"Even if the whole world turns its back on you
I will be by your side" – TREASURE
Nasa labas pa lang ako ng room pero rinig na rinig ko na yung ingay sa loob. Parang mga hyena na hindi mapakali.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang may nagbukas nito mula sa loob. Nagkatitigan pa kami dahil sa gulat.
"Uhm— hi! Transferee?" agad naman nitong bawi sa pagkagulat, tumango na lang ako at ngumiti.
"Pasok ka." Hindi ko alam pero ang gaan ng smile nya, parang nawawala yung masamang hangin nung nginitian nya ako. Talandi naman self!
Pumasok na lang ako sa room kasi masyado atang pogi yung bumungad sa akin bigla akong na culture shocked. Wala naman gantong kadaming pogi sa amin. Ako lang.
"You can seat wherever you want. Hindi naman sensitive mga classmates natin sa seat plans nila. Briony nga pala and you are?"
"Aster. Aster Kim."
"Nice meeting you Aster, it's nice to be the first person in class to know you." Nakangiti na naman sya, ewan ko ba parang nasasapian ata 'to ngiti nang ngiti.
"Captain!" napalingon agad si Haruto sa tumawag sa kanya.
"Teka lang Aster important matters lang. See you later!" kumayaw na lang ako kahit nakatalikod na sya at sumama sa kaibigan nyang may sakit ata sa mata at panay ang kindat.
Papunta pa lang ako sa direksyon ng upuan na gusto ko napansin ko agad yung tatlong lalake na may tinatanim. Hindi ko alam kung ano ang naghila sa akin palapit sa kanila at nasa harapan na nila ako at nagkatitigan na kaming apat. Nagmumukhang tanga ka na naman Aster!
"Uhm— ano kasi I'm a transferee tapos nakita ko kayong nagtatanim and ano nagtatanim din ako pero hindi nabubuhay hehe." A moment of silence talaga, sa ibang classmates namin nanggagaling yung bawat ingay and hindi ko alam paano umalis sa situation na 'to. Utang na inside!
"Hello! I'm Ione. And itong nagtatanim si Torch and yung may hawak ng seeds si Isaac."
"Aster. I'm Kim Aster. Pasensya na bigla na lang akong dumiretso sa harap nyo. Mahilig kasi ako sa pagtatanim kaso hindi ako talented. Favorite part ko ng mga tanim is yung pag-bloom nila lalo na kapag flowers."
"You may seat sa tabi ni Isaac since isang hilera naman kami rito and may free seat pa naman near the window."
"Thank you, Ione!"
"Walang anuman! Tutal wala pa naman ang prof puwede mo kaming tignan sa pagtatanim baka matuto ka sa amin at hindi na mapatay yung tatanimin mo next time." Sa sobrang amo ng boses nya at ng mukha nya hindi ko alam kong sarcasm ba sya or gusto nya lang talaga ako turuan pero binaba ko na lang yung bag ko sa upuan na sinabi nilang walang nakaupo at nginitian si Isaac na inirapan lang ako. Techona naman 'to.
Umupo na lang ako sa tapat na upuan ni Ione para mapanuod silang itanim yung tinatanim nila. Hindi ko na sila ginulo basta pinanuod ko na lang sila umalis si Torch para kumuha ng tubig para sa halaman nila habang si Isaac naman ang nagpupuwesto ng tubers sa malapad na lalagyan ng halaman. I'm really not good at explaining this kasi hindi naman talaga ako mahilig magtanim pero kapag nagbobloom yung mga tanim feeling ko lumalakas ako. Dumating na si Torch dala dala yung pang dilig sa halaman tapos may dinidikit si Ione sa lalagyan ng halaman and I think yung name nung plant yun. Ngayon ko lang nakita yung plant na 'yon and based on what Ione write on the paper it's called peruvian lily.
YOU ARE READING
BLOOMING
FanfictionHaruto is the most cheerful handsome, and perfect guy you wish for. Junkyu is one of those who wants Haruto to be with him for the rest of their lives. Will their love story bloom like a red rose in the bushes of a sparkling green garden? "It was th...