Latibule

188 9 0
                                    

P R O L O G U E

*****


"Just like a song, I would love just to be stuck to your side not with anybody else." humugot muna ako ng malalim na hininga bago ito pinakawalan at direstong nakatingin sa mata niya. "So please be mine." rinig ko ang ilang gulat na reaksyon sa mga kaibigan niya.

She's looking at me with a serious face bago ito tumalikod at iniwan akong nakatanga.

"Oh boy, Yuri tara na." aya ng kaibigan ko.

Doon lang ako na gising dahil sa tawanan na binigay sa akin ng mga kaibigan niya. Sheet na malagkit iwan ba naman ako.

"Wait! I like you! I really like you okay?!" sigaw ko kahit hindi ito tumigil sa paglalakad.

"Yuri sabi ko naman kasi sayo sa'kin kana lang." kapit ni Jessica sa braso ko at nakuha pa sundutin ang pisnge ko habang aliw na aliw sa kalagayan ko.

"Shut up Jess, mas type ko ang kaibigan mo kaysa sayo." irap ko dito bago binawi ang braso ko.

Rinig ko naman ang tuksohan sa ilang kaibigan ni Jessica bago lumapit sa kanila.

"Bad mo talaga hmp!"

"Tara na nga Giselle may trabaho pa ako sa Coffee Shop. Mag iipon lang ako ng pera pang bili ulit ng bulaklak."

"Yuri bakit hindi na lang sama ng loob ang iponin mo para masaya?" suggestion niya.

Binatukan ko naman ito agad. "Ikaw kaya ang mag ipon ikaw nakaisip eh." tsaka ko siya iniwan.

"Hehehe joke lang Yuri masyado ka naman seryoso." sunod niya sa akin.

____________
:(:

Latibule Where stories live. Discover now