CHAPTER 25

2.7K 56 0
                                    

At the very least, he made me go through those experiences with him. But it was my mistake to fall for him.

I was upset, but he never apologized, and I forgive him because I accept all of his flaws.

It's been 4 years. I graduated Magna cumlaude, bachelor of science in accounting.

Hindi ko alam ang eksaktong nangyari pero ang sabi saakin ni Eunice, engaged na si Kysler at ayaw niya pang guluhin. Inayos namin ang papeles namin at bumalik kami dito saamin. No'ng una galit na galit ang mommy ni Eunice, pati saakin ay nag tampo rin ang mommy niya. Pero kalaunan at nanganak na si Eunice ay unti-unting natanggap ng mommy at daddy niya. Katunayan ay mas mahal pa nila ang anak ni Eunice kumpara kay Eunice.

Nauna akong grumaduate kay Eunice, dahil buntis nga si Eunice kaya nag stop ito ng isang taon, pero pagkatapos manganak bumalik agad ito sa school upang ipagpatuloy ang pag aaral.

"Congratulations Eunice!" Binigay ko sakanya ang dala kong bulaklak.

Ngayon ang graduation ni Eunice at kagaya ko magna cumlaude rin ito sa kursong BSA.

"Salamat Alexa!" Tinanggap nito ang dala kong bulaklak.

"Nasaan si Keven?" Tukoy ko sa anak ni Eunice.

"Andoon sa lolo at lola niya." Turo ni Eunice sa parents niyang kumaway sa banda namin.

Kumaway ako pabalik sakanila.

2 years old na ang anak ni Eunice at mag three na ito sa susunod na buwan. Hindi ko alam kung coincidence ba ngunit mag kasabay ang birthday ng mag ama.

"Eunice wala kabang balak sabihin kay Kysler?"

Nag buntong hininga ito, "Gusto ko rin Alexa, ayuko rin maging unfair sakanya. Pero hindi pa kasi ako ready."

Tinapik ko ang kanyang braso at naunang pumunta kay Keven.

"Hello baby ko!" Tumaas ang dalawang maliliit na kamay nito at hudyat na mag karga saakin.

"Mamwi."

"No! Tita not mommy." Kiniss ko ito sa pisnge.

Tumawa si Eunice.

"Gusto ka niya maging mommy Alexa."

Ngumuso ako, kahit anong turo ko kay baby Keven ay mommy talaga ang tawag saakin. Kay Eunice naman, mama ang tawag ni baby Keven. Kila tito at tita ay lolo at lola.

KINABUKASAN inayos ko ang suot ko at pumasok sa isang mamahaling restaurant. Namataan ko si Patrick at Eunice kaya dumeretso na ako sakanila.

Dalawang taon bago namin sinabi kay Patrick ang lahat. One year old pa si baby Keven no'n. Pagkasabi namin sakanya ay agad itong kumuha ng ticket upang makita kami. Nag alala ito saamin dahil bigla kaming nawala.

Nakipagbeso ako sakanila at umupo sa harap nila. Agad namang tumawag ng waiter si Patrick. Sinabi namin ang order namin bago ito umalis.

"Hindi ako papayag na hindi kayo pupunta sa birthday ko!" Umirap ito saamin.

"Pero kas-"

"Walang pero! Ang dami niyong palusot."  Suminangot ito sa harap namin.

Nag buntong hininga kami pareho ni Eunice.

"Isang week lang naman eh! Please pag bigyan niyo ako."

Tumingin ako kay Eunice at huminga ito ng malalim at tumango.

"Sige."

"Yes!" Malakas na sabi nito.

Natahimik kaming tatlo at kumain. Pagkatapos ay nag paalam si Patrick saamin dahil may trabaho pa ito. Sakto kasi na dito sa lugar namin ito pinadala ng boss niya kaya nakipag kita ito saamin saglit upang imbentahan kami sa birthday niya.

Nakikipag laro ako kay baby Keven.

"So tutuloy tayo?" Tanong ko kay Eunice.

"Naka oo na tayo kaya wala tayong magawa. Tsaka ilang taon narin ang nakalipas. Siguro pagkakataon ko na ito upang sabihin kay Kysler ang katotohanan."

Umayos ako ng upo at seryosong tumingin kay Eunice.

"Sigurado kaba sa gagawin mo?" Nag alalang tanong ko.

"Oo. Ayuko rin naman maging unfair sakanya at na giguilty ako tuwing nakikita ko ang anak ko." Umupo ito sa gilid ng kama.

"Naalala mo 'yong sinabi ko sayo?" Tanong ko sakanya.

Bago kasi kami umalis ay sinabi ko sakanya ang nangyari sa parking lot kasama ang babae at si Kysler.

"Oo sa totoo lang hindi ko alam. Natatakot din ako para sa anak ko. Baka kasi hindi niya ito tanggapin? Hindi ko kaya mangyari 'yon. Mamatay ako sa sakit para sa anak ko na inayawan ito ng sariling ama."

Lumapit sakanya si baby Keven at ngumiti kay Eunice.

"Tignan mo oh? Pati si baby Keven pinapagaan ang loob mo." Natatawang sabi ko.

Kinarga niya ito at hinalikan.

"Natatakot ako pero ayuko maging unfair sakanya."

"Normal lang naman ang nararamdaman mo Eunice. Takot ka na mareject ang anak mo. Kahit ako hindi ko kakayanin kung magagawa 'yon ni Kysler ay iwan ko nalang talaga."

"Alexa thank you for being the most amazing bestfriend I could ever ask for."  Seryosong sabi nito at namumula ang mata nito.

"Ops! Walang iyakan! Kalma Eunice ako lang ito." Pagbibiro sakanya.

Sinapak niya naman kaya hindi ko mapigilan ang pagirap sakanya.

"Thank you rin Eunice. For always being there when I needed someone to listen to me. Nothing can express how lucky I am for you." Seryosong sabi ko sakanya.

Sa panahong walang-wala kami pareho ay hindi namin iniwan ang isa't-isa. Pareho kaming naging hindi maganda ang nangyari sa panahong 'yon at doon namin napatuyan ang pagkakaibigan namin. Kahit anong problema ang nangyari ay nandito kami para sa isa't isa.

"Eh ikaw? Okay lang ba sayo na pumunta doon?" Natigilan naman ako sa tanong niya.

Sa totoo lang ay iniiwasan ko ang lugar na 'yon. Oo okay na ako ngayon, masaya na ako. Pero kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung nakaka move-on naba ako sakanya?

"Hindi ko alam. Masaya na ako Eunice. Pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung naka move-on naba ako sakanya." Halos pabulong na sabi ko.

"It's okay. Hindi mo naman kaylangang pilitin ang sarili mo. Pero promise wag na wag munang ulitin ang ginawa mo dati. Hindi ko akalain na kaya mong mag mamakaawa para lang mahalin ka pabalik. Hindi ko kayang makita ka ulit na mag kakaganon Alexa. Kaya sakali man, guard your heart." Turo nito sa puso ko.

Tumango naman ako sa sinabi niya. Kahit ako naguguluhan ako sa sarili ko. Pero nangako na ako na hindi ko na uulitin ang ginawa ko dati, na mag mamakaawa lang upang mahalin ako pabalik. Hindi ko kinahihiya ang ginawa ko, dahil doon natuto akong pahalagaan ang sarili ko. Na mas mahalin mo ang sarili mo upang hindi ka maubos.

"Of course. I know my worth. Sakali man kung ano ang mangyayari ay hindi ko hahayang ang puso ko ang mag dikta saakin."

Dating The Cold Hearted ManWhere stories live. Discover now