Na alinpungatan ako sa sunod sunod na katok mula sa pinto. Hinayaan ko pa ito ng ilang minuto pero hindi na rin naka tiis kaya umupo akong bumangon sa higaan habang nakapikit at kunot ang noo.
"Yuri gising mag asikaso kana." rinig kung boses sa labas ng pinto.
"Ha?"
"Sabi ko mag asikaso kana dahil baka malate pa tayo!" sigaw ni Giselle.
"Hakdog! Ang aga mo naman ata." sabi ko matapos ko buksan ang pinto. Nag kakamot pa ako ng ulo habang nakatingin sa kaibigan ko.
Nakabusangot ito binangga ang balikat ko para makapasok sa loob. "Si Papa kasi eh, gusto niya ipag yabang na may bagong kotse si Kuya at ihahatid daw ako." upo niya sa kama.
Maliit lang din itong tinutuloyan ko, pag bukas mo ng pinto kama ko agad makikita mo habang sa gilid naman ang lababo at ref at lutoan. Katabi niya rin ang cr in short studio type apartment siya. Dito kami nakatira ni Nanay pero ako na lang mag isa.
"Oh anong problema doon? Edi sana hinintay mo na lang ako sa school. Alas singko pa lang Giselle mamaya pang 7:30 first class natin." pahayag ko at bumalik sa pag kakahiga.
Naramdaman ko naman ang sakit ng pwet ko matapos niya ako hampasin doon. "Gaga alam mo naman ayoko makasama si Kuya kaya ito maaga ako umalis ng bahay. Hindi na nga ako ng hingi ng baon eh."
"Oh wag mo sabihin mag papalibre ka sa akin?" lingon ko sa kaniya. "Hindi." ngisi nito. Tumayo siya at dumiresto sa ref bago kinuha ang pitsel para makainom ng tubig.
"Ha?"
"Hakdog!"
"Gago! Wala akong extra pera kaya ang bobo mo bakit hindi ka ng hingi?" Bato ko ng unan sa pwesto niya.
Pinulot niya naman ito bago tumabi sa akin." Yuri naman para namang hindi mo ako kaibigan. Edi kumupit ako ki Papa!" pinakita niya pa sa akin yung 3k at winagayway sa mukha ko.
"AHAHAHAHA yari ka na naman sa Papa mo at ang lakas mo rin eh nuh 3k pa kinuha mo."
"Aba ganun talaga." ngisi nito bago binalik sa wallet yung perang kinupit niya.
Abala ako sa pag aayos ng palda ko dahil hindi ako komportable.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Yuri ano ba ang ginagawa mo?" lingon ni Giselle sa akin. Pansin niya siguro na hindi ako mapakale dito sa kinatatayuan ko.
"Wala na ba mas iikli sa palda na ito? Hindi pa ata nakakaupo pwet ko sa upoan nasilipan na ako eh." himutok ko at pilit binababa ang palda.
Nakakasar, hindi ko alam kung tumangkad ba ako o sadiyang ganito talaga siya. Huling sukat ko dito above the knee.
Narinig ko naman ang pag pigil tawa ng katabi ko. Hindi ko tuloy malaman kung natutuwa siya o inaamoy niya lang hininga niya.