6K 50 1
                                    

Kumaway ako kay Eunice at Patrick, umupo ako sa harap nila, at kinuha ang bottled water ni Patrick, umirap ako sakanya dahil mag sasalita sana ito.

"Grabi uhaw na uhaw ah?" Si Patrick.

"Nakaka uhaw ang ganda nila lahat! Nag mumukha akong patatas!" Halos maiyak na sumbong ko.

Tumawa silang dalawa saakin, hindi ko mapigilang umirap at tumingin ng masama sakanila.

"Teka kilala mo ba si Aleah Echavez?" Tanong ko kay Patrick.

Saktong uminom ito ng pepsi kaya halos mabuga nito sa sobrang gulat.

"Gago? Wag mong sabihin siya ang representative sa BSBA?" gulat na gulat na tanong ni Patrick saakin.

Tumango naman ako.

"Hindi nga?" Gulat parin ito.

"Ang OA mo bakla. Kalmahan mo, ano bang meron sakanya?" Tanong ni Eunice, tumango naman ako.

"Sobrang yaman niyan girl! Halos nasa kanya na ang lahat. Pag sinabi kong na sakanya na, pati ang sama ng ugali nakuha niya! Nahiya si satanas sakanya." Halos bulong na sabi ni Patrick sa huling salita na sinabi niya.

"Oh tapos? Mayaman lang naman pala eh!" Naka kunot ang noo ni Eunice.

"Girl nakalimutan mo ata ang sinabi kong nasa kanya na ang lahat. Matalino, mayaman, maganda-"

"Oo na." Natatawang sabi ni Eunice.

Tahimik ako sa tabi habang iniisip ang sinabi ni Patrick. So ibig sabihin totoo talaga ang balita? mahihirapan ang lahat na makuha ang korona sa BSBA. Pumikit ako ng mariin dahil naramdaman kong pati ako susuko na at tatanggapin ko na ito ang unang talo ko.

"May kaibigan ba siya?" Tanong ko, kahit alam ko ang sagot.

"Oo apat 'yan sila, simula nong elementary dito na sila nag aral, puro mayayaman, nag hiwalay na sila ngayong college." Si Patrick.

So tama pala ang sinabi saakin ni Nelle.

"Nursing, Engineering, Tourism?"

"Alam mo?" Si Patrick.

"Syempre kasali pa naman silang apat sa pageant." Sabi ko.

"What!?"

"Bakla ang OA mo!" Si Eunice.

"Hindi nga?"

"Oo nga." Sabi ko.

"Nako girl sinasabi ko sayo, sambahin mo lahat ng santo para manalo ka. Sa apat pa nga lang mahihirapan na tayo niyan."

"Wow Patrick? Nahiya naman si Alexa sayo?" Naiiritang sabi ni Eunice.

"Sorry na nga! Nagulat lang ako. Pero alam kong kaya ni Alexa 'yan duh!" Pang babawi ni Patrick.

Umiling nalang ako sa sinabi niya.

"Oh ito!" Sabay bigay ni Eunice sa cellphone niya.

"Ay potangina naman! Seryoso? Ang dami nito ah?" Si Patrick.

Naguguluhan naman ako  sa dalawa, "Anong madami?" Tanong ko.

"Korona girl." Sagot ni Patrick, "kanino pala 'yan?" Tanong nito kay Eunice.

"Kay Alexa lahat 'yan girl." Eunice smirked.

Tumingin si Patrick saakin at halos makita ko na ang star sa mga mata nito sa sobrang pagkamangha saakin. Pabiro kong hinawi ang buhok ko at kumindat sakanya.

Tumingin ako sa oras at laking gulat ko dahil 5 minutes nalang mag sta-start na ulit ang practice namin. Nag beso ako sa dalawa at patakbong nag lakad. Halos sumakit ang ulo ko sa sobrang tigas ng taong nasa harap ko ngayon.

"A-aray." Halos pabulong na sabi ko. Pumikit ako dahil nahilo ako.

"Are you alright?"

"J-jaro?" Gulat na sabi ko.

