CHAPTER 15

1.8K 47 3
                                    

"Masarap ba?" Tanong ko sakanya.

Tumango ito, ngunit hindi naman ito tumingin saakin.

"Ako?"

Halos mabuga niya ang kinain niya kaya hindi ko mapigilan tumawa ng malakas. Tumingin ito ng masama saakin habang uminom ito ng tubig.

"Pero hindi nga? Masarap ang luto ko?"

"Yeah." Labas sa ilong na sabi nito.

Napasimangot tuloy ako.

"Pwedi naba akong mag asawa?" Tanong ko ulit.

"Don't talk if your mouth is full." Malamig na sabi nito.

Minura ko ito sa isip dahil ang sungit nito saakin. Mas lalong humaba ang nguso ko habang nakatingin sakanya.

"What?" Pagalit na tanong nito.

Hindi ko mapigilang titigan ito, ang saya lang tignan pag napipikon ito. Mas lalong pumupogi sa paningin ko.

Umiling ako at nag iwas ng tingin sakanya, mabilis ang tibok ng puso ko, kanina pa. Dinadaan ko nalang ito sa pang-aasar sakanya dahil pag pareho kaming tahimik baka marinig niya pa ang puso ko, mahirap na.

"What do you want to eat?" Tanong nito saakin, naka dapa ako sa kama niya at ito naman ay naka upo sa study table nito habang nakatitig parin sa cellphone nito.

"Burger and ice cream!" Masayang sabi ko. Gosh matagal na akong nag crave niyan kaso nag titipid, mahirap na kaylangan ko pa namang mag tipid sa sobrang mahal ng pagkain sa loob ng university.

"Anything else?" Dagdag na tanong nito.

"Chicken joy!" Dagdag ko habang nag babasa ng jonapp, hindi ko mapigilang mapangiti dahil kinikilig ako sa binasa ko.

"Why are you smiling? Sino ka chat mo?" Kumunot ang noo nito at masamang nakatitig saakin.

Hindi ko ito pinansin dahil kung papansinin ko pa ito baka mabitin pa ako sa binasa ko.

"Hoy!" Sigaw ko kay Jaro.

Kinuha nito ang cellphone ko at walang pasabing tinignan ito. Nanlaki ang mata ko dahil doon 'yon sa part na luluhod si Avon kay Brandon.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko, at buti nalang nakatulala ito kaya nakuha ko agad.

"A-ano ba." Nahihiyang sabi ko.

Uminit ang mga pisnge ko dahil sa hiya, kinagat ko ang labi ko at nag mura sa isip ko. Shit lang!

Tumikhim ito at nakita ko pang lumunok ito kaya gumalaw ang
adam's apple nito, uminit tuloy lalo ang pisnge ko.

Ang awkward tuloy naming dalawa, pareho kaming tahimik at walang balak mag salita, kaya ang ginawa ko pinagpatuloy ko parin ang pagbasa at hindi na tumingin pa sakanya, kahit ramdam ko ang pagtitig nito saakin.

Tumayo ito at  lumabas, nakahinga naman ako ng malalim at pumikit ng mariin. Hinawakan ko ang puso ko na ngayon ay nag wawala sa sobrang bilis nito, humingi ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

JARO:
Labas

ME:
Wait!

Inayos ko ang sarili bago tuluyang lumabas sa kwarto, halos pumorma ng pa heart shape ang mga mata ko habang nakatingin sa sobrang laki ng burger at ice-cream idadag pa ang dami ng chicken joy.

Patakbo akong lumapit at walang pasabing yumakap kay Jaro.

"Salamat!" Tumatalon talon pa ako.

Ginulo nito ang buhok ko at walang pasabing hinalikan ang labi ko, smack lang naman 'yon ngunit ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko at paninigas ng mga binte ko.

Ang first kiss ko!

Uminit ang mga pisnge ko at napasimangot kay Jaro, na ngayon ay natutuwang nakatingin saakin.

"What? Don't tell me it's your first kiss?"

Umirap ako sakanya at nag iwas ng tingin.

"I'm your first kiss?" Gulat na tanong nito.

Mas lalong humaba ang nguso ko at walang pasabing kinuha ang malaking burger at kinain ito sa harap niya.

Hindi ko ito sinagot at walang pasabing kinagat ulit ang burger, ang sarap talaga nito.

"Look? You look cute here." Pinakita niya saakin ang pictures kong nakanganga habang kumagat ng burger.

"Hoy Jaro! E delete mo 'yan!"

"No way!"

"E delete mo nga sabi!" Nag dadabog ako sa harap niya.

"No!" Matigas na sabi nito at tumalikod saakin.

Hinayaan ko ito at inubos ang burger pagkatapos ang chicken joy naman ang kinain ko. Halos pumutok ang suot kong denim short sa sobrang busog ko, ngunit kumain parin ako ng ice-cream.

Pagkatapos kong kumain, inayos ko ang kusina bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Jaro.

Cravings satisfied.

"Anong rank mo sa ml?" Tanong ko sakanya.

Tumaas ang kilay nito saakin, "Do you play ml?"

"Oo nag lalaro kami dati ni Eunice, kaso natigil lang nong pumunta na kami dito, you know focus dapat sa goal."

Tumango lang ito kaya lumapit ako sakanya, hindi naman ito nag reklamo kaya sinindig ko ang ulo ko sa braso niya, tumingin lang ito saglit saakin at bumalik ulit sa cellphone nito. Pumikit ako at nilanghap ang amoy ni Jaro, amoy mamahalin at hindi masakit sa ilong ang bango nito, nakakahiya sa vanilla lace na amoy ko.

Ling ang gamit nito at halos hindi ko masundan ang galaw nito. "Sana all fast hand." Paparinig ko sakanya.

"Ay may Angela?" Kumunot ang noo ko. "Wag kang papayag na sumanib sayo 'yan." Naiinis na sabi ko.

Tahimik lang ito at hindi ako pinansin kaya tumingin ako sakanya ng masama, tumingin ulit ako sa cellphone niya at saktong naka sanib si Angela sakanya.

Papatong ako

Mas lalong uminit ang ulo ko sa chat ng Angela.

"Sabing wag kang papayag na sumanib sayo!" Naiinis na sabi ko.

Really Alexa? Nag seselos ka? Pangangaral ko sa sarili. Uminit ang gilid ng mga mata ko at hudyat maiiyak na ako, masama talaga ang loob ko.

"Hey why are you crying?" Tumigil ito at ang dalawang kamay ay nasa mukha ko na ngayon, hindi ko siya tinignan.

"Look at me." Utos nito, pero matigas ako dahil masama ang loob ko sakanya.

"Iniwan ko siya sa tore ng kalaban."

Mas lalong humaba ang nguso ko dahil anytime ay rurupok na ako sakanya.

"W-weh?"

Ngumiti ito at hinalikan ulit ako, "Yes po."

"Eh bat ka nanghahalik?" Nakataas ang kilay ko ngayon.

"You look cute when you're jealous."

Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya at lumayo sakanya. "Hindi ako nag seselos."

"Uh-uh."

"Hindi nga!"

Nagkibit-balikat ito kaya mas lalo akong namula, masyado ba akong halata? Dahil sa hiya ay hindi ko mapigilang tumakbo palabas ng kwarto niya.

Uminom ako ng tubig, at hinawakan ang dibdib ko sa sobrang bili nitong tumibok.

Dating The Cold Hearted ManWhere stories live. Discover now