Mula noong umalis ako sa harap ni Kazh ay nakasunod parin siya sa akin. Kanina pa ako lakad nang lakad pero sunod parin siya nang sunod.
“Napipikon na ako.” Bulong-bulong ko sa isip ko.
Tumigil ako sa paglalakad at sa pagtigil ko ay muntik na siyang matumba, mabuti na at nabalanse niya ang sarili niya. Pakiramdam ko’y nagulat siya na tumigil ako.
Hinarap ko siya nang nakahawak ang isang kamay strap ng backpack kong bag at isa ay nasa bewang.
“Alam mo ba kung nasaan si Mrs. Lauriz?” Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong problema ng isang ’to at namula bigla ang pisngi.
Natatae ba ’to or what?
“Ehem!” Dagdag ko pa.
“Ahh Haha! Ang totoo niyan lumagpas na tayo kanina pa sa kung nasaan sila, e.” Kamot batok niyang sagot sa akin.
WHAT? At hindi niya manlang sinabi sa akin? Kanina pa ako linga nang linga, lakad nang lakad tapos??? AAAAAAH!
“Breathe in, breathe out, Say. Patience is a virtue, remember?” Pagaalo ko sa sarili ko sa aking utak.
“Hahahahaha! Cute mo, grabe! So?? Nasaan si Mrs. Lauriz?” May pekeng tawa kong sabi, kunwari hindi ko siya sinasakal sa utak ko.
Ngumiti siya sa akin. Ako naman ay kunot na kunot ang noo.
Lintek na ’to, nakuha pang ngumiti??
“Between the music room and publication office.” Sagot naman niya.
Tanging tango na lang ang naisagot ko at naglakad na ulit.
Si Kazh? Ayon nakasunod pa rin habang pana'y ngiti at kaway sa mga nakakasalubong o tumatawag sa kaniya.
“Naks, naman si lover boy pala ’to, eh. Hindi na siya mahina, oh!” Sigaw noong isang taga STEM department din. Siguro ay isa sa mga kaibigan niya.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Kazh kung bakit humagalpak ng tawa ang lalaki na sumigaw at ang mga kasama niya.
Bakit hindi ko alam? Malamang nasa likod ko siya, beh.
Hanggang sa makarating ako sa sinasabi ni Kazh ay nakasunod siya. Puwede na nga siyang maging anino, e.
Isang beses lang ako kumatok at agad naman ay pinagbuksan ang pintuan na parang may inaasahan talaga silang dadating.
Pagpasok ko ay nandoon ang ibang teachers kasama ni Mrs. Lauriz kaya ngumiti ako. May meeting siguro sila.
“Hello, Sabel. Pasensya na at naistorbo ko ang lunch mo, ’nak, ah. ” Si Mrs. Lauriz na ngayon ay nag stapler ng mga papel.
“No worries po, Ma’am. Ito po pala ang article, Ma’am. Bale na proofread ko na rin po iyan.” Nakangiting wika ko. Akala mo talaga hindi napagod, buti na lang malamig sa office na ’to.
“Thank you, ’nak Isabel. Sa' yo rin, Kazh, salamat sa pagtawag kay Sabel. Pasensya na sa abala.” Si Mrs. na ngayon ay nakatingin sa tao sa likod ko.
Muntik ko na siyang makalimutan, ah.
“No problem po, Ma'am. Lakas niyo sa akin, e” Pagbibiro nito.
“Hmmm? Duda ako kung si Teacher Lauriz ba o si anek!” Hirit ni Sir Pat kaya nagtawanan ang mga teachers.
Hindi ko sila maintindihan kaya napagisipan kong magpaalam na, malapit na rin mag 1pm.
“Uh, Ma'am? Una na po ako, ah, may class pa po kasi ako sa research kay Ma'am Abel, e. Salamat po ulit.” Nakangiting paalam ko.
“Sige, 'nak. Salamat ulit!”
Palabas na ako ng pinto nang magsalita rin si Kazh na aalis na rin daw siya.
Sana naman ay hindi na niya ako sundan...
Kapag minamalas ka nga naman, talagang nakasunod parin siya.
“Ano bang problema ng taong ’to???”
“Excuse me lang, Kazh ah. Sinusundan mo ba ako? Ayoko kasi ’yung may sunod nang sunod sa akin, e. Please lang.” Napipikon na sabi ko.
Kunot ang noo niya akong pinagmasdan.
“Oh? I-i didn’t. Hindi kita sinusundan, Isabel. Actually ito ang daan papunta building namin...” Sabi niya sabay lingon sa paligid na parang may hinahanap tapos ay may itinuro. Sinundan ko ang kamay niyang nakaturo.
“...and there, doon ang building ng HUMSS department. I think nalito ka lang. But anw, sorry about sa pag sunod sunod ko kanina. See you around, Isabela Gwynne? Bye, pretty!” Mahabang litanya niya.
At ako? Naiwan na namumula sa kahihiyan.
“ILUSYONADA KA TALAGA, SISA! BWISET!”