ASYLUM 3

23 5 1
                                    

No one's  POV

Nagising si dahyun ng dahil sa lakas ng katok sa kawrto nya, bumangon naman agad ito bago pa masira ng mga kaibigan nya yung pintuan nya.

"Putangina naman ang aga pa oh, magpatulog nga kayo" bungad ni dahyun at binuksan ang pintuan nya pero.

"ARAYYYY TANGINAAAA"

Dahil dun sa sigaw ay nataranta yung iba at tumakbo papunta sa kwarto ni dahyun. 

"Gagi bro sorry" pag hihingi ng sorry ni chaeyoung na ngayun ay kahug na yung walis na ipapalo nya sana sa pintuan na sya naman yung natama sa ulo ni dahyun. "tumayming ka kasi sorry na huhu" dag dag nito.

"Ano ba nangyari dyan" tanong ni irene na kakarating lang sa room ni hyun.

"Itong si liit kasi, pinalo pa naman ako ng walis amp" galit na sabi ni hyun na hinimas himas yung paparating nyang bukol.

"Gagi ka bro bat mo kasi hinampas" pag pipigil tawa na sinabi ni lisa.

"Aba ang tagal nya kasing buksan yung pintuan kaya naisipan kung kumuha ng walis tas ito na yung ikakatok ko, nangangalay na kaya yung kamay ko kakakatok dyan ayaw parin magising" sabi ni chaeng na dahan dahang lumapit kay dahyun para i hug ito.

sinipa naman ni dahyun si chaeyoung at bumaba na para maligo. Pagkatapus nya namang bumaba ay sumunod na yung iba, nagpatuloy naman na din magluto sina irene, tzu, somi, staka si nayeon. 

Ng dahil sa nangyari ay nagsitawanan sina jeong, lisa, yeri, at staka si seulgi si chaeyoung naman na nasa gilid naka pout dahil siguro ito sa sipa ni dahyun at mukhang masakit nga dahil nagpapatulong pa talaga sya tumayo.

"Guys you should take a bath na dali para makakain na tayo at makaalis na" sabi ni irene na niluluto yung last na ulam nila.

"And guys baka nakalimutan nyu na pupunta tayong aslyum mamaya, so better get ready ha" dagdag ni nayeon.

-----

Tapus na maligo ang lahat at tapus naman na din ma luto yung mga pagkain nila. ngayun ay nakaupo sila lahat sa kitchen at kumain na.

"By the way gays, kasi ano aalis din sila sana ngayon and if okay lang sainyo pwedi ba natin sila isabay, para makilala nyo na din sila diba" sabi ni somi

"Halooo omg kaya nga noh nice idea" sabat ni chaeng na ininom yung shake ni irene.

"Hoy chaeng bat mo ininom omg ka" pag tawa ni irene.

"Yuckkk aahhh kadiri ano to??, ampangit ng lasa" pag tayo ni chaeng para pumunta sa may sink para iluwa yung ininom nya

"Ayan ang bat kasi nangunguha dzurb" sabi ni dahyun na tumatawa.

"May gamot kasi yun ano ba" dag-dag ni irene. napatawa nalang mga tropa nila dahil sa kagagahan ni chaeng.

Bigla naman na din nagsalita si nayeon "how about magkikita nalang tayo sa park malapit sa robinson, sabihan mo sila som."

"sige sige tatawagan ko nalang" sabi naman ni somi na tumulong na linisan yung mesa

"seul staka lisa kayo na maghugas ng pinggan" sigaw ni nayeon na pinapakain yung mga aso nila.

"okayyy mamiiee" pagkatapus naman nun ay ginawa na nila yung mga gawain para makaalis na sila.

"kaninong car ba gagamitin natin?" tanong ni dahyun

"sayo nalang bro malaki naman yung sasakyan mo kasya tayo dun furrfurr" sabat ni chaeng.

"dadalhin ko nalang din yung sasakyan ko" pag kuha ni tzu sa susi ng sasakyan nya sa may living room at inikot ikot ito.

"magdadala nalang din ako para hindi tayo maging mukhang sardinas sa isang sasakyan" sabat naman ni jeong.

"okay so sinong sasabay sakin?" tanong ni dahyun.

"si somi nalang staka si mamie irene isabay mo hyun" sabi ni nayeon.

"dito nalang kayo sakin sumakay chaeng staka seul" sabi ni jeong

"ocakes so sakin sasakay si ate nay staka si kalbo" sabi naman ni tzu na ikinatawa ng magbarkada.

"grabe ka sakin sa kalbo ah, kala mo naman wala kaming pinagsamahan eh, kiniss mo pa naman ako nung bata pa tayo hayyy" sabi ni lisa kaya nagtawanan uli sila.

"guys lets go na kung ayaw nyong magabihan tayo" sabat ni nayeon kaya nagsilabasan na sila.











nabusy talaga ako nung mga nakaraan kaya hindi nako madalas nakakapag ud pero here, baka kasi di nako makakapag publish sa mga susunod na araw pa. pero syempre e try ko parin mag ud para sainyo.



ASYLUMWhere stories live. Discover now