"Is the world such a bad thing?
Am I deserving enough?" – TREASURE
Litong lito ako sa mga pangyayari. Parang ang bilis ng mga ito, parang hindi maproseso ang lahat sa akin. Ito na ba talaga? Huminga ako nang malalim at hindi ko pa rin alam kung paano ipagpatuloy ang buhay sa ganitong kahirap at kakumplikadong mundo. I am here in front of my new university. Lumang damit, sapatos, bag, at mga stationary na nirecycle ko lang from my last year school supplies. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na pinag-aral ako ng tita ko sa magarbong eskwelahan na 'to pero nagmukhang mag a-apply ako bilang janitor at hindi papasok bilang estudyante.
Bago ko pa maisipang umuwi na lang ay may tumawag sa akin mula sa magarbong unibersidad.
"Hey!" isang singkit na moreno ang kumakaway sa akin. Gwapo pero mukhang maloko at mukhang mayaman.
"Ako po?" nakaturo na ang mga daliri ko sa akin para makumpirma kung ako ba talaga yung tinatawag nya.
"Yes you. Sino pa ba?" nakataas pa ang dalawang kilay. Luh tinatanong lang eh.
Para hindi kami magmukhang tangang nagsisigawan lumapit na lang ako sa kanya pero parang maling desisyon ata dahil natakpan ng malapad nyang balikat yung harapan ng daan sa paningin ko.
"Looking at you this near masasabi ko na ang cute mo talaga akala ko namamalikta lang ako eh." Napatunganga na lang ako nung ngumiti siya kasi nawala yung mata nya at nagningning yung balat nya kasi natamaan sya ng araw. Grabe sana ganito rin ako kagwapo para masarap din ako titigan.
"Hindi maganda sa puso ko ang pagpapacute mo huwag kang ngumuso dyan."
"Hindi ako nagpapacute. Kung nacucutan ka sa akin problema na ng mata mo yun." Aalis na sana ako nung humarang na naman sya, hindi ko alam kung pinanganak lang ba 'tong bida bida o kapatid nya si Jollibee. Kung ano-ano rin pinagsasabi kala mo close kami.
"I'm sorry if I rudely talk with you without telling who I am. Anyway, I am Sage. Sage Park, school president ng student council. Nice meeting you?" Hindi ko inabot yung kamay niyang inooffer nya sa akin, baka may germs.
"Aster Kim" binaba nya na lang yung kamay nya at ngumiti na naman.
"At dahil bago ka lang sa paningin ko, I expect you as our new student?"tumango na lang ako at naubusan ng energy magsalita. Gusto ko na lang umuwi at umidlip.
"Let's go. Iikot kita sa university para maging familiar ka sa mga facilities and daan para hindi ka maligaw." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Nagsimula na kami mag-ikot ikot ni Sage. Talagang pangmayaman ang university na 'to. Hindi ko talaga deserve mag-aral dito hindi ko pa rin alam bakit ako pinag-aral ng tita ko rito. Parang nanghihina na ako at ineexpect ang pambubully sa akin ng mga mayayamang estudyante rito. Tapos hindi naman ako kasing ganda ni Park Shin Ye para magkaroon ng Lee Minho na super rich at ipagtatanggol ako. Alam ko na hindi pa kami nakakahalati sa facilities ng school pero napapagod na ako. Hindi pa naman ako matanda para manakit ang mga kasu-kasuan at manghina kaso kasi bakit naman kailangan pang magpagod. Pumasok lang naman ako para mag-aral. Daig ko pa nag field trip.
"Aster? Aster? Hey Aster yung schedule mo oh." Sa sobrang lutang ko hindi ko agad napansin na kanina pa pala kami nakahinto at inaabutan na ako ni Sage ng papel.
"Ay naku! Hindi pa ako nakakahingi sa tita ko ng allowance ko tapos wala pa akong pambayad sa module eh. Puwede bang bukas mo na lang ako bigyan? " ngumiti na naman sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko para ibigay sakin yung maliit na booklet tapos isang paper.
"Schedule mo 'to at rules and regulations booklet ng university. Dapat through email kaso mukhang hindi ka pa naoorient na iclaim mo yung tablet sa office at isend yung email mo. Digital na kasi rito. Ikaw ah hindi ka nakikinig panay pa naman ako dada sa mga facilities ng university." Napangiwi na lang ako kasi nakokonsensya ako. Nagmagandang loob na nga sya tapos nagpapakalutang pa ako rito.
"Pero if you don't mind. Sabi kasi sa schedule mo 4th year college ka na, nagtataka lang ako bakit kung kelan last term mo na in college nag transfer ka. You'll not get latin honors if nag transfer nanghihinayang lang ako." Bumalik na naman sa isipan ko ang mga nangyari sa akin at bakit nga ba ako nasa puder ng tita ko.
"Family matters, confidential pasensya ka na." ngumiti naman sya assuring me na ok lang at naiintindihan nya.
"No worries, Aster. If you need some assistance hanapin mo lang ako. Teka I'll give you my number and socmeds account para madali mo lang ako mareach out."
"Actually, Sage hindi ko dala phone ko ngayon, ako na lang magbibigay ng number ko at ng socmeds ko for you to add me na lang. Accept ko na lang once I'm home na." mabilis pa sa alas kwatrong inabot ni Sage yung phone nya sa akin, hindi na ako nahirapan na gamitin yung phone nya since same naman kami ng brand at model ng phone.
"Ayan!"
"Thanks, Aster. I'll contact you na lang— I mean contact me kapag may kailangan ka in school matters I'll help." Tumango na lang ako at nagpaalam na.
Ayaw pa sana akong iwanan ni Sage at gusto pang ihatid sa classroom kaso umayaw na ako at para matuto rin ako sa pasikot sikot ng university. But on my way sa designated room ko pumapasok sa utak ko lahat na nangyari bago ako lumawas pa-Manila.
"We are sorry."
"Hindi na nila kinaya."
"We tried ma'am."
"The patients are both dead on arrival."
Fortunately, hindi naman ako naligaw. Tuwang tuwa ako kasi may nakita akong bulaklak and feeling ko araw ko ngayon. Daffodil flower is a great flower to start my new beginning in this university at sana maging masaya ang pananatili ko rito.
YOU ARE READING
BLOOMING
FanfictionHaruto is the most cheerful handsome, and perfect guy you wish for. Junkyu is one of those who wants Haruto to be with him for the rest of their lives. Will their love story bloom like a red rose in the bushes of a sparkling green garden? "It was th...