Chapter 2

62 3 5
                                    


Kilala si Lecxis Neil De Vera bilang isang player. Player ng basketball, at bilang isang playboy. Isa syang dakilang playboy. Pero no wonder, marami din ang gustong pumatol sa kanya kasi magaling syang mambola. Ang galing nya magpaikot ng babae. Ang lakas mang-uto. Ang lakas mang-asar. Hindi sya ganun kagaling pagdating sa Academics pero pumapasa naman sya.

Pero alam nyo kung saan sya talaga magaling? Sa pakikipaglandian. Tingnan nyo nga, kinuha nya yung number ni Aira. Ugh. Wawarningan ko nga ang babaeng yun kapag nagkita kami mamaya.

"Eh kung ganun naman pala, bakit mo ba nagustuhan si Lecxis?" Tanong ni Sheera.

Bakit nga ba?

Nandito kami sa condo ni Princess. Walang pasok ngayon dahil Linggo at bored daw sila kaya nag-aya. Wala daw kasi magawa sa bahay nila. Same as me. Ang boring sa bahay. Kaya nagsipunta kami dito pero wala pa si Aira. May pinuntahan pa ata.

"Hmm.. Okay, I'll tell you the story." Umayos sila ng upo at nakinig.

3rd year highschool ako noon nang makilala ko sya. Player na sya ng basketball that time. Well, wala naman akong interes sa basketball at sila Princess lang ang may gusto nun kasi marami daw pogi na player. Kaya nakita ko sya. Ang galing nya pala magbasketball. Na-amazed din ako. Pero hindi naman ako madalas manood ng basketball dahil busy ako sa pag-aaral.

One time, pumunta ako ng library dahil may test kami kinabukasan. Grade conscious here! Hindi ko kasama sila Aira dahil nauna na sila umuwi. Sa bahay nalang daw sila magre-review. Mas gusto ko sa library dahil maraming libro dun kaya nagpaiwan ako. Pinauna ko na sila.

After ko magreview ng kanda haba-haba, natapos din ako. Pagtingin ko sa relos ko, it's already 6 pm. Napatagal pala ako. Tumingin ako sa bintana, mukhang uulan. Makulimlim kasi.

Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi agad dahil baka abutan ako ng ulan. Wala pa naman akong payong at magc-commute lang ako. Wala kasi si Hazel o kaya si Princess para magpasabay ako.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, lumabas na ako ng library. Habang tumatakbo sa hallway dahil nagmamadali ako, nabangga ko sya. Nabangga ko si Lecxis. Kinabahan ako nun kasi first time ko lang sya maencounter at makita ng ganon ka lapit.

Nagsorry ako at tumakbo na dahil umaambon na. Pagkalabas ko ng building, naghanap agad ako ng masisilungan dahil medyo basa na ako. Lumalakas na ang ulan. Sumilong ako sa isang waiting shed at tumayo doon. Habang patagal ng patagal, lumalakas na ang ulan. Kinuha ko nag bag ko para sana itext si Princess para ipasundo ako pero pagtingin ko, empty batt. Nainis na ako nun kasi, paano ako uuwi? May test pa kami bukas at baka kapag sumugod ako sa ulan, magkasakit ako!

Naghintay pa ako ng matagal sa waiting shed dahil akala ko titila din ang ulan pero hindi, mas lalo lang ito lumakas. Mabuti nalang at hindi bumabaha dito dahil trap na ako. Habang tumatagal, nawawalan na ako ng pag-asa makauwi.

Nakayuko lang ako at tinitingnan ang mga patak ng ulan nang may biglang tumabi sa akin. Hindi ko na pinansin yun at nanatili nalang na nakatingin sa lapag.

Maya-maya, biglang tumikhim ang katabi ko.

"Miss, sabay ka na sakin."

Pagkaangat ko ng tingin, nakita ko ang isang Lecxis Neil De Vera na nakangiti sakin. Parang nabuhayan ako ng loob. Finally, makakauwi na rin ako. Pero bago yun, tiningnan ko lang sya na nakataas ang isang kilay.

"Err. Hindi po tayo magkakilala." Sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin. Nakatingin kasi sya sakin. Napatingin ako sa hawak nya. Payong. May dala syang payong.

"Okay, so magpapakilala ako. Im Lecxis Neil De Vera." Sabay ngiti sakin at lahad ng kamay.

Tiningnan ko lang ulit sya. Ano bang pinagsasabi nito?

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon