Prologue

6 2 0
                                    

Can you guess what happened in my life four years ago? Maybe five... six years ago? Well, I have a lot of lessons that I learned from that time that hurt too much when I think about it now. I had a lot of hardships, difficulties, and regrets as a teenager. That time... is the worst.

Ang daming nangyari.

“Hays! Ba't ba ganito 'to? Ayaw gumana!” Impit na sigaw ko sa sarili at yumuko. Gustong-gusto ko na ngang sipain' tong ATM machine sa sobrang inis, e! Wala na! Late na 'ko! Tatay ko kasi hindi muna nag-withdraw bago ako ipapasok dito sa public school na 'to, nakakainis!

Tinalikuran ko na ang machine at naglakad na palayo ro'n. May pera pa naman ata ako sa bag ko kaya pumara na ako ng mini bus at sumakay do'n. Kung hahanap pa 'ko ng ibang machine edi mas lalo akong na-late!

Gosh, buti na lang saktong may mini bus at may aircon dito. Ayoko sa jeep! Ang init-init ro'n, e!

Kinuha ko ang pouch ko sa bag at nag-retouch, ayokong mukha akong stress na papasok sa school 'no! Ayokong maging katulad ng ibang kaklase ko na mukhang maaasim. Like, duh! Napairap ako at napahinto ang tingin sa harap ko.

Umiwas agad ako ng tingin nang titingnan niya rin ako. Agad kong tinapos ang pag-retouch ko at umayos ng upo. Mukhang same school kaming dalawa. Obviously! Dahil pareho kami ng tatak ng uniform, shunga.

Mukha siyang matalino. Ganoon kabagay ang uniform sa kaniya. Typical naman na uniform ng lalaki yung may manggas at may collar, kulay grey at white na stripes yung mga lining at slacks naman na black at black shoes. Iyong sa'kin, fitted na palda na may slit sa likod, grey at white na stripes rin at blouse na may manggas, stripes din ang lining tapos ay may ribbon na itim sa taas ng dibdib at sapatos na may kaunting heels ang suot ko ngayon.

“Sino pa'ng hindi nagbabayad diyan, oh!” Bumaling sa'kin si Ateng mataba. “Ikaw, 'ne? Nakapag-bayad ka na ba?” Oo nga pala. I pressed my lips as I open my bag and to my surprise... wala ang wallet kong gucci! I started to panic habang naghahanap ng pera sa bag ko at buti na lang may barya pa ako sa maliit na zipper ng bag ko.

Binigay ko 'yon kay Ateng mataba.

“Kulang ng dos, 'ne. Dose na ang pamasahe ngayon.” Pinigilan kong maging iritado dahil sa tono ng pananalita niya. Parang mina-mock pa niya 'ko.

“Ate, bayad ko po...” Pagbibigay ng pera ng nasa harap ko at ngumiti pa, parang nang-aasar pa. "“Tsaka yung kulang niya po.”

“Mabuti na lang at sinalba ka nito, nako. Kun'di hindi ka makakababa rito hangga't may kulang ka,” asar pa sa'kin nito. Pinigilan ko naman ang mairita pa lalo dahil nai-stress na nga 'ko ng bongga kahit hindi pa man nagsisimula ang klase, e! Tapos may maeencounter pa 'kong ganito!

I mouthed 'thanks' to him and awkwardly divert my gaze. Nakakahiya! May mga branded akong damit at gamit pero pambayad sa mini bus, wala?! Dose na lang nag-kulang pa?!

I mentally rolled my eyes.

Maya-maya ay pumara na ang lalaki kaya bumaba na rin ako pagkababa niya. Mabilis ang lakad niya kaya mas binilisan ko pa lalo. Ang tangkad pa naman niya! Medyo malaman siya pero matangkad, ganoon! Kaya dinoble ko ang normal na lakad ko. Dahil late na 'ko 'no! Muntik ko nang makalimutan na late na 'ko at kung nasaan nga ulit yung room ko! Nung friday lang kasi ako pumasok para makita ang magiging kaklase ko at orientation lang naman kaya hindi naman na siguro mahalaga 'yon.

Pero ngayon nagsisisi akong hindi ko manlang tinandaan! Hays! Nakakairita! Panay na 'ko ikot ng ulo dito, oh! Public school pero bakit parang ang laki naman masyado sa paningin ko?! May six or seven na building sa tantiya ko. May court rin for basketball players na mukhang malapit sa canteen. Marami-raming students ang naglalakad, Junior High ata tsaka Grade 12.

Babalik na sana ulit ako sa entrance ng gate para magtanong sa guard nang pagkalingon ko ay natamaan ko ang isang tao.

“'Di tumitingin sa dinadaanan, e!” Inis kong bulong at nilagpasan siya. Dali kong pinuntahan ang guard na nakaupo doon at nagkakape na. “Kuya, nasaan yung section 3A ng grade 11?”

“Ah, anong strand ba, Iha?” sagot niya sa'kin pagkatapos niyang sumimsim sa mainit na kape.

“GAS... po.” I smiled.

“Sundan mo lang yung lalaking 'yon, oh.” Inginuso niya pa 'yon kaya tiningnan ko. Oh... Ayun yung lalaki kanina?! Yung sinungitan ko?! “Sundan mo 'yon, tinanong niya rin ang tinatanong mo kanina, e.” Tumango naman ako.

“Okay... Thanks po."

“Goodluck, iha.” Nginitian ko lang siya at tumalikod na. Sinundan ko nga ang lalaking 'yon at teka? 'Wag mong sabihing kaklase ko siya na nakasabay ko rin sa mini bus kasi... No way! He's chubby at baka maasim din siya katulad nila! No way, ha! Pero may itsura pa man din siya. I don't care.

Sinundan ko siya paakyat ng hagdan. Mukhang nalaman na agad niyang sinusundan ko nga siya dahil napatingin siya sa'kin. Naramdaman kong binagalan niya ang lakad niya kaya binagalan ko rin ang sa'kin. May karamay naman na 'kong ma-late 'no! Hindi ako mauunang pumasok sa room! Ayoko!

Huminto siya bigla at agad rin akong napahinto. Tiningnan niya 'ko nang diretso sa mata ko, ngumiti siya sa'kin.

Okay, so what?!

“Anong section mo?” tanong niya.

“GAS... 11-3A.” Bigla siyang natawa.

“Uy, pareho pala tayo!" Nagulat ako sa tono ng boses niya. Parang 5 years na kaming close. Tinanguan ko na lang siya at nauna nang maglakad. “Late na nga pala tayo hehe.” Pinakiramdaman ko lang siya habang naglalakad kami.

I realized how good our height difference were. I'm not sure. As a female, it simply felt lovely. Medyo may laman siya, moreno. He appears polite and friendly as well.

That's it.

I believe, that was my first impression to him when we first met.

"Jenine, gising!" I rolled my eyes dahil sa inis kahit nakapikit ako. Panay alog! Hindi pa nga nakakatulog yung tao, e nanggigising na agad ang hinayupak!




Update: Pasensya na kung mabilis ang usad ng kwento dahil gusto ko na pong matapos 'to HAHAHAHAHAHAHA ang dami pong nakaimbak na kwento sa utak ko, 5 years na po lahat. Kung ayaw mo po sa mabilis na kwento, hindi po ito para sa'yo. Salamat.

Between Your LiesWhere stories live. Discover now