"So ayun nga thankyou sa support nyo at ang mga kabutihan at kasipagan nyo,hindi natin masusulusyunan ang problema natin kung wala kaya ko,kung ako lang mag isa,thankyou sa inyong lahat at sa pag dalo sa meeting,thankyou"sagot ko sakanilang lahat,habang sobra ang saya,at malalawak na ngiti nila.
"Hindi din po namin masusulusyunan ito kung walang nag assist saamin,thankyou dahil na sulusyunan mo ito,maraming salamat."ngiting sabi sakin ni Mrs.laxamana
Nag si alisan na kami sa meeting office.Nagulat ako dahil nakita ko sina mommy at cindy na nandito sa company.
"Mom,why are you here?"tanong ko kay mommy,omygod mom,baka may makakita kay cindy,ayokong may maraming tanong.
"Diba tinawagan moko na okay na yung problem ng company,kaya mag meeting tayo ng mag cecelebrate tayo"ngiting sabi ni mommy,kakatapos lang ng meeting e mag papatawag nanaman,nasobrahan naman ata sa saya,sinama niya pa si cindy,may mag aalaga naman kay cindy sa bahay,omygod.
"Mom,kakatapos lang ng meeting"iritang sagot ko sakaniya,hindi nako mapakali kase andami ng tumitingin saamin.What if makita ulit ni cindy si josh,tapos biglang tinawag akong mommy,edi sabog lahat ng plano ko,mom naman kase.
"Don't worry nagpagawa nako ng invite paper,para ibibigay nalang natin sa mga i iinvite natin na aattend sa party"hindi talaga makaka iwas kay mommy pag dating sa mga ganito.
"Mom,pero bakit dinala nyo pa si cindy?alam nyo namang walang nakaka alam nito,maliban sainyong mga family ko diba"makaka irita na, nag papanic na ako,hindi naman sa ikinakahiya ko yung anak ko pero,hindi pa ako handang sabihin sa iba tungkol kay cindy,lalo na kay josh,na minsan na niyang nakita.
Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si josh na papalapit sa kinaroroonan namin ngayon,sabay ngiti saakin sabay baba ng tingin kay cindy.
"Hello,cindy,how are you baby"hindi ko alam kung ano yung emosyon ko ngayon,alam na ba niya?kung alam niya hindi ba magagalit siya?hindi ko alam,wai,wait,criselle chill.
"Excuse me,kakausapin ko lang si mommy"paalam ko kay josh dahil naka tayo na siya sa harapan namin.
"Yeah ofcourse,ako na bahala kay cindy"sabay tingin kay cindy na naka ngiti.
Umalis na kami kung saan kami naka tayo kanina,lumayo lang kami ng kaunti kung saan hindi niya maririnig.
"Mom,alam naba ni josh?"seryosong tanong ko sakaniya.Hindi ako mapakali sa sasabihin niya o isasagot niya.
"Wag kang mag alala,criselle,he don't know about cindy,okay,i understand you"naka hinga lang ako ng maluwag ng marinig ang sinabi ni mommy,parang gusto ko ng umiyak,pero nahihiya ako.
"Thankyou mom,sorry sa mga nagawa ko sayo"napapaiyak nako pero nilalabanan ko,dahil ayokong makita ni mommy na umiiyak ako.
Ngumiti lang siya saakin,tapos umalis na,at bumalik kung saan naka upo ngayon sila cindy.
Hindi parin ako mapakali ngayon,dahil naaawa ako kay cindy,dahil ipinagdadamot ko na magkaroon o maranasan man lang niyang magkaroon ng ama,pero dahil sa kapakanan lang din naman niya iyon.
Pumunta narin ako kung saan sila naka upo.
"Cindy,come here,papalitan lang kita ng damit"agad naman siya pumunta kung saan ako naka tayo,sabay kaway kay josh.
"Bye tito josh,im back later,don't leave here"napaka cute talaga tignan ni cindy,napaka sweet pa,don't worry baby,kumukuha lang ako ng time at lakas ng loob na sabihin sa tito josh mo na kung ano kaba niya talaga.
Na coconcern ako sa kalagayan niya ngayon lalo na kasama na niya yung totoong daddy niya,na wala man lang siya ka malay malay na siya ang daddy niya.
Nasa office ko na kami,kasama si cindy dahil papalitan ko yung damit niya,naka pantulog pa kase siya,baka nag mamadali sila mommy pumunta dito kaya hindi na niya naayusan,buti nalang nag dala si mommy ng damit.
"Mommy,when ko makakasama si daddy?"nalungkot ako bigla,dahil sa tanong ng anak ko,hindi ko alam kung ano ba itsura ko ngayon.Hindi ko na namalayan na tumulo na pala yung luhang kanina kopa pinipigilan.Agad ko naman pinunasan iyon,para hindi na matagal makita ni cindy iyon.
"Mommy,why are you crying?who's bullying to you?"galit na tanong niya.
"Nothing baby,hindi naman ako umiiyak e,napuwing lang si mommy ha,and baby ayaw mo na ba ako makasama kaya hinahanap mo na ang daddy mo?"boses na kunwaring nag tatampo ako,hindi ko pa masasagot sa kasulukuyan yung tanong niya.
"No mommy,im always to you,to my beautiful and pretty mommy"pambobola niya pa,napaka cute talaga ng batang ito kaya nga di ko matiis e"iloveyou mommy"
Napatingin ako ng bumukas yung pinto ng cr,nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si josh na may mga luha sa mata,omygod,kanina pa siya?
"Mommy?baby?daddy?ano yung mga narinig ko?ako ba?ako ba yung ama niya?"napabuntong hininga ako,at alam kong naramdaman niya iyon dahil,sobrang lakas ng pag buga ko ng hangin noong inilabas ko iyon.
"Please,wag dito naririnig ng bata"sabi ko sakaniya,at baka kung ano pang mangyari kay cindy,sa mga maririnig niya.
"Minsan mo ng pinagkait ang anak ko,sana wag mo na gawin ulit ngayon"aalis na sana ako ng bigla siyang mag salita,nabigla ako sa sinabi niya na sobrang napaagos ang luha ko at ang luha niya.
Binuksan ko ang pinto ng cr then nakita ko si kuya joey na nag lilinis ng restroom.
"Kuya pwede po ba paki dala siya kay mommy,nasa kabilang table siya,thankyou"sabay ngiti ko sakaniya,bago ako pumasok sa cr ulit tinignan ko munang umalis ni cindy,para kuhanan siya ng lakas ng loob.Huminga ako ng malalim bago ako humarap sakaniya
"Ano?ano yung sagot sa tanong ko"sigaw niya saakin,kaya hindi ko mapigil yung luha ko.
"So kasalanan ko pa?kasalanan ko pa na hindi mo nalaman na may anak ka?kasalanan ko pa dahil hindi mo nalaman na buntis ako noon dahil sa kalandian mo?"sabay hagulgol na pag iyak ko,wala na akong paki kung maging tanga man ako o may makarinig man saakin,ang mahalaga nasabi ko iyon sa kaniya ng deretsuhan.
"Bakit hindi mo sinabi sakin"nakita kong lumungkot yung mga mata niya,na para bang pinag sisihan niya lahat ng ginawa niya.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon,ang alam ko lang galit ako.
"Bakit?tinatanong moko kung bakit?may balak akong sabihin sayo tungkol doon"pinunasan ko ang luhang walang tigil na pag agos"pero nag loko ka,nag loko ka e,ano pa bang silbi nung pag amin ko sayo kung iba naman pala yung talagang mahal mo?"hindi parin tumitigil yung pag agos ng luha ko.
"Sorry,sorry kung hindi ako naging mabuting asawa sayo,pero kung alam mo lang pinag sisihan ko yung ginawa ko sayo"hindi ko alam kung ano sasabihin ko,kung ano nalang lalabas sa bibig ko yun nalang yung sinasabi ko
"Buti alam mo?buti kaya mong pag sisihan?alam mo kung gaano kahirap itago lahat,itago yung mga nararamdaman ko noon?yung hirap na dinanas ko noong ipinag buntis ko siya?kaylangan ko ng kakapitan pero wala akong makapitan,tanging si tita lang na walang tigil sa pag aruga saakin,kung alam mo lang"nanginginig nako sa pag sasalita,dahil parang hindi ko na kaya ibuhos lahat dahil nababaon yun sa puso ko.
"Kung sinabi mo lang sana,hindi mag kakaganyn"sigaw niya ulit sakin,siya pang may balak magalit,kung sino pa pala nag loloko ngayon siya pa yung magagalit,sa kagaguhan na ginawa nila.
"So kasalanan ko?okay,sige,ibuhos mo lahat ng sama ng loob mo sakin,pero ibubuhos ko rin yung sama ng loob ko sayo,halos hindi ko na nga mabilang at masabi dahil sa sobrang dami non"sagot ko sakaniya,ni wala na nga siyang masabi saakin,natahimik ang buong paligid.
"So ano?wala kang masabi ngayon?"
"Sorry,bigyan mo pa ako ng chance na makasama ka,makasama kayo ng anak natin.Gusto ko siyang yakapin,kaya pala pag nakakasama ko siya iba yung kutob ko,napaka saya ko"naawa ako sa sinabi niya,gusto ba niya talaga kami makasama?hindi naba siya ng uuto?totoo na ba yung relasyon nato,sakaling bigyan ko siya ng chance?hindi madali pero,ayoko na siyang ipagkait sa anak ko.
"Sige,sa isang kundisyon,ipangako mo saakin na magiging totoo na ito"seryoso kong sabi sakaniya,hindi ako mapakali pero kailangan ko gawin,mahal ko parin naman siya diba?kaya go lang,kung ano man yung kailangan.
YOU ARE READING
My proffesor
FantasyJoshua tristan Miguel Montefalco the Proffesor Criselle Ann Carmelo the student