Ang kaninang nag alala ang mukha ay naging matigas at malamig ang mata habang nakatingin saakin. Halos manigas ako sa klase ng tingin niya saakin, ni hindi ko magawang tumingin ulit sa mata niya. Nakakatakot.

"Tsk sa susunod mag iingat ka." Malamig ang boses nito at tumindig lahat ng balahibo ko sa batok. Gusto kong umiyak dahil nami-miss ko na siya ngunit sobrang lamig ng boses niya.

Pumikit ako ng mariin at pinilit na wag maiyak sa harap niya, kahit nanginginig hinabol ko ang braso niya, tumigil ito saglit bago humarap saakin. Yumuko ako dahil hindi kayang tignan ang malamig na tingin nito

"J-jaro galit kaba saakin?" Nanginginig ang boses ko, dagdag pa ang mga kamay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at walang pasabing iniwaksi ito, lumaki ang mata ko habang nakatingin sakanya, nanginginig ang mga labi ko at hindi ko mapigilang sundan ang kamay ko na ngayon ay winaksi nito.

"Hindi ako galit, bakit naman ako magagalit sayo?" Kasing lamig ng ice ang boses niya. "Tsaka sino kaba?" Dagdag pa nito.

Napanganga ako sa sinabi niya at hindi ko na magawang sundan ito dahil pumasok na ito sa cafeteria, nakatitig ako sa likod niya habang pinilit na hindi umiyak. Paulit-ulit pumasok sa isip ko ang sinabi niya saakin. Tama siya, sino nga ba ako sa buhay niya? Isa lang naman akong desperadang babaeng habol nang habol sakanya.

Lutang ako habang nag lalakad sa hallway, paulit-ulit pumasok sa isip ang sinabi niya, ni hindi ko namalayan nakatingin na pala ang lahat saakin. Namula ang mag kabilang pisnge ko sa hiya, kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil nasaktan na nga ako mukhang mapapahiya pa ako.

"Ah.. eh.." 'yon lang bukod tangi kong nasabi.

Nakataas ang kilay ni Aleah habang nakatingin saakin, kasama niya si Nelle, Rica at Letty na ngayon nakatingin din saakin. Ang hula ko si Nelle lang ata ang mabait sakanila. Dahil nakataas din ang kilay ni Letty, samantalang halata namang mataray si Rica ngunit wala itong pake saakin. Saktong nag tama ang mata namin ni Aleah, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa bago umirap saakin, halatang ayaw niya saakin. Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay at umirap ng pa sikreto sa grupo nila.

Pagkatapos ng practice, lumabas ako at dumeretso kila Eunice at Patrick.

"Pagod ang beauty natin ngayon ah?" Si Patrick.

Umirap ako sakanya, "Taena ang OA ng grupo nila." Kahit ko sabihin kung sino ang pinatamaan ko, alam ko namang may idea na ito.

"Hayaan muna Alexa, galit lang 'yon sayo kasi maganda ka." Pampalubag loob nito saakin.

"Shut up! Ang dami kayang maganda doon." Matabang na sabi ko.

"Ikaw kasi ang mas maganda kaya ikaw pinag-initan." Si Eunice.

Umirap ako sakanila at walang balak makipag kulitan sakanila. Tulala ako habang kumakain ng kwek-kwek, samantalang ang dalawang nasa harap ko, kulang nalang pag usapan na ang lahat.

Sinundan ko ang sasakyan ni Jaro, kahit hindi ko kita ang nasa loob, alam kong kay Jaro 'yon. Kabisado ko na plate number nito. May hapdi sa puso ko, pinigilan kong umiyak dahil baka mag mumukha akong timang kung iiyak ako sa harap nila.

"What's happen?" Eunice asked me.

Umupo ako sa kama at tulalang nakatingin sa mga paa ko. Hindi ko pinansin ang pag upo ni Eunice sa tabi ko, naramdaman ko ang pag hawak ni Eunice sa likod ko. Hindi ko na mapigilan ang bigat ng dibdib ko dahil tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinigilan.

"A-ang sakit." Nabasag ang boses ko at hindi ko mapigilan ang paglakas ng iyak ko.

"Hush! Everything gonna be alright."
She hug me, and I hug her back.

Dating The Cold Hearted ManWhere stories live. Discover now