ABEGAIL POV:
"Kuya umuwi kana po nag aalala na po kami sayo nila mama."
Sinabi ko rito ng nakasalubong ko siya sa campus ngunit parang wala itong narinig sa aking sinabi sapagkat nilagpasan lang ako nito na parang hangin pero hindi parin ako titigil hanggang sa umuwi na siya sa bahay.
"Kuya please umuwi kana po."
Ngunit hindi parin ako nito pinansin dahil nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad kahit na nagsisigaw na ako dito tuloy parin siya kaya hindi ko na napigilan ang aking mga luha dahil sa sakit ng ginagawa niyang hindi pagpansin sakin.
"shhh tahan na uuwi rin yun sainyo pag malamig na ulo niyo sa ngayon hayaan niyo muna siyang magpalamig ng kanyang ulo."
"Salamat Jace,siguro tama ka kailangan muna niyang magpalamig ngayon kaya hayaan muna namin siya sa ngayon."
FLASHBACK
Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto ng may marinig akong nagsisigawan sa baba at dahil sa kabang naramdaman ko agad agad akong nagtungo doon upang tignan kung anong nangyayari ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari nasapak ni papa si kuya.
"Papa!Kuya!."
"Ano pong nangyayari dito Kuya?"tanong ko rito.
"Bat hindi mo tanongin ang magaling mong ama."Sabi ni Kuya na nagpagalit kay Papa.
"Bastos kang Bata ka ah."Galit na Galit na sigaw ni Papa.
"Kuya please tama na po."umiiyak kong sabi sakanila.
"tsk."sabay labas ng bahay.
End of flashback
Kasalukuyang akong makikinig sa discussion ng aming prof ng bigla ko nanamang naalala ang hindi pagpansin sakin ni Kuya na para bang hindi ako nito kilala kaya nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso sa hindi ko malamang dahilan.
"Pst Gail huwag mo nang isipin yun sure akong hindi karin matitiis ng Kuya mo."
Sa gulat ko sa bigla niyang pagsalita bigla akong napatayo ng wala sa oras.
"Yes Ms. Lexington,Pwede mo bang sagotin ang problem dito sa harap?"
Rinig kong sabi ng aming Prof kaya wala na akong nagawa pa kundi isolve ang problem.
Habang sinasagotan ko ang problem sa harap ay may biglang nagtawag kay Prof ngunit hinayaan ko nalang ito at pinagpatuloy ang aking pagsagot at ng matapos na doon ko lang tinignan kung sino ang nagtawag kay Prof at sa Hindi ko inaasahan nakita ko si Kuya na nakatitig sakin magsasalita na sana ako ng bigla akong tawagin ni Matt kaya Hindi kona naituloy ang sasabihin ko kay kuya at naglakad nalang palapit kay Matt.
"Bakit?"agad kong tanong rito pagka lapit ko.
"ahm tatanongin ko lang sana kung may kasama kang kakain mamaya para sana sabay nalang tayo pagwala."nahihiya nitong sabi.Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita.
"May kasama siyang kakain mamaya at ako yun kaya kung ako sayo hanap ka nalang ng iba."rinig kong sabi ni Kuya.
"Kuya Ikaw pala,anong ginagawa mo dito wala kabang klase ngayon?"tanong ko rito.
"Lunch time na puro ka kasi landi eh tsk."Sabi nito na naging sanhi ng pagkirot sa puso ko kahit na hindi naman ito totoo kaya agad agad kong hinila si Matt palabas dahil Galit ako sa sinabi ni kuya sakin na puro ako landi.
Habang naglalakad kami ni Matt narinig ko pang tinatawag ako ni kuya ngunit hindi ko ito pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami.
Pagkarating namin ni Matt agad agad kaming nag order ng aming kakainin pagkatapos naming mag order agad agad na kaming naghanap ng mauupuan namin.
Habang kumakain kami ni Matt may bigla nalang naglapag ng pagkain sa lamesa namin kaya pinabayaan ko nalang ito dahil amoy palang ng pabango niya alam ko na kung sino ito.
"Gail,sorry na patawarin mo na si Kuya please."rinig kung sabi nito kaya agad ko naman itong tinignan.
"Sa Isang kundisyon."Sabi ko rito.
"Ano yun?"tanong nito.
"Uwi kana sa bahay."Sabi ko rito na nagpa tahimik sakanya.
"Sige kung ayaw mo pwede kanang lumipat ng upuan."Sabi ko rito bago ko ipagpatuloy ang pagkain.
"Sige uuwi ako."rinig kong sabi niya kaya agad akong napaharap sakanya ng hindi makapaniwala.
"Weh,hindi nga uuwi ka talaga."masaya kong sabi rito.
"Oo,sa isang kundisyon."Sabi nito.
"Ano yun?"tanong ko.
"Patawarin muna si Kuya at;"Sabi nito habang lumalapit ang kanyang mukha saakin."Lumayo ka sa lahat ng lalaki dito dapat sakin kalang lumapit naiintindihan mo ba."bulong nito sakin kaya bigla akong tumango.
"Good."Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
In Another Life
RomancePaano kung nagkagusto ka sa Isang myembro ng pamilya mo ng hindi mo inaasahan magagawa mo pa kaya itong pigilan o hahayaan mo nalang? Yan ang palagi kong tinatanong sa mga kaibigan ko na hindi rin nila kayang sagotin kagaya ko dahil sat'wing nakikit...