"Welcomeback sa akin! " Malakas na sigaw ko sa loob ng NAIA.
It's been a year since that incident happened.
Ang sakit na nararamdaman ko noon ay parang isang liriko ng paborito kong awitin na kapag napakinggan mo-hays.
Narito ako para baguhin ang nakaraan. Hindi para alalahanin. Although sabi nila na
"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan‚ ay hindi makararating sa paroroonan."
Pero masisisi n'yo ba ako? Kung ganoon lang din naman kasakit ang nadulot ng nakaraan at kung nasa posisyon ko kayo baka masabi n'yo na lang—
"Sana hotdog nalang din ako‚ para kaya ko na 'to‚" bulong ng babae sa gilid ko habang nakatingin sa mga maletang nasa harapan niya.
"AYON‚ NADALI MO!" Nakangiti habang naka thumbs up na sabi ko sa kanya.
Hinila-hila ko ang gamit ko palabas ng NAIA para pumara ng taxi.
Unlike sa ibang pasahero‚ may sundo sila. Wala akong sundo kasi walang may-alam na darating ako.
Para saan pa?
Napadala ko na lahat ang package ko rito sa Pilipinas. Ang tanging dala ko lang naman ay ang dalawa kong luggage bag at isang maliit na pouch. Pero iba parin 'yong feeling kapag sinundo ng mahal mo sa buhay.
Napansin ko na napakaraming pinag-bago simula no'ng umalis ako.
Natatandaan ko pa ang sinabi ko bago ako sumakay ng eroplano.
"Bye‚ Philippines! More pollution to come! "
Natawa ako sa aking isip habang inaalala iyon.
Aba't parang dumami nga‚ sa 5 years na iyon ang mga gusali ay pawang itinumpok. Pero masaya naman ako sa pagbabago at least may changes. Who wouldn't thought na may igaganda pa pala ang bansang kung dati ay puro tricycle lang at jeep ang sinasakyan, ngayon mas marami na ang nag t-taxi.
Speaking of taxi. Bahagya nang makausad ang taxi na sinasakyan ko. Ito ang cons ng pag kakaroon ng maraming sasakyan‚ hindi maubos-ubos na traffic. Hahays.
"Hi Ma'am‚ welcomeback po sa Pilipinas!" magiliw na bati Manong driver na nag mamaneho ng sinasakyan kong taxi.
"Salamat po. Alam n'yo Manong‚ if I'm not mistaken. Pamilyar iyang boses n'yo... parang narinig ko na noon?" kunot noong sabi ko.
Natatawang humarap sa akin si Manong.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha niya.
"Omg! Sabi ko na nga ba‚ Manong Raul ikaw iyan eh! Grabe coincidence po ba ito? " Natatawang wika ko rin.
"Nagulat din ako hija nang nakita kita‚ isipin mo sa loob ng limang taon‚ ako pa rin ang masasakyan mo, hindi nga lang pa puntang airport‚ pauwi naman," may pait ang ngiting iginawad sa akin ni Manong Raul sa rare view mirror ng sasakyan.
Oo nga pala‚ masyado akong nasiyahan. Isa siya sa nakasaksi ng bangungot sa buhay ko.
Natahimik ako sa habang lumilinga-linga sa paligid.
Ang mainit na sikat ng araw at ang mabagal na daloy ng mga sasakyan.
I was about to ask Kuya Raul something when my eyes landed on a big picture—no a poster naka kabit sa isang kilalang tower sa Pilipinas. Isang malaking litrato ng taong hindi ko makakalimutan, na kahit anong gawin kong iwas ay hindi ko maiiwasan.
"Ang daming nag bago‚ hija. Noong araw na umalis ka‚ na disbanned ang banda nila. Nag quit ang pinaka leader‚ hindi ko alam kung sino, pero sabi sa narinig ko ay ang vocalist nila‚" Saad ni Kuya Raul na nakatingin narin pala sa kung saan ako nakatingin.
Ang sakit na akala ko'y tuluyan nang nawala ay paulit-ulit na bumabalik.
Ngiti lang ang iginawad ko kay Manong Raul‚ hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin dahil kahit sa kanya ay nahihiya ako.
"Pero hija‚ huwag kang magsisi sa ginawa mo. Wala kang dapat pag-sisihan. Kung meron mang dapat magsisi. Sila iyon. "
Muli akong sumulyap sa poster kasabay nang mga luhang akala ko'y ubos na...
Kung hindi sana ako naduwag...