Chapter 3

39 8 0
                                    

Sisvielyn Yuri Allard

"Yuri may nag hahanap sayo."

Nag angat ako ng ulo matapos ko marinig yun sa isa kung kaklase.

Umidlip kasi ako dahil sa matinding pagod kagabi, matapos ng shift namin kagabi ni Giselle dumiresto kami sa Metro para applyan yung bagong bukas na Bar na inalok sa amin ni Daisy. Medyo may kalayuan sa bahay pero okay na rin para dagdag sa pinag iiponan ko. Matapos kami ma interview hintayin na lang daw namin ang tawag sa kanila kaya sana lang matawagan kami ni Giselle.

Bakante kami ng first class ngayon dahil yung Prof. namin absent, kahit ganun nag iwan parin siya ng activity para may gawain kami ngayon araw. Kanina pa ako tapos kaya napag pasyahan ko umidlip muna.

Tumayo ako sa pag kakaupo at lumapit ki Francisco pero pag sa gabi nagiging Francine. Nakatayo ito malapit sa saradong pinto. Kahit inaantok walang salitang lumapit ako habang nag hihikab, para akong nabulonan ng hangin matapos ko mabuksan at kung sino ang nag hahanap sa akin.

"N-atalie.." mabilis kung inayos ang sarili ko at pinunasan ang mukha baka may laway pa ako.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago direstong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan na titigan ang mukha niya, Argh ang ganda niya talaga, kung nasa anime lang kami baka kanina pa naging heart shape ang mga mata ko dahil sa ganda niya.

"Isn't Giselle your friend? She's in the clinic right now."

Medyo hindi ko pa maprocess yung sinabi niya dahil abala ako sa maganda niyang mukha pero ganun na lang ang pag laki ng mata ko at mabilis na iniwan siya pero bumalik rin agad sa kaniya.

Gulat itong nakatingin sa akin dahil sa biglaang pag tigil ko sa harap niya. "T-thank you, A-uhm sasama kaba?" nahihiya ako sa ginawa ko kaya hindi na lang ako tumingin sa mga mata niya.

"All right but don't run," she said.

Napa-yes naman ako sa isip- isip ko bago kagat labing pinipigilan ang sarili ko na wag ngumiti. Sorry Giselle my friend, kahit nag aalala ako sayo hindi ko mapigilan lumandi, alam mo naman whipped ako ki Natalie.

"Ano pa lang nang yari sa kaibigan ko?" Pag babasag ko sa katahimikan habang nag lalakad kami papuntang clinic.

Mga ilang minuto ang tumagal pero wala akong na tanggap na sagot mula sa katabi ko, hindi ko mapigilan mahiya kaya ang ginawa ko tumikhim ako at nag kunwari na inuubo.

Nag unat- unat ako habang nakasunod sa katabi ko, "Uhm kumain kana ba?" tanga mo Yuri ganda ng tanong mo.

Tumingin ito sa akin na hindi parin nag sasalita kaya hindi ko mapigilan mapasimangot kasunod niya dahil na alala ko pa lang hindi siya madaldal gaya ng mga tao kilala ko.

"Ah Natalie magaling kaba sa Math? Mag papaturo sana ako sayo." ngiti ko sa kaniya.

Binawi ko rin agad ang ngiti ko dahil parang wala talaga siyang balak na sagutin ako. "Natalie nag titipid kaba ng lawa- "

"We're here." pag puputol niya sa akin.

Ngayon ko lang din na realize nasa tapat na kami ng pinto ng Clinic. Ngumiti ako sa katabi ko bago dahan dahan binuksan ito. Bumungad sa akin ang eleganteng kwarto, kung iisipin para itong hotel room dahil sa mga gamit na mamahalin. Siguro laging mataas ang bill ng kuryente ng school namin. Grabe naman kasi sa liwanag, parang limang bumbilya ang gamit.

Inilibot ko ang panaginip ko sa kabuoan ng clinic, bat parang may mali? Ang nakikita ko lang kasi parang taga listing or tanongan like kagaya nung mga napapanood ko sa movie na bago ka makapasok sa main room dadaan kana muna sa front desk. May isa ring pinto, siguro yun na yung daan bago ka makapasok sa loob ng room. Astig naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Latibule Where stories live. Discover now