PROLOGUE

124 12 5
                                    

PROLOGUE

A profound silence guided every student within the secluded walls of Niflheim University. Nestled deep within a sprawling forest, this institution remained unknown to even the most bustling of cities. But what exactly lurked within its enigmatic confines?

Maaga pa lamang ay nagsikalat na ang mga estudyante sa buong eskwelahan, kahit na hindi pa tumutunog ang kampana. Ito ang kanilang hudyat upang malaman kung kailan magsisimula ang kanilang mga klase.

Si Satorini, ang presidente ng paaralan at tagapag-alaga ng katahimikan nito, ay matiim na nakaupo sa kanyang upuan habang pinagmamasdan ang sinulat niyang bugtong sa kuwaderno.

A scene unfolds, a dream takes flight,
A past unseen, a future's sight.
A puzzle's piece, a mystery's core,
A moment lived, forevermore.

Paulit-ulit niya iyung isinasaulo sa utak at akma pa sana itong susulat ng panibago, ngunit agad ding umeksena ang isa sa kaibigan niya nang kabigin nito ang kuwadernong ginagamit niya.

“Tara, Sato, walang klase ngayon. Baka naman puwede tayo sa cafeteria.” nangaaya nitong udyok sa kanya subalit hindi niya ito sinangayunan.

Satorini responded with an accent that he mastered for years, “I don’t have the appetite yet, Rhyx.” he said in a bored tone.

Narinig lang niya itong bumuntonghininga atsaka umupo sa lamesahan na katabi lamang niya. “Of course you don’t. Sino ba’ng bampira sa atin dito?” mapang-asar pa nitong tanong.

Napakamot sa batok si Satorini bago inangat ang tingin sa kaibigan niya. Inilatag niya ang isang kamay sa sariling lamesahan at ang kabila naman ay nakapatong sa sandalan ng kinauupuan niya.

“Ginusto ko ba ang ganitong kapalaran, Lunrhyx? I barely even know my past.” he rolled his eyes then heaved a sigh. “Fine, let’s eat something.”

At dahil sa sinabi niyang iyon ay napa palakpak sa tuwa si Lunrhyx sabay guyod sa braso ni Satorini.

Pero agad niyang dinuro sa mukha ang kaibigan. “But don’t expect me to actually swallow those foods.” aniya at hinayaang hilain siya ng kaibigan patungong kantina.

Everyone knows that Satorini has no appetite all the time because of his classification. But Lunrhyx, his longtime best friend, has always had a way to feed Satorini's not-so-hungry stomach.

Mayroon pa ngang mga araw na kapag pinipilit siya nitong kumain ay iduduwal din lang ito ni Satorini.

God knows how much he hates being classified as that. How he wished he were just like Lunrhyx and the twins, a Lab-Creation.

Pagkarating nilang dalawa sa kantina ay mabilis na sumandok ng mga pagkain si Lunrhyx at pinuno niya ang tray na kanyang hawak. Samantalang si Satorini ay nalulumpoy na bumuhat ng sarili niyang tray.

Suddenly, his best friend sheepishly smiled at him before pouring a small amount of porridge onto his tray. Sato could only watch, feeling perpetually drained of energy to even refuse the food.

“Kaunti na ang nilagay ko ha. Siguraduhin mong uubusin mo ‘yan.” paalala pa sakanya ni Lunrhyx bago sila nakahanap ng mauupuan. Mabuti na lang at ang pinili nito ay katabi lamang ng bintana. Alam na alam talaga ng kaibigan niya na mas gusto niyang tumatabi malapit sa mga tanawing labas.

Masarap kasi ito sa pakiramdam at tila sa paraang iyon ay nalalasap niya ang kalayaan. Subalit, alam naman ng lahat at maski siya, na mahirap umasang makakamit pa nila ang ganoong klase ng kalayaan.

Not from this hell university.

“Psst! Kanina ka pa tulala, mali yatang umupo tayo rito sa tabi ng bintana.” ani Lunrhyx na sumusubo pa rin sa kinakain. “Ano ba’ng tumatakbo riyan sa utak mo ngayon?”

BLOODSUCKERS "The Red Heims: Class Section V"Where stories live. Discover now