U_10

20 2 0
                                        

Grace Amari Chan

HOW DO I MAKE MY LIFE EXCITING?

No cause seriously, paulit ulit na lang 'yung nangyayari sa buhay ko.

Araw araw.

Gigising akong puyat dahil sa plates, maghahanda para pumasok, kakain sa malapit na café house sa campus, magpapasa ng plate sa faculty, uupo sa three hour lecture na klase, free-period, tutusok ng fishball sa U-gard, babalik ng klase, uuwi, gagawa ng plates hanggang madaling araw, sleep, repeat.

Sometimes I would feel myself switch to auto pilot, dahil sanay na sanay na ako sa paulit ulit na mga pangyayari sa bawa't araw na lumilipas. Tapos magugulat na lang ako na sa school na ako o di kaya sa U-gard kumakain ng miryenda.

I'm not exaggerating; I'm just describing how hectic and draining my life has been as of late. I'm sure mas nakakapagod pa kung may biglang darating na excitement sa buhay ko, pero to be honest, I'd rather have another thing on my plate if it means that I'll be having something to look forward to.

"Uh, hello?" Amber waved at me. "May kausap pa ba ako? Tusok ka na lang ng tusok ng fishball, sobra na 'yung tinutusok mo sa binayad mo. Kanina pa ako dagdag nang dagdag ng bayad kay tatay."

Tinignan ko 'yung kawali na pinagpriprituhan ng samu't saring kutkuting pantusok. Right now nagmimiryenda kami sa labas ng U-gard. May fishball, kikiam, chicken ball, squid ball, isaw, at kwek kwek. Agad ko namang inangat sa ere 'yung hawak hawak kong stick ng makitang halos mawalan na ako ng hawakan sa dami ng tinusok kong fishball.

"Babayaran na lang kita mamaya," ngumiti ako ng mapanloko. Sunod ko namang tinignan 'yung nagtitinda ng may hiya sa aking ngiti.

"Grabe na ba ang mga ginagawa niyo sa school? Tulalang tulala ka, 'nak."

"Hindi naman po nauubasan ng ginagawa sa school."

"Nako tay wala kasing love life kaya ayan emo," singit ni Amber.

Siniko ko siya ng mahina sa tagiliran. "Hindi ah! Tulala ako kasi iniisip ko 'yung susunod kong kakainin pagkatapos ng fishball. Actually nauuhaw ako." Ngumuso ako sa mga food stall sa loob ng U-gard. "Gulaman or shake?"

Amber made an unconvinced face before biting her food, letting my excuse slide. "Gulaman all the way, bestie."

Saglit ko lang inubos 'yung fishball ko bago nagpasalamat sa tindero. Si Amber naman humingi pa ng cup at nilagyan ng matamis na sawsawan 'yung kanya. Pagkatapos ay pumasok na kami sa U-gard para bumili ng maiinom. At dahil binayaran niya 'yung mga sobra kong tusok, ako na ang taya sa iinumin niya.

"Gulaman ka rin?"

Sumubo siya ng fishball bago tumango, "'yung tig-bebente sa baso."

"Sige."

Bumaba ako ng hagdan dahil sa may terrace area ang pinili niyang upuan. Maraming food stalls sa U-gard, at kung tutoosin katulad na rin nito 'yung mga food court sa mall. Ang pinagkaiba lang ay open space ito na napapaligiran lang ng metal fences na may dalawang labasan sa magkabilang dulo. It's like an eco park and a food court merged to one. Plus it's located in the middle of the nearby Universities, kaya tinawag na University Garden.

I paused from going down when I heard someone call my name. Lumingon ako sa mga lamesa kung sang may mga kumakain na estudyanteng naka-break din.

"Right here!"

I saw a tall guy waving at me near the KFC stall. He was smiling brightly and his dimples were popping at the corners of his cheeks. Naka-uniform din siya ng course niya na may kasama ring logo ng SDU.

UNKNOWNWhere stories live. Discover now