CHAPTER 1

11 0 0
                                    

Lizareen's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock. 7am na pala at kailangan ko ng maghanda dahil baka malate ako sa first day of School. So BTW ako nga pala si Lizareen Gomez, 18 years old, grade 12 student sa Batangas State University na May strand na ABM. Yun yung pinili Kong strand dahil mahilig ako sa business at yun yung gusto Kong kuning kurso sa kolehiyo. Kakatapos ko lang maligo at napagpasyahan Kong mag bihis bago bumaba para kumain.

"Hello mom!!!! Good Morninggggg!!!!" sabay halik sa pisngi ni mommy na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa mesa.

"oh anak mabuti naman at nagising ka ng Maaga, halika ng mag almusal" unang Bati sakin ni mommy at umupo na ko sa upuang kaharap niya.

"nga pala mom, asan si daddy?" taka Kong tanong matapos Kong mapagtanto na wala siya dahil nasanay akong sabay sabay kaming nagaalmusal.

"ay anak, Maagang pumasok ang daddy mo dahil may Maagang meeting daw sila" sagot naman ni mommy sakin.

Matapos Kong malaman yun ay tumango nalang ako kay mommy Bilang sagot sa sinabi niya. Matapos Kong kumain ay tinungo ko ang aming lababo upang magsipilyo . Pag tapos Kong magsipilyo ay sunod Kong tinungo ang salamin na malapit sa kusina. Konting suklay, lagay ng polbo at pabango ang ginawa ko bago tuluyang umalis ng bahay.

"una na po ako mommy!" pasigaw Kong sinabi kay mami dahil busy siya sa pagliligpit ng aming kinainan.

"o siya sige! Ingat ka pag pasok anak! Nanjan na yung baon mo sa lamesita" tugon naman sa akin ni mommy.

BATANGAS STATE UNIVERSITY

Time Check: 8:33am at kasalukuyan na Kong naglalakad papasok ng Gate ng Campus. Nga pala hinatid ako ni kuya Rodel dito sa School na pinapasukan ko. Si kuya Rodel ang personal driver ng family namin.

"Magandang Umaga kuya Nelson!!" Bati ko kay kuyang Guard.

"Magandang Umaga din Liza!" siya namang Bati niya sakin.

Halos lahat ng Guard sa school namin ay close ko dahil simula Grade 7 ay dito na ko nagaral at halos lahat din kasi sa kanila ay mababait. Saktong 9am ay narating ko na ang room ng  first subject namin at agad umupo sa unang hanay. At saktong paglapag ko ng aking bag sa ibaba ng aking upuan ay siya namang pagdating ng aking Bestfriend na si Ella, hinihingal at halos mamutla na ang labi niya sa pagtakbo dahil sa pagmamadali.

"Oh bes, anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya pagupo niya sa tabi ko.

"Bes, na late... Ako ng gising... Kaya tumakbo nako simula sa Gate hanggang dito sa classroom natin." hingal naman na sagot niya sakin.

Agad Kong inabot kay Ella ang tubigan ko upang uminom siya.

"Thankyou bes, dabest ka talaga." agad niyang sabe sakin matapos inuman ang kalhati ng tubig sa tumbler ko.

"Welcome bes, sa susunod kasi iset mo ng maayos ang alarm mo para hindi ka nagmamadali ng ganito." sagot ko sa kanya na may halong kontibg sermon.

Nga pala siya si Ella Sandoval, bestfriend ko since nung unang pasok ko dito sa School. Magkasama kami hindi lang sa pag aaral ng mabuti kundi pati sa mga kalokohan, medyo kalog din kasi tong babaitang ito e.

Pagtapos Kong sabihin kay Ella yon ay siya namang pasok ni Christian Fernandez, ang classmate namin na lagi nalang akong iniinis. Pero infairness gwapo din naman siya, at maganda ang built ng katawan halatang batak sa training nila sa Basketball. He's a student athlete sa school namin at medyo papular din siya dito sa school.

Time check: 9:30am at saktong nagring na ang Bell hudyat na magsisimula na ang klase. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang aming adviser na si Mrs. Castro.

"Goodmorning Class!!" unang Bati niya sa aming lahat.

"Goodmorning Mrs. Castro!!" agad naman naming tugon sa kanya. At sabay upo matapos namin siyang batiin.

"So class may ipapakilala ako sa inyo na bago niyong kaklase, kaka transfer niya lang dito sa school natin." matapos niyang sabihin yon ay agad namang pasok ng isang matangkad na lalaki.

"Introduce yourself iho" sabe ni Mrs. Castro.

"Goodmorning Maam and Classmates, My name is  Adam Rodriguez. Your new classmate here in BSU" sagot ng isang guy na matangkad at gwapo.

ITUTULOY..........


(so ayun guys, tapos na tayo sa Chapter 1 haha. Sana magustuhan niyo!!!! Abang nalang po tayo sa next chapter!! Thankyou and  iloveyou all mwaaaaaaa)  Belle😚







Mahal Ko o Mahal Ako 🤧Where stories live. Discover now