Sisvielyn Yuri Allard
"Yu- oh Yuri nan diyan ka pala, tamang tama tatawagin pa sana kita kaso nan dito kana. Sa table 4 yan." wika niya matapos ko sumulpot bigla sa harap niya.
"Ako ng bahala Sally." Kindat ko sa kaniya matapos ko tanggapin yung tray na nag lalaman ng order sa table 4. Narinig ko naman ang pag papasalamat nito kaya dumiresto na ako at hindi na nag sayang nag oras.
"Ma'am ito na po yung order niyo." lapag ko sa table syempree may kasamang ngiti sa labi para hindi nakakasuya sa mga customer namin. Baka sabihin lagi kaming nakasimangot.
"Thank you." tipid niyang sagot at hindi man lang nag abalang tapunan ako ng tingin.
Napasimangot pa ako ng ilang minuto bago ngumiti ulit. Di bale may bukas pa. Sa tatlong taon kung pag tatrabaho dito sa Coffee Shop lagi ko siyang nakikita at naging regular customer na namin siya. Nakikita ko rin siya sa school pero hindi ko alam kung na alala niya ba ako o kilala dahil na rin hindi siya yung tipo ng tao na madaldal at nakikipag usap sa ibang tao basta basta. Ang tangi niya lang ginagawa ang mag basa ng libro o dika kasama niya ang mga kaibigan niya.
Siya si Natalie Portman 1st year student sa kursong Business Ad. Almost 2 years na rin ako nag papapansin sa kaniya pero wala eh introvert siya at madalang lang makipag usap sa iba. Bihira ko lang din siya makitang ngumiti o mag salita man lang well bukod sa apat niyang kaibigan. Hay kahit ganito siya, gustong gusto ko parin siya.
"You're always welcome!" Masiglang sambit ko bago tumalikod para tulongan na si Hannah dumadami na rin kasi yung pumapasok na customer.
"Ah excuse me, may tissue ba kayo?"
Napako ako sa kinatatayuan ko. Ito na ata yung mahabang salita na narinig ko mula sa kaniya. Medyo natulala pa ako pero umayos na rin ng tapunan niya ako ng tingin. Cheesecake! Matagal ko na itong hiling sa Diyos na tignan niya man lang ako sa mata kahit isang saglit lang. Grabe gusto ko siya sambahin dahil ang ganda niya ngayon.
"M-meron.." utal ko. "Ay meron po Ma'am saglit lang po." ulit kung sabi bago mabilis bumalik sa counter para kunin yung lalagyan ng tissue.
Muntik pa ako madulas dahil sa kakamadali at hingal na inilapag sa lamesa ni Natalie ang tissue. Shocks nakakahiya hindi naman niya ata nakita yun diba?
"Thank you." sambit niya at nag tataka ako tiningnan. Malapad na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya bago umalis.
Patakbo pa ang ginawa ko dahil feeling ko matutunaw ako sa titig niya. Damn ang ganda niya talaga. Nag ipit pa ako ng tili dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon, sa 2 years na pag papansin ko sa kaniya ngayon niya lang ulit ako binigyan ng pansin. Pag kasi babatiin ko siya sa school o tangka kausapin man lang laging may pa epal na ng yayari.
"Hoy Yuri! para ka naman tanga diyan. Pinansin kana ba ng loloves mo?" tanong ni Giselle, kaibigan ko.
Inakbayan niya pa ako at sisilip pa sana sa pwesto ni Natalie ng pigilan ko siya. Obviously dahil kaibigan ko itong kumag na ito alam niya na may gusto ako ki Natalie.
"Ano kaba wag ka nga diyan, pag tayo na huli tatanggalan kita ng mata." banta ko sa kaniya at hinila ang braso niya para pumasok sa kitchen.
"Aray naman Yuri dahan dahan lang!"
"Ssshh wag ka nga maingay." saway ko.

YOU ARE READING
Latibule
RandomGXG STORY || Sisvielyn Yuri Allard is a strong, independent woman who wishes to a happy and content life. But she is aware that it is impossible now. ©tyjkm_ ⚠️ don't expect too much ⚠️