“Hoyyy, Sisa!” Malakas na sigaw ng kaibigan kong si Zel.
Naririnig ko sila ni Nilen na tumatawa habang tinatawagan ako, pero ayokong lumingon. Maka-Sisa ampotek.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad na parang wala akong naririnig. Bahala sila.
Isang malakas na tampal ang lumatay sa aking braso.
“Bruha ka talaga. Alam ko na rinig mo kami pero hindi namamansin ampucha. Akala mo talaga virgin???” Halos pasigaw na litanya ni Zel kaya napatingin ako sa paligid dahil sa huli niyang sinabi.
“Tarantado ka, virgin ’to huy!” Depensa ko sa aking sarili at tinaasan niya lamang ako ng kilay.
Pasimple kong inikot ang aking mata sa paligid at nakita ko ang iilang mata na nakatingin sa amin
"Gago talaga," bulong ko sa aking isip.
“Ba't parang pagod na pagod kayo eh ang lapit naman no'ng tinakbo niyo? ” Takang tanong ko sa dalawa.
“Oy, nga pala! Tita, kwento mo na,” si Zel na ngingiti-ngiti kay Nilen.
Pabiro lang siyang tinawanan ni Nilen.
“Ano, 'te?” Kunot noong tanong ko.
“Diba may nag-add sa ’yo na taga STEM? ’Yung basketball player na sinigawan mo kasi natamaan ka ng bola last intram?” Kinikilig na lintanya ni Nilen.
Minsan lang si Nilen maging ganito kaya tumatango tango na lang ako, pero ang totoo ay hindi ko talaga alam kung sinong sinasabi niya at wala rin akong maalala.
“Anong meron?” Kunwari ay intiresanteng tanong ko.
“GIRL, KINUHA SIYANG VOCALIST NG ELEMENTAL BAND!” Sabay na sigaw ng dalawa.
“Ahh? Ok?” Tanging nasagot ko.
Ang totoo niyan ay kilala ko ang Elemental Band. Magaganda ang kanta nila, pero hindi ako fan ng genre na rock, mas prefer ko ang pop or alternative, ’yong mga kanta ng Cup of Joe ang nakahiligan ko.
“Yon lang sagot mo, 'te?? Famous ka?” Mataray na may tonong saad ni Nilen.
“Korek! Grabe ka, ini-accept mo rin naman, Sisa. Ini-eme mo pa kami!” Naiiling na may pang akusang boses ni Zel.
Natatawa na lang ako sa dalawa. Ang hilig nilang pakealaman ang buhay ko, wala ba silang activities na kailangan ipasa? Hahays.
Dumiretso na lang ako sa paglalakad. Siguro naman ay mananahimik na sila kung hindi ko na papansinin.
Mabuti na lang at hanggang sa cafeteria ng school ay tahimik na sila.
“Tita, balik na kami ni Zel sa room. Ikaw ba?” Tanong ni Nilen na ngayon nakaharap na sa telepono niya.
“Go lang. Dito muna ako, mamaya pa namang 1pm ang klase ko sa research, saka may deadline ako na article today. Tatapusin ko lang ito rito, tahimik pa, e.”
Bumeso lang ang dalawa at umalis na rin. Hindi ko na sila inihatid, pero inihatid ko naman sila ng tingin, at no'ng malayo na ay ibinalik ko na ang aking paningin sa aking ginagawa.
Isa ako sa campus journalist ng school at hindi biro iyon pero na-e-enjoy ko naman. Sabihin na natin na stressful ’yon lalo na at isa rin akong classroom President at sa kagaya ko na hindi alam kung saang category talaga dapat ilagay dahil minsan ay writer, madalas ay radio broadcaster, mahirap na masaya kaya talagang hinahati ko ang oras ko, at pag may pagkakataon na gumala ay ine-enjoy ko talaga ang bawat segundo. Graduating na rin kami sa susunod na buwan kaya hindi puwede ang pa chill-chill lang.
“Hi, you're Sisa right?”
Naputol ang aking ginagawa at napatingin sa nagsalita sa harap ko.
Ang gago na 'to nakiki-Sisa, close ba kami, ha???
Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Alam kong gwapo itong nasa harap ko, mukhang mayaman. Sa suot niyang medyo hapit ang uniporme sa bandang balikat ay malalaman mo agad na malaki ang katawan. ’Yong mga tipo ng ibang mga babae ngayon na babad sa gym. Alam ko na hindi ko siya kaklase dahil sa nakasulat na pangalan sa bandang kaliwa ng kaniyang dibdib at sa ilalim noon ay ‘STEM’
Bradfrizx Kazhmr
“Oh, S-sorry! Hi, I'm Kazh as you can see. And the Sisa, is it your name? Narinig ko lang na tawag sa ’yo ng kaibigan mo, so I assumed na ayon ang name mo.” Para siyang natatae na hindi ko maintindihan kaya tumango na lamang ako.
Alam ko rin kung bakit siya lumapit, nag chat si Mrs. Lauriz, instructor ng STEM department at hinihingi niya na ang article na ginagawa ko. Mabuti na lang at tapos na.
Tiningnan ko siya at nakatayo parin. Hindi niya ba sasabihin kung nasaan si Mrs. Lauriz? Ang weird.
Naiiling na lang akong tumayo at niligpit ang gamit ko.
Akmang aalis na, ngunit may kamay na humawak sa aking braso.
Si Kazh.
“W-wait. Where are you going?”
Hindi ko na siya sinagot. Tnalikuran ko na siya at palihim na natawa.
“Weirdo...,” bulong ko sa aking isip.