chapter 1

1.4K 19 0
                                    

Sumisigaw na ang ringtone ko para bumangon nako dahil may pasok pako ngayon,pagkatayo ko pumasok nako ng banyo para maligo pagtapos ko nag toothbrush nako

"Good morning maam criselle"sabi ni yaya mercy

"Good morning yaya mercy,asan po si josh?"tanong ko kaagad kase walaa siya sa hapag kainan dati namang nauuna siya pumunta dito or magising saken

"Maaga po umalis maam"sagot ni yaya mercy saken na naka ngiti,ewan ko ba bat siya nakangiti eh nakakairita nga magrinig kase di ko nanaman siya makakasama kumain

Alam ko namang ayaw niyang kong maging asawa,pinilit lang siya ni daddy kase gustong gusto ko nga si josh mula pagkabata kame,ewan ko ba bakit patay na patay ako sakanya

"Ganon poba yaya,sige po aalis napo ako"hindi nako kakain kase wala rin naman akong kasabay kumain,unang kumain kase si yaya kesa samin kaya di ko na siya nasasabay paniguradong ayaw nya

"Hija di kaba kakain?"tinanong niya ko,nakaka walang gana ring kumain pag walang kasabay eh kaya mas gusto kong kasabay si josh hehe ang arte ko haytss

"Hindi na po yaya,malalate narin po kase ako pag kumain pako hehe"pag sisinungaling ko kay yaya para di na siya mag tanong,ganon kase ako pag nagmamadali or ayaw kong kumain

Umalis narin ako kase baka nga malate pako pag tumunganga lang ako dito,nakarating din ako sa school after many years,kase naman ang traffic sa may edsa parang ngang hindi na kumukusad yung mga sasakyan,lumuwag lang yung mga sasakyan nung nasa PNR san andres nako,mas malapit kase dun kesa sa harap ako dadaan

Pagkapasok ko sa room namen napatingin ako sa relo ko kase nagkaklase na sila,late ako ng 15minutes dahil nga sa traffic,parang maiiyak nako nakakahiya bago pa naman prof namen sa mapeh,sa pagkakaalam ko siya si Ms.carmen

"Sorry maam im late"sambit ko sakanya na may pagka kaba kase baka bigla nya kong palayis dito sa loob

"Its okay Ms.carmelo,sit that in your chair"naka ngiti nya pang sabi saken mukha naman siyang mabait maganda sexy parang bata pa siya kumbaga

Nakikinig lang ako sa kaniya hanggang sa matapos ang klase namen,nag lunch muna ko kase baka magutom ako sa klase ng asawa ko pagalitan pako non pag nagpaalam ako na bibili lang saglit

"Uyy selle"may biglang kumalabit saken na boses babae

"Kabuti kaba ha?bigla bigla ka nalang sumusulpot diyan"tanong ko sakanya muntik ko nang mabitawan yung iniinom kong milktea na nasa kamay ko,buti nasapo ko yon sa isa kong kamay

"Grabe ka naman sa kabute,maganda naman ako diba?"she pouted

"Bahalaka na nga diyan"umalis nako tapos sumunod siya saken napakaraming tanong kaya nga pag malungkot ako tinatawagan ko siya kase siya lang makakapag pasaya saken siya yung pinaka una kong naging kaibigan sa lahat ng kaibigan ko since 8 or 9 years old ako mag kakilala na kame,kase naging kapitbahay namin sila

Natapos lang yung pagdada niya nung papasok na kame sa room namen.Math subject ngayon kase pag tapos ng mapeh math naman,nakakasabay din naman ako sa turo niya kaso madalas akong natutulog sa klase ni tristan

"Ms carmelo,why are you sleeping in my class"napa gising tuloy ako,yumuko nalang ako kase nahiya bigla ako sa mga kaklase kong nag tatawanan

nasa klase pala ngayon si abby,nag cutting kase siya kanina sa mapeh kase daw nakakatamad mag P.E,kaylan ba siya sumipag sa mapeh classes namen

"Sorry sir,inaantok lang"pwede ko naman siyang biruin kase asawa ko siya di nga lang alam ng mga tao maliban kay abby at sa mga pamilya namen

" I hope you didn't go to school and just slept in your house"nagulat ako sa sinabi nya,ha totoo bato sinabi nya yon?nakakainis ka naman tristan sa klase mo lang naman ako natutulog e,bakit naman ganyan ka mag salita saken?,ang cute nya magalit lalong pumopogi

"H-huh sorry sir"di nya pinansin ang sinabi ko at umalis na bumalik sa harapan para mag salita ulit

Natapos na ang klase namin kay tristan kaya mag tratraining nakami.Eto nanaman yung pagka kabute ni abby

"Uy selle punta tayong kyukyu Ramen 99,tara"katatawag palang saken ito na agad yung bungad nya saken antakaw talaga neto pero di naman nataba

"May training kami,nexttime nalang"malumanay kong sagot sakanya nakita ko ang pagkalungkot niya

"Abby,may training kami bawal akong mawala don at malate alam mo naman si couch ang arte arte"pag eexplain ko sakanya kase naman nakita ko sa mukha nya na ang lungkot lungkot niya

"Okay lang criselle naiintindihan ko naman,basta next time dapat kasama na kita ha"masayang sagot sakin ni abby na may pagka excited,ewan ko bakit ang excited niya

Naisip ko bigla mag didinner pala kame tomorrow night nila mommy at daddy kasama din si josh dahil ininvite nila mommy,ako naman si tanga ang saya saya kahit pinagalitan niya ko kanina sa class nya at napahiya pako

Natapos nakong mag training 8PM na,di ko agad nakita na tumatawag pala si josh

15 missed call from josh

Nagulat ako,omy lagot ako neto,nag messenge agad ako sakanya para malaman niya na okay lang ako

To josh:
Nagtraining kame kakatapos lang namin

From josh:
Where are you now,I will fetch you

Kinilig tuloy ako,kaso wag ko sulitin hindi ko alam kung pano yung pagkakasabi nya whether angry or serious

To josh:
Nandito ako sa ust main building

Pag tapos non di na siya nag reply bakaa nasa byahe na siya malayo layo yung bahay namen sa school kaya minsan na lalate ako ewan ko ba maaga na nga ko bumangon nalalate parin ako minsan kase naman laging traffic sa edsa

9PM nako nasundo ni josh pag pasok ko sa kotse di siya nag salita hindi narin ako nag salita,para ngang nabibingi ka sa katahimikan hanggang sa makauwi kame wala naman siyan sinasabi ganon din naman ako

My proffesorWhere stories live. Discover now