CHAPTER 42

91.3K 2.1K 385
                                    

I saw her smile. "I'm glad you still know me."

I don't know how to react. Ni hindi ko nga alam kung sincere ba ang approach niya o sarcasm.

"What are you doing here?" pormal kong tanong, pilit na binabalewala ang ilang sa damdamin ko.

"Well, I'm with someone. Gusto ka sana namin kuhanin bilang architect ng bahay na ipapatayo ko," she answered.

Siya mismo ang magpapagawa?

Hindi ko naiwasan ang pagsalubong ng aking mga kilay. As if on cue, a woman in her 50s came beside her. Ilang beses akong napakurap habang tinatambol ang dibdib ko sa kaba.

Hindi ko man itanong, alam ko kung sino siya. Her features resembled him. Sa mga mata, ilong, labi, at awra ng kaniyang mukha ay nakikita ko si Agustine.

"Anyway, meet Tita Rosella, my fiance's mother. Tita, meet Khrystal. One of Agustine's business partner," Lhea formally introduced.

I tried to smile as she looked at me. Seryoso at walang halong pangmamaliit, ngunit ganiyon pa man ay hindi nakatakas sa paningin ko ang kaunting galit sa kaniyang mga mata. Wala sa sarili naman akong napalunok at saka marahan na itinuro ang upuan sa harapan ng mesa ko gamit ang aking bukas na palad.

"Have a seat," I said.

Walang imik naman silang lumakad palapit at umupo sa magkabilang visitor's chair.

"I hope I didn't make you uncomfortable with our presence," Lhea uttered.

Alanganin akong ngumiti. "It's okay."

I don't get it. Why are we in this situation?

Kung nagkataon na ako ang nasa lugar niya, hindi ako kailanman makahaharap ng ganito sa babaeng nakiagaw sa mapapangasawa ko. Kahit kailan ay hindi ko siya maiisip na puntahan o pangunahang kausapin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung talaga bang pagiging architect ko ang pakay niya o ibang bagay.

Tungkol ba ito kay Agustine? Iniisip niya ba na nilalandi ko na naman ang asawa niya?

With that thought, I secretly glanced at her finger. Mapait akong ngumiti nang nakita ang engagement ring doon. It's confirmed, they are together. Whether they are married or not.

Lord, is this a sign?

Agad akong nanlumo para sa mga anak ko. Sa ikalawang pagkakataon na susubukan kong ipaalam kay Agustine ang katotohanan sa pagkatao nila, muli na naman akong sinusubok ng tadhana.

"So, like I said, I want you to become our architect," Agustine's partner stated.

I faked a smile. "Does it has to be me?"

Nakita ko ang pagtuon ng atensyon ng ina ni Agustine sa akin pagkatapos niyon. Pasimple tuloy akong tumuwid sa pagkakaupo at mahinang tumikhim.

"I mean, I'm not that famous," I added.

Matamis namang ngumiti si Lhea. "But you are skilled. Marami akong nabalitaan sa mga project mo sa America, lahat iyon maganda."

I couldn't stop myself to frown.

She knows?

"I will really appreciate it if you accept my offer. Kahit doblehin ko ang bayad, okay lang," pagpupumilit niya. "Agustine let me use his money." She chuckled.

Habang tumatagal ay lalo talaga akong naiilang. It shouldn't be like this. Kung si Agustine nga, ramdam ko pa rin ang galit niya sa akin pagkatapos ng ilang taon, bakit kabaligtaran ang ipinapakita sa akin ng mapapangasawa niya?

Flawed Series: Good For Nothing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon