"Hindi ako aso kuya kaya huwag mo ako ma good good dyan tss."pagtataray ko rito.kainis ginawa pa talaga niya akong aso eh kung siya kaya gawin kong aso tignan natin kung hindi siya maiinis.
"Aysus nagtataray nanaman ang bebe nayan HAHAHAHA."asar nitong sabi saakin na nagpapula naman ng aking pisnge.
"Oo na Kuya,sige alis na kami at baka malate pa kami."Sabi ko rito at tuluyan ng umalis at baka mahalata pa niya ang pamumula ng aking pisnge.
~
Uwihan na namin kaya agad agad na akong lumabas at pumunta sa may gate upang hintayin si Kuya kasi gaya nga ng sinabi niya uuwi na siya kaya sobrang excited ko.
Sa Hindi kalayuan natanaw ko na si Kuyang papalapit kasama ang hindi ko kilalang babae at kitang kita ko sa mga mata ni Kuya kung gaano ito kasaya habang kausap ang babae at sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng kirot hindi dahil sa hindi niya ako pinansin o sinabihan niya ako ng puro landi kundi hindi ko alam kung bakit ko nalang ito naramdaman siguro ngayon ko lang nakita si Kuyang ganyan kasaya ng hindi ako o kami ang dahilan kung ano man yun hinayaan ko nalang.
"Kanina kapa ba dyan?"tanong ni Kuya sabay tingin sa babaeng kasama niya.
"Ah hindi naman po Kuya."sagot ko rito ngunit parang hindi niya ako narinig dahil busy nanaman siya sa babaeng kasama niya kaya iniwan ko nalang sila at naunanang sumakay sa taxi na huminto tss..bahala na siya dyan at mukhang hindi naman ako hahanapin dahil masyado siyang busy sa kausap niyang babae.
Habang naka sakay ako sa taxi pauwi bigla nalang sumakit ang aking bandang may dibdib at sa sobrang sakit nito halos hindi na ako makahinga ng mabuti kaya bago pa ako mawalan ng malay narinig ko pa si manong driver na tinatanong kung anong nangyayari sakin ngunit hindi ko na ito nasagot pa dahil tuluyan ng nandilim ang aking paningin.
~
Pagmulat ko sa aking mga mata agad na bumungad ang puro puti kaya nalaman ko naman kaagad kung nasaan ako.
"Hija kamusta pakiramdam mo?"anong ni manong driver kaya agad akong napalingon sakaniya.
"Okay na po ako manong salamat po sa pagpunta niyo sakin dito siguro kung wala po kayo baka po wala na po ako kaya maraming salamat po manong."Paghingi ko rito ng pasasalamat dahil sa ginawa niya dahil kung ibang tao siguro yun hinayaan na niya ako at hindi lang yun baka pagsamantalahan pa niya ang aking kahinaan.
"Walang anuman Hija Basta magpagaling kalang sa sakit mo okay na ako dun,nga pala Hija alam na ba ito ng pamilya mo?."tanong ni manong na agad kong ikinatahimik.
"Hindi pa po manong at ayaw ko na pong dumagdag sa problema nila."Saad ko rito ng sobrang tahimik yung saktong kami lang yung nakakarinig.
"Hija hindi naman sa nakiki alam ako pero mas mabuting ipaalam mo sakanila para saganun hindi sila mag alala sayo at huwag kang mag isip na dagdag kalang sa problema nila dahil alam kong mahal na mahal ka ng pamilya mo at kahit kailan man hindi ka naging dagdag sa problema nila."Sabi ni manong na nagpaiyak sakin ng tuluyan dahil natatakot ako ayaw ko pang mawala marami pa akong gustong gawin para masuklihan ang paghihirap ng mga magulang ko samin para lang makapagtapos kami ng pag aaral.
Habang pinapatahan ako ni manong sa pag iyak yun naman ang pagpasok ng doctor na parang sa tingin ko mga tatlo lang ang gap ng edad nila ni kuya.
"Good evening Ms. Lexington hindi ko na ito patatagalin pa aware ka naman sigurong may sakit ka sa puso;"Saad nito na ikanatango ko"Ang sakit sa puso mo ay sobrang lalana na maaaring maging sanhi ng pagka matay mo anomang Oras kaya habang may Oras pa maghanap kana ng magiging heart donor mo at ang kaisa Isang bawal sayo ay umiwas ka sa sakit sa kahit anong sakit na magiging sanhi ng panghihina ng tuluyan ng puso mo at huwag karin mag alala dahil papasok ako sa pinapasokan mo para mabantayan kita sa bawat Oras."Sabi nito ng sobrang haba kaya tumango nalang ako at nagpaalam na sakanilang uuwi na ako at baka nag aalala na sila saakin.
Tulala akong naglalakad papalabas ng Hospital kaya hindi ko namalayang may mababangga na pala ako kaya agad akong humingi ng paumanhin bago nagtuloy tuloy.
Ng dahil sa mga iniisip ko hindi ko namalayang naka uwi na pala ako.
"Gail saan ka ba nagpupunta anong Oras na oh next time huwag kang aalis bigla bigla at sana man lang tumawag ka o magtext manlang kung asan ka para hindi kami mag alala ng ganito."Sabi ni Kuya sa nag aalalang tuno ngunit hindi ko ito pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
"Gail anak okay kalang ba?"tanong ni Mama kaya tumango lang ako at naglakad ulit papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko palang sa loob agad ng nagsilabasan ang kanina ko pang pinipigilang luha dahil hindi ako makapaniwalang lumalana pala ang sakit kong akala ko'y matagal ng wala dahil sa hindi ko na ito naramdaman pa kahit kailan ngunit nagkamali pala ako dahil sa pagiging kampanti ko sa sakit ko mas lalo itong lumala na maaari kong ikamatay ano mang oras ano ng gagawin ko ayaw ko pang mamatay.
Dahil sa pagod sa pag iyak hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
~
Pagka gising ko agad na akong nagpuntang banyo para gawin ang aking morning routine at habang ginagawa ko ito agad ko nanamang naalala ang sakit ko.
Siguro gagawa nalang ako ng sulat para kahit may mangyaring masama sakin mababasa nila kong gaano ko sila kamahal at malalaman nila ang dahilan ko kung bakit ko itinago sakanila ang sakit ko at siguro naman maintindihan nila ako kaya habang may Oras pa ako gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang sila.
Pagkatapos ko gawin ang sulat agad ko itong itinago sa loob ng aking drawer tsaka ako lumabas sa aking kwarto.
~
Pagkarating ko sa kusina agad ko silang nakitang naghahanda na ng aming kakainin kaya agad na akong lumapit dito at umupo para maka Kain na ako dahil hihintayin ko pa si doc para malaman ko kung may mga gamot ba akong dapat na bilhin.
"Gail okay kalang ba?ang tahimik mo ata ngayon?"tanong ni Kuya
"Ah okay lang ako."sagot ko rito bago tuluyang kumain.pagkatapos kong kumain agad na akong nagpaalam sakanila na mauuna na ako dahil may gagawin pa ako sa school.
BINABASA MO ANG
In Another Life
RomancePaano kung nagkagusto ka sa Isang myembro ng pamilya mo ng hindi mo inaasahan magagawa mo pa kaya itong pigilan o hahayaan mo nalang? Yan ang palagi kong tinatanong sa mga kaibigan ko na hindi rin nila kayang sagotin kagaya ko dahil sat'wing nakikit...