CHAPTER 29

66.6K 1.8K 328
                                    

Halos limang minuto na 'ata akong nakatulala sa pintuan ko. Ilang beses kong inulit sa aking isip ang sinabi ni Mommy bago siya lumabas. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ba ako o mananatili na lamang sa silid ko. Pero naisip ko, walang kasalanan ang babae sa lahat. Kung may matatawag man na biktima sa nangyayari, siya iyon.

Wala akong ideya kung bakit siya nandito. Para ba bantaan ako? Para lalong ipamukha sa akin ang kahihiyan na ginawa ko?

Humugot ako nang malalim na hininga at saglit na inayos ang sarili ko. Siguro nga ay kailangan kong tapusin ang gulong ginawa ko, kailangan kong humingi ng tawad. Nang nakuntento sa aking itsura ay saka pa lamang ako mabagal na kumilos para lumabas. Sa bawat lakad na ginagawa ko ay tila pinipiga ang puso ko sa katotohanan na nagkamali talaga ako.

Natanaw ko agad ang fiancee ni Agustine na nakaupo sa sofa pagkababa ko. Our eyes met. Wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko ang galit at sakit mula sa kanyang paningin. Naupo ako sa one seater couch na nasa gilid ng inuupuan niya nang tuluyan na akong nakalapit.

"I'm sorry," I murmured.

Ako na ang naunang nagsalita. She automatically answered me with a scoffed. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Alam mo ba kung ano ang sinira mo?"

Palihim kong kinurit ang daliri ko na nakapirmi sa aking binti. Tulad nang inaasahan ko, muli akong kinain ng kunsensya sa mga tanong na ibinato niya. Alam kong hindi lang ako ang nagkamali sa aming dalawa ni Agustine, gano'n pa man ay hindi niyon mababago ang katotohanan na nagkasala ako. Hindi kailangang sukatin o hanapin kung sino ang may mas mabigat na kasalanan sa aming dalawa dahil kahit saan man daanin, hindi mababago na parte ako nang panloloko.

Isang malalim na hininga na lamang ang ginawa ko at sinserong tumingin sa babaeng kausap ko. "I'm sorry. I mean it." Tears were slowly forming in my side eyes. "I-I.. will not get near him again," I continued—stuttering—thinking about my trip to America.

Saglit akong tinitigan ng babae. Dumaan ang saglit na kalituhan sa kanyang mga mata. Mayamaya pa ay bumalik iyon sa pagiging galit at malamig akong tiningnan.

"You should. Kahit hindi na para sa akin, kahit para sa anak na lang namin ni Agustine."

I felt like a cold water was suddenly poured into my body. My mouth parted as I stared back at her. Pinanuod ko siya habang kinakalkal ang kanyang bag. Mula roon ay inilabas niya ang isang smartphone at saglit na pumindot. After that, she slowly dropped it on the table, revealing a family wallpaper on the screen—her, a kid, and Agustine. Nakaupo sa lap ni Bhryll ang batang babae na sa tingin ko ay nasa apat hanggang limang taong gulang, sa likod naman niya ay nakatayo ang babaeng kausap ko ngayon. They were all smiling on the picture—a happy family indeed.

My body trembled. Tumakas ang luha sa aking mga mata habang napapagtanto ang lalim ng kasalanan na ginawa ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas.

I almost wrecked their family. I almost broke someone's home.

"I didn't come here to fight with you," aniya, ramdam ko ang tumatakas na lungkot sa kanyang tono kahit pa pilit siyang nagpapakatatag. "I came here to beg. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Agustine, but please. Kahit para sa anak naming dalawa maawa ka."

My tears continued streaming as I heard her plead. Tanging tango lamang ang naisagot ko. Hindi ko na alam kung paano mag-isip nang maayos sa mga oras na ito. Yes, as what I've said, I'm at fault too. But now, I suddenly felt betrayed.

"He cleared your name," the woman spoke again.

Wala sa sarili kong inangat ang aking paningin sa kanya. Cleared? Her gaze remained cold at me.

"Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa when it the first place, plano ka naman niya talagang sirain."

Dalawang beses akong napakurap at pilit na inintindi ang mga sinabi niya. "W-what do you mean?" tanong ko, nagsimulang mangarera ang tibok ng puso ko habang naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"Hinayaan ko siyang umalis ng Manila dahil naiintindihan ko ang galit niya. Hinayaan ko siya sa plano niyang paghihiganti kahit pa 'di ko inaasahan na aabot sa... may mangyayari sa inyong dalawa. Akala ko sisirain niya lang ang pangalan niyo, ang negosyo niyo, akala ko hanggang doon lang," pagkukwento niya.

I unconsciously shook my head. "Hindi mo k-kailangang gumawa ng kwento. Lalayuan ko siya kahit pa hindi mo gawin iyan. Sapat ng dahilan na pamilyadong tao siya para putulin lahat ng koneksyon ko sa kanya." I tried hard to speak even with my shaky voice.

"Hindi ako gumagawa ng kwento. I am telling this for you to know that it was just a game for Agustine. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang direksyon ng plano niya pero iyon ang totoo. Pumunta siya ng Vista Querencia para maghiganti," she said firmly.

I rose up from my seat. "You're lying," iyon na lang ang nasabi ko. "Pwede ka nang umalis. Huwag kang mag-alala, kahit anino ko. Hindi ko ilalapit kay Agustine, makakaasa ka." I turned my back and started walking to take my leave.

"Your stepmother had an affair with his father."

Tila dumikit sa sahig ang mga paa ko nang narinig ko iyon. Nakatalikod man ako ay naramdaman ko ang kanyang pagtayo mula sa couch at saka naglakad palapit sa akin, patungo sa harapan ko. She met my eyes.

"Agustine came here for a revenge because your mother, Francheska Dagsinal, had an affair with his father. Ang rason kung bakit nasira ang pamilya ni Agustine. He came into your world to target her daughter, but then, you showed in the picture. The illegitimate daughter of the Dagsinal clan," she said clearly, point by point.

Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko. Napasalampak ako sa sahig habang sinisiksik sa aking utak ang mga impormasyon na nalaman ko. Muling bumalik sa aking alaala ang mga panahon na nagkatagpo si Agustine at Mommy Francheska. The way my mom looked at him at the hospital, the way she purposely escaped meeting Agustine that night.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw na ang naging target niya. Maybe because you're the easiest one?" she uttered.

I lifted my gaze at her as I remained sitting on the floor. "Why are you telling this to me?" Another bunch of tears streamed down to my cheeks.

"Dahil tulad nang sinabi ko, hindi ko na alam kung ano ang mga plano ni Agustine. Kung bakit niya nilinis ang pangalan mo kahit pa nasa plano na niya iyon. Is it because it drags his name also? Or he still want to continue his plan of ruining you, big time. Let's just say, I am warning and helping you sa mga possible plans niya."

"Bakit mo gagawin iyon?" I asked.

"Dahil gusto ko na siyang umuwi. Gusto ko na siyang bumalik sa amin ng anak ko." Her voice cracked. "So push him away. Show him that he has nothing to gain from his target anymore."

Flawed Series: Good For Nothing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon