CHAPTER ONE

54 5 3
                                    

CHAPTER ONE

Kinagabihan ng araw na iyon, nagising na ang binatilyong napadpad sa lugar na puno ng misteryo. Nanibago kaagad ang kanyang likod dahil sa lambot ng hinigaan niya. At nang siya ay maupo sa kama, niligid niya ng tingin ang kabuuan ng silid.

Napahinto ang tingin niya sa lalaking nakatalikod at nakaupo sa harap ng lamesahan na tabi rin ng bintana. Tila abala rin ito sa pag-aayos ng kung anong bagay.

Kirvey, the golden-haired boy, attempted to push himself up, but the throbbing pain in his fresh wounds and the sight of his own scarred flesh forced him back down. He slightly grunts when he felt the pain.

“If I were you, I’d stay on the bed.” umigtad siya sa gulat at inangat ulit ang tingin sa lalaking nakatalikod subalit naabutan na niya itong nakatayo mismo sa kanyang harapan. “I’m Lunrhyx, a red heim.” pagpapakilala nito.

He extend his hand to reach Kirvey’s yet the golden-haired boy seemed confused. Kaya hinayaan na lamang iyon ni Lunrhyx at ibinalik sa bulsa ang mga kamay nito.

Tumikhim si Kirvey at sinubukang muli na makatayo. Nagtagumpay naman siya sa pagtayo, ngunit hirap pa rin ang buong katawan niyang makatagal. Lunrhyx carefully reached for his elbow to help him steady. “Huwag mong pilitin. Baka bumuka ang iba mong sugat na bagong tahi pa lang.” suway ulit ng binata sa kanya pero mahinhin ang boses nito.

“S-Salamat…” unang bigkas niya na salita matapos siyang alalayan ng binata paupo sa silyang katabi lang din ng kama na pinanggalingan niya. Nahihiya man ang kanyang pagkatao ay nilakasan niya ang loob upang itanong kung paano siya napadpad dito.

“Puwede ko po ba malaman kung paano ako napunta rito?” panimula ni Kirvey. “W-Wala kasi akong… m-maalala.”

Binaba ng binata ang suot nitong salamin sa lamesahan at pinagkrus ang mga braso, “Hindi mo ba naaalala ang nangyari bago ka mapadpad dito?” ibinalik nito ang tanong sa kanya kaya’t namipi kaagad siya at inaalala ang posibilidad na dahilan kung paano siya napunta sa ganitong lugar.

At ano nga ba ang lugar na ito? Bakit niya ngayon kausap ang isang nilalang na may tinataglay na kakaibang wangis.

Napansin kasi niya ang kulay dilaw na mata ng binata, pati na ang nag-iisang puting buhok nito sa harap. Hindi siya puwedeng magkamali, dahil mukha ring tao ang anyo nito at nagsasalita rin.

Puwes, maaaring siya ay nasa kalagitnaan lamang ng panaginip. Pero paano niya mapapatunayang isang panaginip nga ito kung ang hapdi at kirot galing sa mga sugat niya ay masyadong makatotoohanan ang pinadarama?

“Hindi ko po talaga kayang maalala maliban sa pangalan ko. Ano ba ang lugar na ito? Hindi po ba ito isang panaginip?” mga katanungang naibahagi niya sa binata.

Haplos sa mukha at buntonghininga ang ginawa ni Lunrhyx bago umupo sa bingit ng kama upang mas malapit ito kay Kirvey.

Nakapatong ang mga siko nito sa hita at ang baba naman nito ay nakapatong din sa nakayuping mga daliri nito. “Mahihirapan lang akong magpaliwanag sa’yo kung gusto mong malaman ‘mula umpisa. Pero… kung nais mong malaman kung bakit ka nandito, iyun lang ang kaya kong maibigay sa’yo sa ngayon.” paliwanag ni Lunrhyx sa kanya at ang mga mata nito ay unti-unting naging kulay kayumanggi.

Kirvey’s eyebrows knitted in curiosiity as he watch how Lunrhyx’s eyes shifted into that kind of color. How does he do that?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BLOODSUCKERS "The Red Heims: Class Section V"Where stories live. Discover now