CHAPTER 4

1 1 0
                                    

Tama nga ang sinabi ni Matt na kanina pa ako tinatawag ng prof namin kaya noong nagtama ang mga mata namin tsaka niya ulit tinawag ang aking last name.kaya agad akong nagtaas ng aking kamay para malaman niyang hindi ako absent.

Ng tapos na niyang tawagin lahat nagsimula na siyang nagdiscuss hanggang sa natapos na ito kaya agad niyang nilibot ang kanyang mga mata upang ipasagot ang mga nasa harapan.

"Mr.Reyes maaari mo bang sagotan ang mga problem sa harapan?"tanong nito na agad naman nitong ikinailing  sa sinabi ni prof at ng dahil sa ginawa nitong pag iling nakarinig siya ng matinding sermon rito na puro kasi sila daldal ni Hindi pala naiintindihan ang mga diniscuss niya.

Pagkatapos nitong manermon agad nanaman itong naghanap ng magsasagot kaya agad akong yumuko para hindi niya ako tawagin dahil sa tinatamad akong tumayo sa harapan ngunit kung sineswerte nga naman. ako pa ang natawag para sumagot sa harapan kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at sagotan nalang.

Habang sinasagotan ko ang mga problem, may ipinagawa siyang activity sa mga ito at hindi ako kasali doon dahil may sinasagotan rin ako.akala ko lumabas siya ngunit naramdaman ko nalang na may humawak saakin sa bewang.

"Okay kalang ba Gail?"tanong nito malapit sa aking Tenga kaya agad naman akong nakaramdam ng kiliti at panlalambot ng aking mga tuhod sa ginawa niyang pagbulong.

"I'm asking you Gail." Bulong ulit nito kung hindi lang siguro siya naka alalay saakin sa likod kanina pa ako napa upo.

"Okay lang naman ako Rim."mahina kong sabi sabay layo ng kaunti sakaniya dahil baka makita kami ng mga kaklase ko.

"Maaari kanang lumabas para kumain at pagkatapos mong kumain pumunta ka sa office ko para uminom ng gamot okay."Sabi nito ng mapansin niyang tapos ko na sagotan ang ipinapasagot niya kaya tumango nalang ako at hindi na nagsalita at tuloy tuloy ng lumabas dahil gaya nga ng sinabi niya iinom pa ako ng aking gamot.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria nakita ko si Kuya at ang babaeng kasama niya kahapon kaya hinayaan ko nalang silang maglandian dyan dahil maghihiwalay din sila dahil duh walang poreber tss..ngiting ngiti pa ang hali na yun Isa rin ang bunot kong kuya edi kayo na masaya matangal sana mga ngipin niyo.bahala na nga kayong magngitian dyan basta ako kakain na.

Pakain na sana ako ng may bigla nalang umupo saaking harapan kaya agad ko naman itong tinignan.

"Tapos kana?"tanong nito na ikinasimangot ko.

"Pakain panga lang eh ng bigla bigla ka nalang umupo dyan hindi tuloy natuloy ang pagsubo ko dahil kailangan ko pang alamin kung sino ang pangahas na bigla bigla nalang umupo sa harapan ko."Sabi ko rito na ikinangiti niya lang...Ang pogi mine na kita hayst kung ano ano naiisip ko makakain nanga bago pa si Doc ang maisipan kong kainin.

"Sige Kain kana dahil mag oorder din ako ng akin,may gusto ka pa bang kainin?"tanong nito.

"Opo,Ikaw ang gusto kong kainin, okay lang ba?"Sabi ko rito na ikinatawa naman niya.

"Sure, let's go."Sabi nito ng may nakakalukong ngiti na ikinapula ng aking mukha.

"Hala Doc joke lang Bata pa ako promise I'm inosente HAHAHA."Sabi ko rito..na ikinasimangot niya ngunit saglit lang dahil agad agad rin itong ngumiti.

"Doc nanaman sabing Rim nalang eh."Sabi nito ng nakasimangot sabay alis upang bumili ng kaniyang makakain.. kaya nagpatuloy na ako sa pagkain dahil iinom pa ako ng aking fuckining gamot.at saktong patapos na akong kumain ng  dumating si Rim na nakasimangot parin kaya hindi ko na mapigilang mapangiti dahil ang cute niya sa ginagawa niyang pagsimangot.

"Ngi-ngiti mo dyan.kumain kana nga."Sabi nito ng hindi parin nawawala ang pagka simangot kaya hindi ko na napigilan at napahalakhak nalang ako ng malakas sabay kurot sa kaniyang mga pisnge kaya napatingin naman ito saakin ng nakangiti sabay hawak saaking kamay   para alisin at siya naman ang humawak sa aking mga pisnge.

"Tignan mo oh pinagtitinginan kana ng mga tao ang cute mo kasi masyado."Sabi nito ng nakangiti kaya namula naman ako dahil tama ang kaniyang sinabi na pinagtitinginan nanga talaga nila ako kaya hindi ko na mapigilang mapayuko dahil sa hiyang nararamdaman ko.. ngunit agad ko rin naitaas dahil sa narinig kong halakhak niya.

"Hayst ang ganda mo."Sabi nito sabay tuluyang kumain...habang kumakain ito Hindi ko naman mapigilang mapatitig sakaniya dahil kahit na pagsubo ng pagkain ang pogi parin niya ang ganda rin ng kulay ng kaniyang mga mata dahil sa sobrang asul nito parang nakatitig kalang sa dagat ang tangos rin ng kaniyang ilong at ang kissable nitong labi na napaka sarap halikan.

"Staring is rude pero kung Ikaw lang din naman why not basta ba saakin kalang ganyan."Sabi nito ng napaka seryoso.hinayaan ko nalang dahil wala namang malisya ang mga pinagsasabi niya at tsaka ayaw kong mag-assume dahil sinabi niya nga na ayaw lang niyang isipin namin ang aming mga sakit kaya niya yun ginagawa kaya mas mabuting umiwas nalang muna ako sa magdudulot saakin ng sakit na maaari kong ikamatay ng mas maaga.

"Tara na dahil nasa office ko ang mga gamot mo."Sabi nito sabay tuluyang tumayo kaya tumayo narin ako at sinundan siya palabas...habang naglalakad kami patungo sakaniyang office ay may nakita akong kumpulang studyante at ng dahil sa kuryusidad ko agad akong nagtungo doon upang silipin kung anong meron  kaya ganito nalang karami ang kumpulan..hindi ko inaasahan ang aking nakita dahil ang aking nakita lang naman ay ang bunot kong kapatid at si haliparot na naghahalikan na para bang wala ng bukas kulang nangalang maghubaran na sila sa harap ng maraming tao eh at ang nakakainis pa ay dito pa talaga nila naisip gawin sa loob ng university hindi na sila nahiya at itong haliparot naman na ito gustong gusto naman niya.

"Ano ba Kuya dito pa talaga ninyo naisip gawin yan maygad nakakahiya kayo itinatakwil na talaga kitang kapatid bahala kana dyan basta iisipin ko nalang na hindi kita kilala kaya maghalikan lang kayo dyan geh bye."ng dahil sa ginawa kong pagsasalita ay agad naman silang napatigil sakanilang ginagawa at kitang kita ko naman sa mukha ni kuya na parang natatakot siya dahil nahuli ko siya sa ginagawa nila ngunit hinayaan ko nalang siya at tuluyan ng umalis tss.. mapagalitan sana kayo para dsurb haharot niyo kasi makapunta nanga kay Rim myloves dahil baka kanina pa siya naghihintay sa beauty ko.

"At Saan ka naman napadpad kaya ngayon kalang?"bungad nitong tanong na may pataas pang kilay effect..

"Dyan lang."Sabi ko dito tsaka tuluyang pumasok sa loob dahil kabubukas ko palang kanina ng pintuan ng bigla nalang siya nagtanong.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Another Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon