“May naghahanap sa'yo,” sabi ni Taba nang lingunin ko siya habang masama ang tingin sa kaniya.
“Saan?!” inis akong umayos ng upo. Wala pa namang teacher nanggigising agad. Gusto ko talaga siyang pukpukin sa ulo dahil sa sakit rin ng ulo ko ay dapat maramdaman rin niya 'yon.
“Babalik daw siya mamaya, nag-pasa lang ng requirements sa office... hehe.” Siniko ko siya ng may pwersa sa labis na inis. Agad naman siyang napangiwi at hinawakan 'yon.
“E, bakit nanggigising ka kaagad?! Wala pa naman pala! Alam mo, ang sakit-sakit pa ng ulo ko!” Hinilot ko ang sintido ko sa stress sa kaniya.
“Oh, kasalanan ko ba 'yon? Ha?” Hindi ko na lang siya pinansin at nilagay ulit yung ulo ko sa mesa para matulog.
Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Bakit ba kasi alphabetically ang seating arrangement namin at sakto pang magkasunod kaming dalawa? Lauvrind. Luesta. Ang pinagkaiba lang, e sa'kin pang-mayaman, sa kaniya naman ay pang-hampas-lupa.
Nagising na naman ako nang may tumili sa tenga ko. Nakakairita naman! Alam ko na agad kung sino 'to. Ito yung fan girl na madalas akong hatakin para samahan siya sa mga concert ng idol niya, e. Kaya naman kabisadong-kabisado ko ang boses kike niyang 'yon.
Si Serene.
“Hoy, bes! Nandito na 'ko!” Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ang nakakasawa niyang mukha. Naka-straight ang buhok niya dahil nagpa-rebond ang bruha, naka-liptint at cheektint pa siya. Manang-mana talaga sa'kin ng kalandian ang bruha.
Ang dami niyang sinasabi pero tinitingnan ko lang siya. Inalog-alog niya lang ako para mag-paalam at uupo na siya sa upuan niya. Saktong dumating ang teacher namin.
“Chika tayo 'maya.” Tumango na lang ako at wala ng ganang mag-proseso pa ang utak ko dahil sa kakulangan ng tulog ko. Nakakainis! Lose streak na naman kasi, e!
“Okay lang 'yan, damihan mo na lang ng tulog sa bahay niyo mamaya,” sabi ni Taba. Napairap na lang ako at kinuha ang binibigay niya sa'king newsprint. Napapagod na ang kamay ko sa kasusulat kahit na first subject pa lang. Hay, wala talaga akong gana.
Nauna na si Taba na mag-pasa sa'kin, siniko ko siya pero hindi kagaya kanina na malakas. Tiningnan niya ako, binigay ko naman sa kaniya ang papel ko.
“Sulat mo 'ko, milktea na lang tayo 'maya.” Napailing-iling na lang siya.
“Hindi ko gamay ang sulat-kamay mo,” kunot-noong aniya.
“Okay lang 'yan, sabihin ko na lang tinamad na 'ko kaya ganyan sulat ko,“ tiningnan niya lang ang papel. “Sige na! Libre kita mamaya!” Nagpangalumbaba na 'ko at lumutang na sa kawalan ang utak ko.
“Tulog na naka-dilat, ah.” Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses niya. Tinatawanan niya ako habang pinipicture-an. Agad kong kinuha ang phone sa kaniya pero agad niya ring nilayo.
Pinanlakihan ko siya ng mata. “Never ever send that to me at baka makita mo agad si satanas.” Mas lalo niya pa akong tinawanan.
“Ay, gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon! Ang ganda namang satanas 'yon wahaha.” Inirapan ko siya at padabog na tumayo, with class. Kinuha ko ang papel para ipa-check kay Ma'am. Buti at hindi na niya tinanong kung bakit iba na ang sulat ko sa baba.
“Sabay ka ba?” tanong ko kay Taba. Lunch break na.
“Oo, e! Sabi mo ililibre mo 'ko! Sus, wala ng atrasan kapag may nagbibigay ng biyaya.” Tinanong ko lang ang dami na niyang sinabi.
Inayos ko ang buhok ko. “Whatever.” Sumunod pa rin naman siya at muntik ko nang makalimutang may kaibigan pa pala ako kung hindi ko lang narinig ang boses niya.

YOU ARE READING
Between Your Lies
RomanceJenine Yuri Lauvrind Kyro Zamiel Luesta Serene Madeline Menarez January 26, 2023 | Temporary Title Cover