Chapter 1

55 4 2
                                    


GEN'S POV


Naglalakad ako sa hallway kasama ang barkada nang makita ko sya kasama ang kanyang team sa varsity. Kagagaling lang siguro nila sa practice kasi halata mo sa kanila na pagod sila. Malapit na din kasi ang kanilang laban at bilang isa sa mga tiga-suporta nya, nagre-ready na rin ako sa boses ko kapag sumigaw ako. Kailangan ko sya i-cheer! May balak nga ako gumawa ng isang poster na naglalaman na,


"Go Lecxis Neil De Vera!"

Sigaw ni Sheera sa tabi ko. Napatingin naman sya at biglang ngumiti tapos kumaway. Bigla namang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa nya kaya pinalo ko nalang ang katabi ko na tahimik na si Aira. Sa sobrang gulat nya, nabitawan nya ang mga dala nyang libro at dahil nagulat din ako, nasama na rin yung akin.


"Sorry Aira, sorry." Sincere na sabi ko at tinulungan syang pulutin ang mga libro nya. Inuna ko muna ang kanya bago akin dahil ako ang may kasalanan. Dalawang libro nalang ang pupulutin nang may biglang lumapit sa amin, hindi ko na iyon pinansin at pinulot nalang ang isang libro at tumayo. Pagkalingon ko sa gilid, nakita ko si Lecxis na nakaluhod at inabot ang natitirang isang libro. Di iyon napansin ni Aira at pinulot na ang kanyang libro at nasakto ang kanilang kamay. Nagkahawak pa nga ata sila. Dahil ayoko ng nakikita ko, inabot ko nalang kay Aira ang libro at umalis na. Iniwan ko na din ang mga libro ko na nakakalat doon.


Tapos na rin naman ang klase ko kaya umalis na din ako sa lugar na yun. Hindi ko kayang makita ang nasaksihan ko kanina. Parang kumirot ang puso ko. Naglakad-lakad lang ako nang di ko namalayan na nasa field na pala ako. May naglalaro ng soccer at baka matamaan ako kapag naglakad-lakad pa ako dun. Umupo nalang ako sa nakita kong bench at pinanood ang isa kong kaibigan maglaro ng soccer. Ang galing nya talaga.


Napansin nya siguro ako na nanonood kaya sinenyasan nya ang coach nya na magbreak muna. Pagkapito ng coach nya, umalis agad sya at tumakbo papunta sa'kin. Pagkalapit nya, pawis na pawis sya pero nakangiti pa rin sa akin.


"Ang galing mo talaga maglaro, Mark Laurenz Vista." Puri ko sa kanya. Napangiti naman sya agad sa sinabi ko.

"Maraming salamat, Genyvie Ellaine Neil Santos." At napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Anubayan. Ang haba talaga ng pangalan mo." Sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Haha. Maganda naman."

"Busy na din kayo sa laro, noh? Pareho kayo ni Lecxis." Sabay nguso ko sa kanya.

Pinitik nya naman ang noo ko. Ugh.

"Aray! Bakit yung noo ko?" Inirapan ko naman sya.

"Anong gusto mo? Yung ilong mong flat?" Sabay tawa.

"Aba't! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sabi ko sabay palo sa kanya.

"Hindi ah. Gwapo kaya ang mukhang ito." Sabay turo sa mukha nya. Nag-pogi sign pa! Kahit kelan talaga!

"Okay, sabi mo e." Para matapos na ang usapan, nag-give up na ako. Nako, hinding-hindi ako mananalo sa mga sinasabi nyang si Mark. Hindi yan magpapatalo. Bwisit yan e.

Nakaupo lang kami dun at nag-uusap nang tawagin na sya ng coach nya. Tuloy na daw ang practice nila at ang sabi nya, gabi pa ata sya makakauwi. Sasabihin ko nalang sa barkada na gabi sya uuwi para masabi nila kay Tita. Baka mag-alala nanaman yun.

Tumayo na ako at umalis sa field. Naglakad-lakad ulit ako nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko muna ang dinaraanan ko bago ko tingnan kung sino ang nagtext.

From: Ryza

Hey Gen, nasan ka na? Nasa'kin ang mga books mo. Lokaret ka, iniwan mo. Nandito nga pala kami nila Sheera sa Mcdo sa labas.

Agad-agad naman ako nagreply.

To: Ryza

On the way.

Tinago ko na ang phone ko at naglakad papalabas ng university. Buti nalang Friday ngayon, pero may pasok kami bukas.

Paglabas ko, hinanap ko na ang Mcdo at buti nalang, medyo malapit yun kaya nilakad ko nalang. Mabuti nalang at maliwanag pa. Ayoko pa naman naglalakad ng mag-isa.

Pagkapasok ko sa Mcdo, ang ingay.

"Uuuuy! Yung fries kooo!"

"Ano ba Princess! Mukha kang fries!"

"Ugh. Ang ingay nyo naman!"

"Sorry na Hazel. Epal kasi yung isa dyan."

Ayan lang naman ang ilan sa mga naintindihan ko na sinabi nila. Pagkapasok ko palang, nakita ko na iilan lang ang mga tao pero ang ingay. Sila lang pala ang nag-iingay. Nakakahiya naman sa ilang kumakain.

Lumapit ako sa table nila at nagulat nang makita ko na nandito si Lecxis. Anong ginagawa nya dito?

Napansin siguro ni Princess na nakatingin ako sa kanila ng nagtatanong kaya hinatak nya ako at may binulong.

"Adik. Nakalimutan mo na ba na boyfriend ni Hazel ang isa sa kaibigan ni Lecxis? Kaya nandito yan."

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Ano nga ulit ang pangalan ng bf nya?"

"Ah. Jeremy. Jeremy Navarro." Kaibigan nya nga.

"Bakit silang lahat ang nandito? Pwede naman yung Jeremy lang." Sabay irap ko sa mga lalaki na nasa harap ko ngayon. 5 silang lalaki at 6 naman kaming mga babae. Nasa isang mahabang table kami.

"Hayaan mo na sis, dami mong arte." Sabi nya sabay kuha ng fries sa harap nya.

Nagk-kwentuhan lang silang lahat habang ako ay kumakain lang ng fries ni Princess. Tinatamad kasi ako mag-order kaya kumuha nalang ako sa kanya. Nung una nga, pinalo nya yung kamay ko. Ano daw ba ang ginagawa ko. Sinabi ko sa kanya kaya pumayag na sya. Mga lalaki nga lang ata ang kumain kasi galing sila sa practice kaya siguro gutom. Hindi naman kami masyadong gutom kaya fries lang ang inorder nila.

Pagkatapos kumain, lumabas na kaming lahat at maghihiwalay na kami ng mga destinasyon. Hindi legal si Hazel at Jeremy kaya bawal ihatid ni Jeremy si Hazel. Dapat nga, nasa iisang bahay nalang kami para sama-sama pero ayaw pa kami payagan ng parents namin. Pinipilit pa namin, haha. Si Hazel kasi may condo na, ako apartment pero sa bahay pa rin ako umuuwi. Duh~ mas masaya sa bahay. Kasama mo ang family mo.

Anyway, nagpaalam na sila sa mga boys at ang dalawang magcouple, ayun, ayaw maghiwalay. Jusko! Magkikita pa naman kayo bukas. Sasakay na sana sila sa kanya-kanyang sasakyan nang biglang hiningi ni Lecxis ang number ni Aira. Eto naman si Aira parang hiyang-hiya. Napatingin sya sakin at sila Sheera. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Okay lang. Number lang naman ang hiningi, hindi puso.

Binigay nya na ang number nya at nagpasalamat si Lecxis. Pagkatapos nun, sumakay na ako sa kotse ni Princess.

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon