THIRD BLOOM

13 1 0
                                    

"Our youthful days..

I hope there will bе no regrets" TREASURE





"Kung hindi dahil sa'yo nandito pa sila! Kung hindi dahil dyan nandito pa ang kapatid ko! Malas ka talaga, matagal ka na dapat nawala. Ikaw dapat ang nawala!"





"Uy Aster! Natulala ka diyan?"

Ngayon ko lang napansin na nakatingin silang tatlo sa akin at kanina pa pala ako tinatawag ni Torch.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung ganito ba talaga kadami ang tao? Wala kasi akong nakita masyado kahapon."

"Lagi kasing may palaro ang bawat department dito. Any sports na meron ang university may fest after orientation kaya ganto ka-tao. Ganto winewelcome yung mga freshmen at transferee dito. Kaya rin busy ako sa gawain dahil isa ako sa officers ng student council." Napatango na lang ako sa sinasabi ni Ione

"Kapal mo naman madame, wala ka ngang ginagawa. Nahiya president nyo ah apaka flexible halos sya na gumawa." Nguso ni Torch sa isang lalake habang may maraming pagkain ang nasa kamay.

"Apaka patay gutom mo naman Torch."

"Alam mo Isaac, not your money shut up." Inirapan na lang sya ni Isaac habang nakadila naman si Torch kay Isaac.

Nagbabangayan pa silang dalawa ng biglang may pamilyar na boses ang bumati sa amin.

"Aster! Uy Ione, Isaac, Torch. Hello!"

"Gwapo natin today Sage ah!" napailing na lang ako. Torch is munching his food habang ginreet si Sage. Ako na lang natatakot na baka tumalsik yung pagkain nya sa kausap nya.

"Yuck Torch kadiri." Angal naman ni Isaac.

Natawa na lang kami sa kanilang dalawa.

"Hello Sage!" bati ko na lang kay Sage na parang maamong tuta na nag iintay batiin.

"I hope you enjoy the fest. Para talaga 'to sa mga bagong pasok ng university."

"Oo nga sabi ni Ione. Kanina pa kami naglilibot. Kailangan mo na ba si Ione para sa fest?" pinanlakihan naman ako ni Ione ng mata na para bang bakit ko sinabi yung sinabi ko.

"Ay yes! Yun talaga pakay ko nung nakita ko kayo."

"Ione daw pero unang tinawag si Aster." Rinig kong binubulong ni Torch sa gilid ni Isaac pinalakihan ko na lang ng mata si Torch. Buti na lang kaming tatlo lang nakarinig.

"Let's go Ione! Enjoy! See you again Aster!" tumango na lang ako at nag peace sign kay Ione na nakabusangot na sa akin.

"Naku gusto ka nung pres ng student council Aster."

"Alam mo Torch hindi dapat tayo nagsasabi ng ganyan without proof 'no nakakahiya kapag narinig."

"Alam mo Aster hindi ako bulag sakalin kita eh."

"Hayaan mo na yan Torch manhid ata ayan si Aster."

"Parang crush mo ba Isaac?" Napatakbo na lang si Torch para iwasan ang kurot ni Isaac sa kanya. Napapakamot na lang ako sa batok ko habang sumusunod sa kanila.

Umikot kaming tatlo sa mga booth na nagkalat sa university. Pero nagtagal kami sa pagkainan kasi gutom na si Torch at kami ni Isaac.

Tahimik kaming kumakain ng biglang may dosenang lalake ang dumating. Mukhang mga basketball players. Bigla na lang akong nabilaukan ng nakita ko yung kaibigan ni Briony na may sira ang mata.

BLOOMINGWhere stories live. Discover now