“May nakita akong pogi 'te!” Bungad niya agad sa'kin pagdating na pagdating ko sa room. Talagang inukupa muna niya ang upuan ni Taba para lang maichika 'yon sa'kin!
“Sayang nga lang hindi ko nakuha yung facebook! Or number!” Nanlalaki pa ang mata niya at bumaba ang balikat sa panghihinayang.
Pumalakpak ako sa harap ng mukha niya. “Fighting spirit sa pogi activate! Activate!” panghahype ko pa sa kaniya.
“Inactive na siya 'te.” Umirap siya sa'kin.
“Serene, hindi dapat tayo sumusuko sa mga ganyang poging dahilan. Hanap ng iba! Gano'n lang 'yon! Ganda-ganda natin, e.” Nag-flip hair pa 'ko na pinatama ko sa mukha niya, ngumiwi lang siya at hinampas ang buhok ko.
“Wow, ah. Buhat sarili.” Nag-kibit balikat na lang ako at nagpangalumbaba. Kita ko si Taba sa kabilang column, nakikipag-chikahan. Kalalaking tao napakadaldal. “Basta! Kapag ayon nakita ko, hindi ko na sasayangin pa yung chance! Kukunin ko facebook no'n!” Napataas ako ng isang kilay.
“Whatever, Serene.” Nag-scroll na lang ako sa facebook ko, hinihintay siyang lumayas.
“Do you wanna build a snow man...” Pag-kanta niya habang nakatulala na sa board. Hinayaan ko na lang siya. Ano ba dapat gawin ko? Maki-duet? “We used to be best buddies. And now we're not... I wish you could tell me—”
“Huy, alis ka na diyan. Diyan ako, e,” sabi ni Taba at parang aping-api na nakatingin kay Serene.
“E, ano naman? May nakalagay bang bawal umupo dito?” Hinayaan ko na lang sila pero yung tenga ko naka-focus pa rin sa kanila. Nakalimutan kong dalhin ang earphone ko, hays!
“Simula ngayon bawal ka nang umupo diyan. Alis na. Shoo!” pang-aasar pa niya.
“Wag mo ngang inaasar yung bata,” singit ko sa kanila. Napatingin sa'kin si Serene, kunot ang noo. “Bumalik ka na nga sa upuan mo, gaga.” Hinila ko ang dulo ng buhok niya. Hinampas niya ang kamay ko at natatawa siyang ngumiwi tsaka tumayo na para pumunta sa upuan niya. Nang-aasar pang nakatingin sa'kin, buang.
Umupo na rin si Taba sa tabi ko at ewan ko ba kapag katabi ko siya, tinatamad ako. Lagi akong inaantok na ewan. Buti na lang sa first and second subject lang kami magkatabi. At anong mas mabuti do'n aber?!
Buti na lang talaga hindi nagalit sa'kin si Dad kagabi na late na akong nakauwi. Tinapos ko na lang ang assignments ko at bumawi ng tulog. Hindi na talaga ata maaayos ang body clock ko.
“May assignment ka sa GenMath?” tanong sa'kin ng President namin na nakaupo sa harapan ko, si Yena. Tumango ako bilang sagot.
“Ako rin pakopya.” Nang-uutong ngumiti sa'kin si Taba. Inirapan ko lang siya at nilabas ang papel ko sa math, binigay ko 'yon kay Yena at naki-usyoso naman 'tong lalaking 'to at may hawak na agad na papel.
Saktong dumating na ang second subject teacher namin kaya hindi na nila napagpatuloy pa ang pag-kopya dahil masungit si Sir, Philosophy ang subject. Umayos ng upo si Taba at tinago naman ni Yena ang papel ko.
Ang ending ay napalabas silang siyam na walang assignment sa third subject, which is GenMath. Natatawa lang ako kay Taba na nasa labas at pati si Yena ay naroon din.
“President pa man din pero walang gawa! Nakakahiya ang section ninyo at kayo lang ang bukod tangi sa strand ninyo na ganyan ang mga ugali!” Wala namang humihingi ng opinyon mo, Ma'am. Hindi naman porket Presidente ay exemption na siya sa katamaran. Gusto ko sanang sabihin kaso huwag na lang, makaapekto pa sa grades ko. Gusto ng Tatay ko maging achiever lagi ako, hindi naman ako nape-pressure, nacha-challenge pa nga ako kaso minsan tinatamad talaga ako.

YOU ARE READING
Between Your Lies
Storie d'amoreJenine Yuri Lauvrind Kyro Zamiel Luesta Serene Madeline Menarez January 26, 2023 | Temporary Title Cover